Shaina Magdayao and Melissa Ricks: Kambal-Kaloka

Kambal-kaloka ang dalawang naggagandahang bida ng bagong serye ng Kapamilya na Kambal sa Uma – si Melissa Ricks bilang Ela at si Shaina Magdayao bilang Vira. Bukod kasi sa pag-arangkada ng lovelife nila, eh, ’tila ayaw rin silang tigilan ng mga intriga.

Kaloka kasi ang mga miron na pilit na pinagsasabong ang dalawa. Hirit nila, nauungusan na raw ngayon ni Mel si Shaina. Sunod-sunod nga kasi ang proyekto ng Star Circle Gurl samantalang ’tila bihirang ma-sightsung ang kapatid ni Ate Vina.

Say ni Mel, ipinagpapasalamat niya nang malaki ang mga projects na dumarating sa kanya. At pinag-iigi niya ang trabaho para naman mas lalong masiyahan ang mga nanonood ng shows n’ya. Sa side ni Shaina, may tiwala raw siya na ginagawa ng Star Magic ang lahat para umangat at maging maganda ang career niya. ‘Wag na lang daw silang intrigahin dahil pinagbubuti naman niya ang trabaho niya para rin sa ikasisiya ng madla.

Samantala, kaloka rin ang chika na kinakarir ni Jake Cuenca si Melissa habang hindi pa rin malinaw kung on-screen lang ba talaga ang loveteam niya with Matt Evans. ‘Eto namang si Shaina, super-blooming dahil sa maayos na takbo ng relasyon niya with another Kapamilya Star na si John Prats na nababalitang pinagbawalan niyang makipag-kiss sa seksing si RR Enriquez.

O ‘di ba, kung kabog at kabog lang, may laban diyan ang Kambal-Kaloka, este, Kambal sa Uma girls pala.

Premiere Shots
by Mayin de los santos

Click photo below to enlarge.

loading...

8 thoughts on “Shaina Magdayao and Melissa Ricks: Kambal-Kaloka

  1. melissa is the best!!

    more projects to her……….

    sana magkaroon cya ng projects in primetime bida na cya ang bida….plzzzzzzzzzzzzzzzzzz????

    mattmel lov eteam is the best supah galing mag act love it!!!

  2. ang ganda ganda kaya ni mariel…wag nyo naman sya siraan if ndi nyo kilala ang isang tao…isa pa energetic lang sya coz kailangan sa show nya dahil host sya at enterainment ang wowowee…yun lang…okz si mariel…

  3. mariel????ang ganda kya nya…..and sexy pa….pilipinang pilipina ang dating…and msayahin p…san k p???

  4. pampagulo lang.. PLASTIK TLGA C MARIEL AND MUKANG MALDITA..MADAMI nagssabi nyan s staf ng wowowee… obuse nmn sa pbb plng sama ng ugali.. I HATE U TLG MARIEL!! PLASTIKERA KA

  5. bagay si jake kay cristine reyes……they complement each other ….magiging patok ito…..pareho pa silang single…the mestizo mayabang….plus a spoiled bratty baby…Riot ito…

Leave a Reply

Your email address will not be published.