Sey ni Nadia Montenegro:
Annabelle Rama, walang paninindigan!

PINIPILIT NA lang siguro ni Annabelle Rama na maging kalmado tuwing dumadalo ito sa hearing.

Nu’ng nakaraang Lunes, dalawa agad ang kailangan niyang puntahan. Kasi sa umaga, kailangan siya sa arraignment ng kasong Libel na isinampa sa kanya ni Nadia Montenegro. Nag-plead siya roon ng “not guilty” na siyempre react na naman si Nadia sa Twitter account niya. Akala raw niya, paninindigan ni Annabelle ang lahat na mga sinasabi niya, tapos not guilty naman pala ang sasabihin niya.

Siyempre! Alangan namang aminin ni Annabelle na guilty siya, eh ‘di tapos na agad ang kaso. Sabi nga ni Bisaya, patagalan ito at matira na ang matibay kung sino ang makatatagal sa pagdadalo at paggastos sa hearing ng sangkatutak na kaso na hinaharap nila. Ang tiyak na nakikinabang nito ang mga abogado nila, ‘di ba?

Kinahapunan naman ay tumuloy si Bisaya sa hearing ng kasong Libel na isinampa naman ni Boy Asistio sa kanya. Nag-submit lang siya roon ng counter-affidavit niya, kaya matagal pa ito.

Hindi na gaanong nagsasalita si Annabelle. Kahit nga ang mga abogado niya ay tahimik na rin para hindi na lumaki at lumala ang isyu.

Pero si Nadia ang matapang na nagsasalita, at nagkomento pa ito sa nangyari kay Ruffa Gutierrez sa Paparazzi.

Basta tingnan na lang natin kung saan ito aabot, at kung gaano pa katagal itong mga kasong ito.

Hay, naku! Nakapapagod na ring subaybayan ang mga kuwentong ito.

Mas concern pa nga ng lahat kung kumusta na ang kalagayan ngayon ni Mang Dolphy na medyo gumaganda na nga ang balitang ibinibigay ni Eric.

‘Yan na lang subaybayan natin.

 

ANG ISA pa ngang nakalimutan na rin, ang kaso ni Jose Manalo na isinampa ng asawa niyang si Anna Lyn Manalo. Tahimik na silang lahat at wala pang balita kung umakyat ba ang kaso o hindi.

Si Jose naman tahimik lang at hindi talaga ito pinagsasalita ng TAPE, kaya focus lang siya sa trabaho. Nagsimula na nga sila ng shooting ng Sa ‘Yo ang Pritil, Sa Akin ang Bangkusay na pagbibidaha nila ni Wally Bayola. Matagal nga raw bago ito nagsimula kasi nakailang revisions na rin sila sa script.

Si Soxy Topacio ang direktor nito at open na naman daw si Direk Soxy sa mga suggestion nina Jose at Wally para mas masaya at kuwela ang pelikula.

Sa title naman, mukhang nakakatuwa ang pelikula at riot ito sa comedy kaya abangan natin ito. Tiyak na hit itong pelikula na siyempre susuportahan ito ng buong Dabarkads lalo na si Vic Sotto.

Ang leading lady pala ni Jose rito ay si Solenn Heussaff at si Pokwang naman ang partner ni Wally.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “ Sey ni Nadia Montenegro:
Annabelle Rama, walang paninindigan!

  1. AR, huwag ng mag comment attend ka lang ng mga kaso sinampa sa yo ni Aling Nadia,let Nadia talk maybe?kada interviews,may bayad,ganyan talaga ang ugali ng may utang na ayaw magbayad,para matakasan ang utang at contract,dadaanin nila sa paninira,naniniwala ako kay AR,si Aling Nadia mali dito{pera kasi ala naman trabaho yan ,alang pera}buti kung magaganda anak niya esp yun G/F ni Herras di pang artista ang mukha ang yabang pa ?delusional na maganda siya,ewan..

Leave a Reply

Your email address will not be published.