Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan

BILANG EX-BOYFRIEND NI Shaina Magdayao, hindi maiwasang matanong si Rayver Cruz tungkol sa balitang napapadalas daw ang paglalasing lately ng young actress dahil sa sobrang depression sa nangyaring break-up nito at ni John Prats.  Ayaw umano niyang maniwala na totoo ito.

“Hindi kasi gano’n ang pagkakakilala ko sa kanya,” aniya. “Hindi ko ma-imagine na iinom siya at maglalasing dahil lang sa kung anumang problema.”

Pero what if it’s true na nagpapakalunod nga sa alak itong si Shaina just to get over the pain caused by her split-up with John?

“Hindi ko talaga maisip na posibleng mangyari iyon. Pero… kung totoo, halimbawa, well sana maisip niya na hindi iyon ang solusyon sa problema. But then, hindi nga siya gano’n the way I know her. Alam kong she knows how to handle problems very well. Intriga lang siguro iyon. Alam mo naman dito sa showbiz, ‘di ba?”

Speaking of intriga, maging si Rayver man ay nasasalang din ngayon sa mga isyung sangkot din ang rumored girlfriend niyang si Sarah Geronimo. Usap-usapang nakakaisip na umanong magrebelde ang young actress-singer dahil sa sobrang paghihigpit at pagkontra ng ina nito na magkaroon na ng boyfriend ang dalaga.

Ito rin ang napapabalitang rason kung bakit diumano ay hindi nila maamin-amin na nagkakamabutihan na nga sila.  Matatandaang bago pa ma-link si Sarah kay John Lloyd Cruz ay maugong na ang usap-usapang may mutual understanding na sila ni Rayver.

“Ang totoo, talagang magkaibigan lang nga kami ni Sarah,” pagdidiin ng young actor. “And respetuhin na lang natin siguro ang desisyon ng magulang niya na talagang hindi pa muna. Priority pa rin niya siyempre ang studies at saka ang career. Pati family, ‘di ba? Do’n na lang muna.

“May time din naman sigurong darating na puwede na siyang ligawan o puwede na siyang magka-boyfriend. Tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.”

Pero sa tono ng mga nagiging pahayag ni Sarah kapag si Rayver na ang napag-uusapan, reading between the lines, it appears na gusto nga nito si Rayver. At sa lahat ng na-link sa dalaga, siya nga ang parang may soft spot sa puso nito.  Dangan at talagang hindi nga umano maawat sa pagiging kontrabida ang Mommy nito kung pagkakaroon ng lovelife ang pag-uusapan.

“’Yon nga, may isyung nagre-rebelde na raw siya at gustong bumukod na dahil daw sa akin. And minsan, nakakausap ko naman siya, nagti-text ako, nagsu-sorry ako na may mga lumalabas na issues na gano’n. Na parang siya pa ang napapasama.

“Nagsu-sorry ako kasi magkaibigan lang naman talaga kami. Alam mo si Sarah, napakabait niya, napakamasunurin. So parang imposible naman na gawin niya ang mga gano’ng bagay. Alam mo ‘yon?

“Respetuhin na lang natin ang desisyon ng pamilya niya na gano’n talaga muna iyon. Alam mo ‘yon? Ako nga happy na ako na friends kami. Kung ako nga, hindi ako nagmamadali. And if ever man na kung anuman ang mangyari pagdating ng panahon, in God’s time na kunwari kami man sa huli, ‘di ba? Eh, ‘di kami. Basta happy ako na magkaibigan kami.”

Napi-feel ba niya na ayaw rin sa kanya ng ina ni Sarah?

“Ang magulang naman kasi, hindi naman sa iaayaw niya sa ‘yon, ‘yong gano’n? Lahat naman, kahit sinong magulang puprotektahan ang anak nila lalo na kung babae. Eventually, papayagan din siguro si Sarah na magka-boyfriend or maligawan.

“Pero ngayon, ang priorities nga ni Sarah eh, mas marami pang ibang bagay kesa magpaligaw o mag-boyfriend o anuman. So, siguro do’n nga muna siya dapat mag-focus.

“Totoo, ni hindi ako nanliligaw sa kanya ngayon. Kahit sa iba, hindi pa, eh. Magko-concentrate na rin lang din muna ako sa career ko. Lalo na ngayon na may big break ulit sa akin sa Magkano ang Iyong Dangal. Maganda ang pasok ng taong 2010.

“So, sa trabaho muna ako mag-concentrate. Kailangang pagbutihin dahil maganda at mas mature na ang role na ipinu-portray ko sa bagong project ng ABS-CBN sa akin. Bale, dalawa kami ni Sid Lucero na leading men ni Bangs (Garcia).”

Si Sarah, may nasabi na gusto rin daw sana nitong magkaroon sila ng project o magkasama ni Rayver sa trabaho. Pero talaga umanong may humaharap at kumukontra na ang hinala nga ng marami ay ang ina ng dalaga.

“Hindi ako naniniwalang may kumukontra. Talaga lang sigurong wala pang planong gano’n for us.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

13 thoughts on “Shaina Magdayao, nagiging lasengga na?! – Ruben Marasigan

  1. Ano ba kataka taka sa talent ng DOS, kundi lasenggo, lasengga, kundi alaga ng bakla, alaga ng DOM, kaya may mga shows ang mga hitod at hitad khit walng talent…whats new? para bang bagong issue e2..next topic pls….

  2. alam ni sarah rayvers just using her,walang kapag apagasa si sarah kay rayver….starlet kc mga yan kaya dinidikit ang name kna sarah at jlc

Leave a Reply

Your email address will not be published.