Shabu Queen at Lover, Timbog sa Buy-Bust

NAARESTO NA ng pinagsanib na puwer-sa ng PDEA at Baliuag PNP ang tinaguriang “Shabu Queen” sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pagala, Baliuag,Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Julius Ceasar Domingo sa Camp Gen. Alejo Santos, kinilala ang mga nadakip na suspek na si Jonalyn del Rosario, 27 anyos; at live-in partner nitong si Anthony Santos, 28, kasama ang kapatid nitong si Loriely Santos, 31, kapwa residente ng No. 336 Brgy. Pagala.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-2:00 ng hapon nang madakip ang mga suspek sa nabanggit na lugar makaraang magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga pulis.

Nabatid na matagal nang nasa listahan ng PDEA ang pagbebenta ng Shabu ng live-in -partners.

Nakumpiska mula sa tatlo ang 53 medium sachet ng Shabu na tinatayang  aabot sa halagang P348.000.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa Baliuag Municipal Jail habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.