Sey ni Jolo Revilla: Na kay Jodi Sta. Maria na ang lahat!

KUNG SINIMULAN na nila Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria na nakikita na sila ng publiko nang magkasama, kung saan sa nakaraang oath-taking ng actor/politician bilang bagong vice-governor ng Cavite ay nandu’n si Jodi para magbigay suporta kay Jolo, sa nakaraang opening naman ng my Happy Barn Milkshake branch sa Rustan’s Las Piñas na pangalawang negosyo ni Jodi ay dumating naman si Jolo.

Tapos na ang event nang dumating ang aktor. Ayon kay Jolo, nandu’n siya para magbigay-suporta naman sa girlfriend bilang buo rin naman ang suporta na binibigay sa kanya ni Jodi. Sa kuwento ni Jolo ay matagal nang nabanggit sa kanya ni Jodi at natanung-tanong na rin sa binuksang business. At dahil ‘di naman panghabambuhay ang showbizness, para kay Jolo ay tama lang na maghanap ng ibang fall back ang aktres.

Tinanong namin kung bakit ngayon ay parang bukas na sila sa publiko ni Jodi tungkol sa nababalitang espesyal nilang relasyon, nagbigay-pahayag naman si Jolo na bilang mga artista ay bukas naman na aklat sa publiko ang mga nangyayari sa kanila at wala naman silang tinatago at sa ngayon ay masaya sila sa kung anuman ang mayroon sila.

Marami ang nakapapansin na blooming, mukhang mas inspirado sa ngayon si Jodi. Ayon naman kay Jolo, lahat naman ng tao ay may karapatang magmahal, mahalin at magparamdam ng pagmamahal. Sa tanong namin kung gaano ba siya pinapasaya ni Jodi, malalim ang naging sagot sa amin ni Jolo, na hindi niya ito ma-express sa salita pero masayang-masaya siya kung saan lahat ng hahanapin ng isang lalaki sa isang babae ay na kay Jodi na.

Masaya na nahalal bilang vice-governor, kung saan hindi biru-biro ang responsibilidad na nakaatang ngayon sa balikat ni Jolo, pero dahil nasa dugo at nasa puso talaga ang pagtulong sa mga kababayan niya ay naniniwala kami na magagampanan ito ni Jolo.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Sey ni Jolo Revilla: Na kay Jodi Sta. Maria na ang lahat!

  1. potangina mi jolo! kapal ng mukha mo maging vice governor ng cavite. mga hayop kau!!! naalala ko ininterview ka at tinanong ka about jodi ang sabi mo “unahin muna natin ang taong bayan ng cavite!!!!”. ulol ang kapal ng mukha mo sumagot ng ganun!!! mag kape ka nga minsan!!!

  2. Swerte mo Jolo na kay Jodi na pala lahat,, kahit ba may anak na eh Donselya pa rin.. Pakasalan mo na kagad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.