Sey ni Mo Twister: ‘Rhian Ramos is worth it!’

ILANG BESES NA naming naririnig na tinutukso ni Tita Cristy Si Mo Twister na nagbalikan na raw sila ni Rhian. Tanong tuloy namin sa kanya last time na pumasyal kami sa Paparazzi, kaya ba nanumbalik ang pagiging masayahin at masigla niya, dahil reconciled na naman sila?

“No. Of course not. You know, a lot of people ask kung ‘yon nga, are we back together? And my answer is of course, no.  If you’ll ask Rhian, I’m sure she’ll say the same things. Because that’s the truth. But it doesn’t also mean that I’m gonna close my doors on ever thinking na… Rhian and I can ever get back together.  I don’t wanna think that way. Ang daming taong nagsasabi sa akin na move on ka na lang… move ka na lang. I don’t like to move on. I wanna hold on to something very important to my life.  And that’s the memories Rhian and I have shared.

“And if ever there’s a chance na puwede ko siyang ligawan ulit, then I will take that chance. I’m not looking for other people right now. I just wanna think that… halimbawa ‘yong relationship namin ni Rhian, if it failed, uhm… I need to try to get better as a person. Ginagawa ko naman ‘yong mga bagay na ‘yon. And then if ever na may chance ulit na puwede ko siyang ligawan, then I’ll take that chance. I think right now Rhian is concentrating a lot with her career. And she has a lot off good things going for her. Uhm… maybe if she has time again in the future… again for a take two, then I’ll try my best to make it happen. But I have to prove myself.”

Hanggang kailan naman siya kakapit sa magagandang alaalang pinagsaluhan nila ni Rhian?

“I don’t know. A long time. Rhian is worth it. I’m not interested naman right now in looking at anywhere else. I’m not lonely in the sense na kailangan ko ng warmth or inspiration sa ibang babae or anything like that. I wish I’ll be able to talk to her (Rhian) someday?”

Talagang wala pang nangyayaring pag-uusap sa kanila? O baka naman inililihim lang nila para hindi na sila mapag-usapan o maintriga pa?

“No. We don’t really communicate. Maybe one day. You know… that would be nice.”

Bakit nga kaya napapabalitang nagkabalikan sila? Meron pang tsismis na nakita silang magkasama one time.

“No. Of course not. Give me proof!” natawang sabi ni Mo. “That’s what I always say… give me proof! I wish! Ha-ha-ha!”

Baka naman nang dahil sa pag-hold pa rin niya sa good memories he spent with Rhian ay magpa-katandang binata na siya?

“Hindi naman. I’m not really worried about that right now. Kasi it’s not… parang hindi naman importanteng bagay ‘yon kung magiging matandang single na ako or stuff like that. Right now, I really… the most important thing is become a better person. And then if ever one day we’ll get the shot that… another chance with Rhian, I’ll take it.”

Bakit kasi hindi na lang siya gumawa ng move para magkausap na sila?

“I just wanna respect the fact na… respect my own personal desire to be better. Like ha-limbawa kapag feeling ko ready na akong manligaw ng babae ulit or things like that. Or… be a better boyfriend. Then I can. But right now, it’s not in my intention to ask a girl out. Or ask for dates with other girls. I think right now, I’m very much in love with Rhian so… I really don’t anticipate going out with someone else. I’m not also saying na magiging successful ako (sa panliligaw ulit kay Rhian). Pero at least I have to try. Kumbaga sa ginawang pelikula ng isang artista, kapag nag-flop, hindi naman ibig sabihin dapat mag-quit na sa showbiz. I failed in the last attempt (kay Rhian). And, uhm… try again!”

Sabi ni Rhian sa isang interview recently, wala siyang nagiging date o ini-entertain na manliligaw. Ikinatutuwa ba ito ni Mo?

“Hindi naman sa ikinatutuwa. Kung magkaroon man siya ng bagong special someone o kung ayaw muna niya, basta kung saan siya masaya, I’ll be happy for her.”

Baka siya rin lang ang hinihintay ng dalaga? Na in the end ay sila pa rin pala.

“Basta ngayon, work muna ang nasa isip ko,” nangiti si Mo. “Si Rhian din naman, I think sa career din lang muna siya naka-focus sa ngayon.”

Pareho silang magpapakaabala muna sa trabaho at magpapayaman nang husto?

“Siguro… gano’n na nga!” natawang sabi na lang ni Mo.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Sey ni Mo Twister: ‘Rhian Ramos is worth it!’

  1. I wonder why this Rhian Ramos make patol to big ” MOuth TwisTERROR host sa show nya tinitira nya to the max the whole showbiz world lalo na kapag sya ang kinalaban mo .He will put you down and the rest of your family .And this Rhian girl who look like decent and professional nagpakasira sa kanya .Girl wag kang hibang.Kahit “DAKO” sya kung ito nagustuhan mo sa kanya you can still meet someone na di ka papahiya because of his character.

Leave a Reply

Your email address will not be published.