Shaina Magdayao, ‘di pa nagagawa ang kanyang ‘biggest mistake

NAGSALITA NA RIN sa wakas si Shaina Magdayao tungkol sa kanilang relasyon ni John Lloyd Cruz. Nagpapasalamat ako kay Shaina dahil sa tiwalang kanyang ipinagkaloob sa The Buzz upang dito magpainterbyu. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya tungkol sa isyu.

Matatandaang dito rin sa The Buzz unang inamin sa publiko ni Lloydie ang kanilang relasyon. “Yes, it’s us!” isang maikli pero makahulugang pag-amin noon sa akin ni Lloydie when I interviewed him on the show. He came out in the open kasi marami na ang mga taong nag-take advantage sa kanyang pananahimik at maraming tao na rin ang nadamay at nasaktan dahil sa mga kumalat na balita noon.

Sinabi ni Shaina na nagulat daw siya sa ginawang pag-amin ni Lloydie. Hindi niya kasi alam that he was going to tell the public that they’re going steady. “Masaya, kasi ang laking luwag sa aming dalawa. Ang hirap kasi ng may itinatago, eh. I’m very thankful na merong isang tao na proud sa akin at puwedeng ipagsigawan sa mundo na I’m someone important sa buhay niya,” she said.

Their friendship blossomed into love at a time when Shaina was going through difficult times. Dumating daw si Lloydie sa kanyang buhay when she needed someone whom she could lean on. This also supports Lloydie’s claim na hindi niya inagaw si Shaina kay John Prats.

Matagal na silang magkaibigan pero she never thought na posible pala silang ma-in love sa isa’t isa. “Masarap siyang kasama, masarap siyang kausap. Pero hindi talaga namin in-assume na may pupuntahan. Hindi talaga namin in-expect. Hindi talaga.” She and Lloydie decided not to appear in a project together to protect their private lives.

Matapang naman niyang hinarap ang mga intrigang ibinabato sa kanya like she drinks and parties hard. Nasasaktan daw siya sa mga ganitong klase ng paratang. “Sinungaling naman ako kung hindi ko sasabihin na hindi ako nasaktan. Pero siguro iyong nagpakampante sa akin is alam ko iyong totoo. I’m really very lucky and thankful sa mga tao around me na talagang solid ang support system ko. Maski iyong mga tao na hindi ko akalain na mahal pala ako, sobra ko pong na-appreciate iyon.”

When asked about the biggest mistake she committed, “Bata pa ako. I’m bound to make my biggest mistake. Siguro in 10 years kung nandito pa ako, baka masasagot ko ‘yan.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleMarvin Agustin, matindi ang focus sa negosyo
Next articleAi-Ai delas Alas, minsan nang kinuwestiyon ang Diyos

No posts to display