Shaina Magdayao, matalas ang tabas ng dila!

Matapos i-confirm ni John Lloyd Cruz na sila na nga ni Shaina Magdayao, nagsalita na rin si Ruffa Gutierrez sa showbiz talkshow nilang Paparazzi.

Natutuwa raw si Rufing sa pag-amin ni JLC na nagkaroon sila ng “special relationship”.  Alam din daw ng single mom na may relasyon na ang dalawa bago pa man niya mapanood ang pag-amin ni JLC sa The Buzz. Maging si Vina Morales, nakatatandang kapatid ni Shaina, ay nagsalita na rin tungkol sa isyu. Mismong si Shaina na lang talaga ang hinihintay na magsalita.

Kaya naman laking gulat ng mga Twitter followers ni Shaina nang may naglabasang mga updates galing sa kanya kahapon. “Poor fans.. still hoping magiging sila pa?? :) in your dreams na lang!” at “Ang hina niyo pala e! Oo kami na ni John Lloyd anong pakielam niyo! Damn Bitches!” ang nabasa ng napakaraming followers ni Shaina from her own Twitter account.

Nakakaloka! Matapos ang ilang oras, dine-activate na raw ang account ng girlfriend ni John Lloyd.

Hay naku, basta alam na natin kung sino ang pinariringgan niya!

By Faith Salazar

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleKris Aquino, imposible nang makipagbalikan kay James Yap! *new*
Next articleBirdie ni Luis Manzano, nag-hello sa shooting ng Petrang Kabayo!

No posts to display