Shaina Magdayao, naglasing sa bar? – Cristy Fermin

SIGURADONG IKASASAMA NG loob ni Shaina Magdayao ang kuwentong lumabas na may nakakita sa kanya sa isang bar na lasing at nagpapa-cute pa sa isang lalaking nandu’n.

Sayaw pa raw nang sayaw si Shaina, halatadong nakainom na, puro mga babae silang magkakasama sa bar. Sanay naman tayong nakikitang sumasayaw ang magandang batang aktres, pero sa ASAP lang ‘yun at hindi sa totoong buhay, lalong hindi kapag nakainom na siya.

Malayo ang kuwentong ‘yun sa pagkakilala namin kay Shaina, hindi nga makabasag-pinggan ang imaheng nakatatak sa aming utak tungkol sa kanya, kaya parang mahirap paniwalaan ang kuwentong lumabas.

Pero hindi rin naman imposibleng magkasayahan ang magkakabarkada, teen-ager pa si Shaina, kaya natural lang na haluan din niya ng paglilibang ang halos araw-gabi niyang pagtatrabaho.

[ad#post-ad-box]

Bibihirang mangyari sa mga artista ang malibre sila sa mahigpit nilang schedule, location-bahay lang ang ikot ng kanilang mundo, kaya kung may pagkakataon nga naman ay bakit hindi nila reregaluhan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paggimik paminsan-minsan?

Tao lang din naman silang napapagod at nabuburyong sa pang-araw-araw na rutina ng kanilang buhay, hindi sila naiiba sa mga ordinaryong taong pagkatapos mag-opisina, gusto rin namang maglibang kasama ang kanilang mga kaibigan.

Hihintayin na lang namin ang magiging reaksiyon ni Shaina tungkol sa isyung ito. ‘Yun ang hirap kapag nagsimula ang artista sa pagiging child star, nadagdagan na ang kanilang edad, pero ang tingin sa kanila ng marami ay bata pa rin na walang karapatang magbuhay-teen-ager.

NAKAPANGHIHINAYANG TALAGA ANG career ni Sunshine Dizon. Kapag siya na ang paksa ay naaalala namin ang pagtitiyaga sa pagod at gutom ng mga kabataang pumipila sa palibot ng ABS-CBN kapag merong audition. Napakaraming kabataang gustong mag-artista, milyon ang magkakagustong maging si Sunshine Dizon na sikat, maganda at magaling umarte.

Hindi naman siguro bago kay Sunshine ang ganu’ng senaryo, siguro’y nasasaksihan din niya ang pangangarap ng mga kabataan kapag bukas na ang audition para sa Starstruck, libu-libong teenagers na lalaki at babae ang nagtitiyaga-nagbabantay na tawagin man lang ng mga audition masters ang kanilang pangalan mula sa napakahabang pila.

Ang sinusungkit na pangarap ng mga kabataang ‘yun ay matagal nang hawak ni Sunshine Dizon, walang kahirap-hirap niyang narating ang tagumpay, itinuturing siyang pambatong batang aktres ng GMA-7.

Pero sa halip na alagaan ay pinababayaan pa ni Sunshine na makawala sa kanyang mga palad ang tagumpay, sa isang iglap lang ay nagbabago na ang kanyang timplada, ayaw na niyang mag-artista na depresyon lang naman ang dahilan.

Sobra siyang magmahal at masaktan, kaya kapag nagkakahiwalay sila ng kanyang karelasyon ay bigla nang gumuguho ang kanyang mundo, wala na siyang pakialam sa kompromiso niya sa network lalo na sa kanyang mga tagahanga.

Nakapanghihinayang na karera, kapag ipinagpatuloy ni Sunshine ang pagluluka-lukahan ay magtatampo sa kanya ang grasya, lilipat ‘yun sa taong marunong magpahalaga.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

10 thoughts on “Shaina Magdayao, naglasing sa bar? – Cristy Fermin

  1. kung totoo man ang kwento bout kay shaina i think dinagdagan na ang kwentong un…wat’s wrong nman kung lumabas xa paminsan minsan?kailangan din nyang mag unwind.

  2. HAY NAKU TATANGGI NA NAMAN YAN NI SHAINA. KAWAWA NMAN SIYA.. KUNG SA BAGAY KAHIT MAPARIWARA NA BUHAY NIYA NANJAN NAMAN YUN JOHN NIYA BAGAY NA BAGAY SILA HAHAHA. SIGURADONG MY CAREER HAHAHA. HAY NAKU HINDI KAYA NAIINGIT SIYA KILA KIM,MAJA AT ERICH DAHIL SIKAT ANG TATLONG TOH! SAMANTALA SIYA BINIGYAN NG BIG BREAK NG ABS-CBN WALA MAN LANG NG YARI SA KAMBAL SA UMA NILA NI MELISSA.. PINAG IWANAN LANG SILA NG RATING.. GOOD LUCK SHAINA SA MAGTIWALA PA SAYO ABS-CBN BIGYAN KA NG BIG BREAK HAHAHA

  3. kawawa naman si sunshine madaling ma depress. lovelife nga ba ang dahilan?

    dati nga na aksidente pa siya dahil nahuli niya bf niyang si mico sotto at angel locsin naghalikan sa loob ng kotse ni mico.. sobrang nasaktan si sunshine sa nakita nya kaya mabilis ang pag maneho niya ng sasakyan niya pauwi sa kanilang bahay..

Leave a Reply

Your email address will not be published.