Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!

TINABLAN MARAHIL si Shaina Magdayao sa mga kantiyaw na kahit na wala pa siyang bagong lovelife ay hindi siya dapat na sobrang maging kampante na porke’t maganda siya ay hindi na siya mag-aayos nang bongga para lumitaw pang lalo ang kanyang kagandahan. Marami kasi ang nakapansin na pagkatapos ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz ay obvious na obvious ang kanyang pananahimik bilang pamamahinga ng kanyang puso.

Napakasimple lang din ni Shaina kung mag-aayos ng kanyang sarili habang puro porma lang ng panliligaw ang maraming kalalakihan sa kanya. Kabaligtaran daw ng bagong karelasyon ni Lloydie na si Angelica Panganiban, na kahit lumalapad na sa katabaan ang katawan ay nagmamaganda talaga lagi sa kanyang mga kasuotan.

Pero nitong um-attend si Shaina sa Star Magic Ball, buong kaseksihan niyang inilantad ang wakwak ng kanyang likuran sa suot niyang gown.

Hindi pa rin nagmamadali si Shaina na muling magkaroon ng bagong karelasyon. Pero nararamdaman naman niya na sa mga panahong ito ay puwede na ulit siyang ma-in love. Bagay sila ni Piolo Pascual, pero ang dami-daming nanliligaw ngayon kay Shaina na kanyang mapagpipilian kung ready na talaga siya ulit makipagrelasyon.

PUMIRMA SI Judy Ann Santos ng bagong contract sa ABS-CBN. Sa mahabang pag-iisip para gumawa ng malaking desisyon sa kanyang career, tanging sa Kapamilya network pa rin naman tiyak na magkakaroon siya ng haplos ng pagmamahal sa isang artista. Katunayan ng pagmamahal at pagpapahalaga ng network sa Dos ay ang maagap na paghahatag sa kanya ng kontrata, na nangangahulugang hindi talaga siya pakakawalan.

Ang mundong ito ng mga artista na kinaroroonan ni Judy Ann ay isang malaking negosyo. Lagi namang nagkakaroon ng pakonti-konting tampo ang young superstar sa kanyang home studio, pero sa madalian ding pagpapaliwanagan ay nagiging maayos ang lahat.

Kung papaanong kahit naman sandamakmak na sa dami ang mga artistang inaalagaan ngayon ng Dos, hindi nakalilimutan ng Kapamilya Network, na nu’ng nagsisimulang bumongga ang kumpanya sa paggawa ng teleserye ay ilang taon sa ere ang binilang ng Mara Clara na sina Juday at Gladys Reyes ang mga bida.

Wala nang dapat pang patunayan si Juday sa showbiz, dahil naging napakasuwerte na niya. Pero sa pangangalaga ng career, tiwala pa rin siya na ABS-CBN ang kanyang tahanan. Nagdudumilat na katotohanan, na mahirap umalis sa home studio mo kung magiging katulad ka naman nina Sharon Cuneta at Claudine Barretto na naramdaman sa showbiz ang napakalaking pagbabago sa takbo ng karera nu’ng lisanin na nila ang ABS.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

23 thoughts on “Shaina Magdayao, nakuha sa kantiyaw?!

  1. Forever Starlet itong si Shaina Something.  Hindi mapasikat-sikat kaya kinakabit na lang sa pangalan ng kung kanikaninong artista. Pumayag pang maging gaybeard. What a cheap tramp! hakhakhak!

  2. melchor bautista ask kolang ngwawats kaba ng ASAP at guestings ni shaina kc mali sbimona simple lng mg-aayos kc contrary sa sbimo e oa kung mg-ayos yng c shaina kc ang hilig2 nyng mag make up ng makapal at mglipstick ng makapal gya dyan sa pic…ngmumukha ngazang matanda kesa sa age nya dhil diza marunong mgmake up ng simple lng…ewan koba sa knya wile mas bagay nman nyaung simple lang or walang make up kc dun nakikita natural beauty nya…ssbinga ni enchong pg lumalabas daw clang mgbabarkada ang hilig pumorma ni shaina samantlang za e simple lang atmga ksama nila…anyway akala koba cla na or nanliligaw c mama p. sa knya kc ang sweet2 nila dunsa SMB at sbay pa clang umalis ng venue…ibig sbihin wala lng ibig sbhin un.?

    • Hoy BRUHA ang laki ng inggggeeetttt mo sa Katawan noh…may make-up at wala si Shaina Super Ganda nya parin! Isa yata sya sa may pinaka magandang mukha na Artista na Pinay..

      • hoy ikaw ang mas BRUHA at TANGA pa!!! marunong kbang mgbasa o sadyang BOBO klng? diba sbi konga mas bagay panga sa knya ung konti lang o walang make up at all…ewan koba at dinya ba nakikita pg ngsasalamin za kung ano itsura nyasa ASAP specially sa kpal ng make up nya…sbinga ng isang coment dyansa baba mukha nazang bading sa kapal ng make up nya…oo alam ko maganda za kya dina nya kailangan sobrang make up na nkakasira sa beauty nya…o ayan ha bgo ka mgreak mgbasa ka munang mabuti ha OGAG!!!

  3. juday sabihan mo yang manager mong si Alfie grabe kung makapanlait tanda n nya di ba sya natatakot sa karma sama nya sa mga write up nya sa abante sobra na sya, kung makalait wagas e sya kaya mukhang ermitanyo 

  4. simple si Shaina tingnan nyo make up nya dyan sa picture nya sa taas parang sa super sireyna helloooo wala pa lang dyan nanliligaw na talagang totohanan kung meron di sinagot na nyan di yan sanay na walang kapartner 

    • Hellooo,kung sanay na walang kapartner eh di sinagot na niya mga nanliligaw sa kanya.almost 1 yr na siya wala bf kaya dont judge.mag isip isip din 

      • hello ka rin sino ang serious na nanliligaw dyan wala  kaya walang jowa yan remember di yan nababakante ngayon lang kasi nga walang seryosong nanliligaw wait ka lang pag me nagseryoso dyan bang me jowa agad agad yan 

      • Ikaw ang Pinakahello ..hilong hilo..yan picture pinagbabasihan s pagkatao ni shaina.?hello ,star magic party yan..party!!!!bka nga mas malandi ka pa kaysa Kay shaina.anong pinagsasabi mong Hindi sya makakatagal na walang karelasyon..alam mo b pinagsasabi mo?morethan a year n syang single! At anong sabi mong walang matinong lalaking papatol sa kanya? Sure ka teh?mas matino p syang Babae compare s ibang mga artista.kaya nga may mga nagkakagusto s kanya.pa uk uk ka pa, Kung makapanlait ka toda max..masyadong bitter at inggit to the bones..kumain ka Ng sakosakong ampalaya,para bonggang bongga yang bunganga mong bitter.. Kaloka

      • Hello na hello ka din talaga nman kapal mag make up nyang idol mo parang bading at sana kumuha sya ng tagayos hire nya si liz uy just like her friend bea a. Anyways wag ba lang dahil tutal di nman ba sya lead actress khit nga sa teleserye support n nga lang sya madami ng mas sikat sa kanya hanggang dyan n lng syasa tagal nya sa abs di pa din sya nabibigyan ng masasabing dekaludad na serye o movie na kanya lang at sa dami ng artista ngayon sa abs wala na support n lng sya daig pa sya ng ibang abs talent sa totoo lang huh

  5. ANG DAPAT GAWIN NI JUDY ANN  AY MAG PALIT NG MANAGER,BAKA KASI MADAMAY SYA KAY LOLONG ALFIE NA SAKSAKAN NG SAMA NG UGALI,MAPANG HUSGA, ETC…. MAG DASAL DASAL KA NA ALFIE  EPAL BAKA KUNIN KANG BIGLA NI LORD.

    • hayann niyo na umubra sa dos  makakapirma ba yan sa dos?    galit kay alfie ynag pamunuan  laos si juday! ilangp[un g taon na sa dos!  22 years  until now di ba?  kayo l;ang ang affected samntalng yung mangement ng dos piangttira niya?  eh di sana  no more contract di ba?  common seNSE  SIMPLE LANG!

Leave a Reply

Your email address will not be published.