Shabu Lab, Natunton

AABOT SA 35 kilo ng Shabu ang nakumpiska ng mga pulis matapos matunton ang apartment na ginawang Shabu laboratory na inuupahan ng isang babae sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa alyas Abby Sy, nasa hustong gulang ng Araneta Avenue, Potrero ng lungsod.

Nabatid na inutusan ng suspek ang house boy na hindi na pinabanggit ang pangalan na nilisin ang nasabing apartment na naging dahilan upang makakita ng mga Shabu ang huli.

Sinabi ng houseboy ang nakita sa mga pulis na naging dahilan upang magsagawa ng operasyon at kausapin ang tagapamahala na si Esther Go Unlong kamakalawa alas-6 ng gabi.

Ibinigay naman ni Unlong ang susi ng apartment at nang mapasok ay nakuha ang mga Shabu at ilang gamit sa paggawa na naging dahilan upang kumpiskahin.

Nabatid na ang suspek at si Unlong ay hindi nagkasundo dahil mula noong Enero ay hindi na nagbabayad ng upa si Sy na naging dahilan upang alisin ng una ang ilang kagamitan sa inuupahang apartment.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.