Shabu Tiangge sa Laguna, Ni-Raid

SINALAKAY NG mga tauhan ng Laguna Police ang Shabu tiangge sa San Pablo City, Laguna kahapon ng umaga.

29 na ang naaresto sa raid kabilang ang 5 menor-de-edad.

Ayon kay Laguna Police Director, Sr. Supt. Pascual Muñoz, ilang kabahayan pa sa Sitio Trianggulo, Barangay 2A at 2B ang papasukin ng mga pulis dahil sa report na pinamumugaran ang lugar ng mga drug pusher.

Samantala, nakarekober na ng mga hinihinalang Shabu at drug paraphernalia ang mga kinauukulan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.