Shabu sa Kinatay na Manok, Nabuko; Food Inspection sa Kulungan, Hinigpitan

HINIGPITAN NA ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pag-usisa sa mga pagkain na ipinapasok sa Iloilo Provincial Integrated Jail (IPIJ) sa Brgy. Nanga Pototan, Iloilo lalo na ang dala ng mga kaanak ng mga preso na dumadalaw kasunod ng nasabat na suspected Shabu sa loob ng katawan ng kinatay na manok.

Ayon sa jailwarden na si Jail S/Insp. Abner Zamora na ito ang unang pagkakataon na nahuli ang pagpuslit ng iligal na droga sa loob ng piitan.

Subalit duda ang opisyal na bago pa man siya naupong warden, may mga ipinupuslit na ring iligal na droga sa loob.

Base sa impormasyon, modus ng ilan ang pagtago ng iligal na droga sa hasang ng isda at ang iba naman ay sa talukab ng alimango.

Ang mga ipinapasok naman na mga alcoholic drinks ay nilalagay umano sa plastic bottle ng mineral water.

Karagdagang kaso naman ang haharapin ng preso na si Garry Cabatian na may kaso ring paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of the Philippines kasunod ng pagkadiskubre sa suspected Shabu na ipinadala sa kanya na inilagay sa katawan ng kinatay na manok.

Samantala, napag-alaman na may walong empty sachet din ng iligal na droga ang narekober sa selda ng nasabing preso nang ito ay inusisa ng mga guwardiya.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.