Shabu lab, sinalakay

SINALAKAY NG PINAGSANIB na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at ng Philippine National Police ang isang Shabu laboratory sa Malabon City kahapon ng umaga na inuupahan ng isa sa mga Intsik na nadakip sa isang buy-bust operation.

Alas-7:45 ng umaga nang salakayin ang isang bahay sa Unit 1 Silver Town Homes, Victoneta Avenue , Araneta Subd., Potrero, Malabon City na inuupahan ni Qiaggou Nian.

Milyong halaga ng finished product ng Shabu, mga kemikal at kagamitan sa paggawa ng droga ang nasamsam ng mga pulis.

Si Nian kasama si Dave Go ay nadakip ng mga pulis sa isang buy-bust operation noong February 1, 2011 sa Caloocan City, kung saan nakuhanan ang mga ito ng 40 kilo ng Shabu.

Nang matunton ng mga pulis ang inuupahang bahay ni Nian, agad na minanmanan at kumuha ng search warrant upang mapasok subalit wala nang dinatnan tao sa loob. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.