Shaina Magdayao, nagbababad kay John Prats

MUKHANG SUPER IN love itong si Shaina Magdayao kay John Prats.

We’re saying this dahil ang balita namin, wala siyang keber kahit na pagpiyestahan sila habang nasa studio ng ABS-CBN. Balitang-balita kasi sa compound ng Dos ang madalas na pagbababad ni Shaina sa taping ng Banana Split. Regular show ni John ang gag show na nagtatampok din kina Pokwang, Zanjoe Marudo, Jayson Gainza, Angelica Panganiban at Pooh.

Minsan pa nga raw, karay-karay pa ni Shaina ang kanyang pamangkin habang nakatambay sa taping ni John.

Ang tanong nga ng staff, wala raw bang ginagawa itong younger sister ni Vina Morales at nakukuha nitong tumambay sa syota niya? Hindi rin naman kasi nakakatuwa ang ganitong asal lalo pa’t naroon ang actor para magtrabaho. Hindi naman talaga matatawag na dalaw ang ginagawa ni Shaina dahil nagtatagal talaga siya sa taping.

NAPATAWA KAMI NANG malaman naming willing daw na mag-sorry si Direk Dante Nico Garcia sa tinalakan niyang talent coordinator na si Arlene Tolentino Hermoso.

Say raw ni Direk sa premiere night ng Oh, My God noong Lunes ng gabi, wala na raw sa kanya ang insidenteng iyon. Ganu’n lang daw siya at hindi naman siya nagtatanim ng galit.

Naimbiyerna si Direk GA kay Arlene nang hindi ito makakuha ng body double para sa young Juday. May isang eksena kasi sa movie na kailangang buhatin ni Jairus Aquino ang batang Juday. Ang kaso, hindi niya kaya ang gumanap na young Judy Ann kaya nagpakuha ng body double ang director.

Nangyari ito noong June 10. Ang problema lang, walang nakuhang bata si Arlene dahil alas-dose na ng gabi noon at may pasok pa bukas.

Nang malaman ni Direk GA na walang body double na nakuha, bigla nitong ipinatawag si Arlene at associate producer na si Donna. Sa harapan ng maraming tao ay tinalak-talakan niya ito.

READY NA TALAGA si Lance Raymundo na maging daring actor. In fact, willing na siyang gawin ang mga bagay na hindi magagawa ng isang actor na may takot na ma-typecast.

Say ni Lance, payag siyang gumawa ng kissing scenes sa kapwa niya lalaki.

“I will have to see the script first and I will have to talk with my manager,” say ni Lance. Wala naman siyang partikular na gustong makahalikang actor sa eksena, if ever na mangyayari ito.

Siyempre, nasa pag-uusap naman ang mga bagay na iyan. Isa pa, magaling naman ang manager ni Lance na si Charlotte Diangco.

Tampok si Lance sa Ang Nerseri na kasama sa pelikulang ipinalabas sa Cinemalaya 5. Drug addict ang role dito ng binatang singer-actor.  Bongga si Lance dahil nagampanan niya ang kanyang papel na malayo sa kanyang katauhan. At ang nakakaloka, sexy pa siya sa ilang mga eksena.

Anyway, marami pang indie film na lalabasan si Lance. Kasama na riyan ang kanyang launching movie na Fidel na kuwento ng isang OFW na ni-rape ng kanyang amo. Male rape victim siya rito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

3 thoughts on “Shaina Magdayao, nagbababad kay John Prats

  1. They’re both busy with their own projects but still, they find time to see each other!

    There’s nothing wrong with that.
    I do admire their relationship.

  2. DUH! what’s the big deal?

    she’s the girlfriend so wala naman sigurong masama kung dalawin niya ang BOYFRIEND niya. Mas panget naman tingnan kung hindi niya boyfriend ang dinadalaw niya ,diba?

  3. ano naman pakialam nyo kung dumadalaw si shaina? natural lang naman yon kasi boyfriend niya si john. bakit? wala na ba kayong ibang masulat kaya pati yan big issue sa inyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.