Shaina Magdayao, ‘di lasengga! – Vina Morales

SI RUFFA GUTIERREZ ang itinuturong dahilan kung bakit kumalat ang balita na diumano ay tinuruan ni John Loyd Cruz si Shaina Magdayao na maging lasengga.

Ayon kay Vina Morales, unfair daw iyon kay Ruffa at lalo na sa kanyang kapatid na si Shaina dahil hindi naman daw ito lasengga. Pero hindi niya itinatanggi na umiinom ang nakababatang kapatid. “Occasionally, umiinom siya pero ‘yung sinasabing lasengga, hindi naman yata tama iyon dahil hindi naman lasengga ang kapatid ko.

Sabi ko nga sa kanya, huwag na lang niyang intindihin dahil ganyan naman talaga sa showbiz. Maski ako, ‘di ba? Kung anu-ano ang mga nasulat sa akin na talagang worse na kesyo lasengga ako, pugon ang bibig ko sa sigarilyo… pero natigil din paglipas ng panahon,” tuluy-tuloy na pagkukuwento ni Vina sa amin.

Ayon pa rin kay Vina, sa ngayon ay in pain pa rin ang kanyang nakababatang kapatid sa nangyaring hiwalayan nila ni John Prats. “Mahal na ng pamilya namin si John kaya nga nagulat ako nu’ng lumabas ang balitang hiwalay na sila. Pero alam ko kung anuman ang pinagdaraanan ni Shaina ay kaya niyang lahat iyon dahil smart at matalino ang batang iyan.”

Sinabi pa rin ni Vina na all-out support siya kay Shaina. “Bilang nakatatandang kapatid, as in ate, ay hindi ako nakalilimot magpaalala sa kanya, dahil siyempre, kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon ay graduate na ako du’n, tapos na sa akin iyon,” masayang pagwawakas ni Vina sa Pinoy Parazzi.

NAGTAPOS NA ANG taping ng Darna, kung saan ilang araw na lang ay mamamaalam na sa ere ang nasabing programa ni Marian Rivera. Kunsabagay, dapat nang matapos ang pantaseryeng ito ni Marian dahil habang tumatagal ay lalong papangit nang papangit ang nasabing show. Nagiging magulo ang takbo ng kuwento na halatang pinahahaba na lang.

Sa kabilang banda, tuloy ang paglipad ni Dingdong patungong Spain upang du’n ay kausapin ang ama ni Marian na isang Español. Base sa nakalap naming balita, seryoso na raw si Dingdong na pakasalan si Marian. Tsika lang nilang hindi pa nila napag-uusapan ang kasal, pero ang totoo, nu’n pa nila gusto talagang lumugar sa tahimik.

Samantala, iwas na si Rhian Ramos na pag-usapan pa si Dingdong sa lahat ng kanyang interbyu dahil matagal na raw tapos ang kanilang show ni Dingdong. Bukod pa sa ayaw niyang makipag-away kay Marian.

“Alam mo, nanghihinayang ako sa Rhian na iyan, hindi pa nga ganu’n ka-established ang pangalan niya, pero ipini-pair na siya sa mga hindi naman ganu’n kasikat like TJ Trinidad,” tsika naman sa amin ng aming friend.

DUMARAMI ANG NALOLOKA as in nababaliw sa programang Juicy ng TV5, kung saan ay “banned” na ang crew ng nasabing programa nina IC Mendoza at Alex Gonzaga sa Channel 2 at Channel 7. Feeling kasi ng dalawang higanteng TV network, “nauunahan” sila ng Juicy sa mga intrigang showbiz.

Speaking of intriga. Laging puno ang Juicy sa mga intriga at kuwentong showbiz lalo na sa portion na ‘Chikabog’ na kamakailan lang ay ini-launch na isang segment sa nasabing programa na kinabibilangan din namin nina Rey Pumaloy at Pete Ampoloquio. Ang Juicy po ay Monday to Friday, from 11:30 A.M. to 12 NN.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

6 thoughts on “Shaina Magdayao, ‘di lasengga! – Vina Morales

  1. In pain daw si Shaina? Ano yon JOKE? Si Shaina during his relationship with JP ay nakikipagkita pa kay JLC sa condo and take note, mahilig makipag-inuman duon & naki shower na rin tapos sila na daw ni John lloyd…katawa ka naman VINA>…

  2. yahooooo! di na lilipad si darna! sa wakas matatapos na rin. ito lang ang darna na habang tumatagal e nabubuwisit ka ng manood .

    • ganun?

      inggit kalang ung mga bata hinde nag sasawang manuod ng darna,,,,,, ung mga bitter lng ang nag sasawang manoud kc hnde pa kc nila ulit n papanuod ang idol nila kaya gsnyasn k mag salita

  3. ang galing ng PR ni rhian di lumabas ang issue na naglalasing at nananampal ng ina dami kasi bayarang reporter ang tita niya na executive ng network para mapaganda ang image niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.