Sey ni DJ Mo Twister: Happy Yipee Yehey parang Pipitsuging X-mas Party!

BA’T GANO’N? MAG-TWEET kami nang wala naman kaming binabanggit na name, ni hindi rin naman pa-blind item, nagre-react na agad ‘yung ibang fans. Idol daw nila ang tinutukoy namin.

Ha? Gano’n na ba sila kapraning? Angkinin ba ang “tweet” namin na wala namang pangalan? Ni wala ngang clue, kungdi nagbibigay lang kami ng insights at inspirational kembular na tweets, aakuing idol na nila ang pinari-ringgan namin?

Naikuwento nga namin ito sa aming kaibigan, eh. Ang sabi nito: “Gano’n na sila kapraning sa ‘yo, Ogs. And you should be proud of yourself, dahil naaapektuhan mo sila.

“’Yun iba nga, kahit anong pantitira pa ang gawin sa kolum nila, kahit sa TV, hindi nagke-create ng OA na reaksiyon. Kasi nga, sanay na ang mga tao na pinanonood silang tira na lang nang tira.”

Gano’n ba ‘yon? Ituturing ba naming compliment ito sa aming trabaho bilang isang manunulat?

Hmph! O sige na nga, bato-bato sa langit, ang tamaan, sabi nga ni Mike Enriquez, “Bukoool!”

DINUKOT NAMIN ANG tweet ng pina-follow naming si DJ Mo Twister: “Watching Happy Yipee Yehey, it has the production value of a small company Xmas party. It sucks.”

So nanood pala ng new noontime show ng ABS-CBN si DJ Mo Twister? Okay lang ‘to. Kani-kanyang opinyon lang naman ‘yan, eh. ‘Yan ang personal na tingin ni Mo, naiintindihan namin.

Kaso, sa iba, siyempre, may malisya, dahil involved siya’t segment host ng Willing-Willie. Mas bongga siguro kung wala siyang kinalaman sa Willing-Willie.

Gano’n naman sa umpisa ang bawat show. Nangangapa. Hindi naman agad perfect ‘yan. Parang Willing-Willie rin. Hindi naman ito nag-umpisang perfect na, ‘di ba?

But at the end of the day, ang laging tanong naman diyan: a-ling show ang mas pinanood ng mga tao, Willing-Willie ba o ang Happy, Yipee, Yehey!?

MAY NAGTSIKA NAMAN sa amin. Kaya raw hindi masyadong pinapasukan ng commercials ang isang show ay dahil ang rason ng iba ay walang point para pumasok ang commercials sa naturang show.

“Pa’no papasok ang commercials, eh bugbog sarado ang mga artista sa kanila. Eh, karamihan ng artistang binubugbog nila, product endorsers, kaya ang labo silang pasukan.

“Can you imagine, ilalabas ‘yung commercial, tapos, sa show naman nila, tinitira nila ‘yung endorser ng produkto? Pa’no pa mapo-promote ‘yung pro-duct?”

Eh, hindi naman ‘yung produkto ang tinitira, eh. Pa’no ‘yon?

“Kahit na. If that’s the flow of their show, wala naman kaming magagawa. Basta aalagaan namin ang product namin at ang endorser namin.”

Kung minsan, sa buhay talaga, merong compromise na tinatawag. Depende na lang kung ang mga involved sa show ay “makikipag-compromise” o tuloy pa rin sila sa format ng kani-lang show.

Sa isang TV show, hindi lang ang viewers ang importante o ang dapat pasayahin. Dapat ding isaalang-alang ang “pagkita” ng TV station para humaba ang buhay ng show.

KUNG WALA KAYONG magawa, ha? Try n’yong bisitahin ang a-ming blog sa http://www.ogiediaz.blogspot.com, ha? At kung feeling n’yo, wala namang kapararakan ang pinagsususulat namin doon, dedmahin n’yo na. Kung nataypan n’yo naman, mag-follow na kayo at mag-leave ng comment. Masarap ding mabasa ang inyong pananaw o opinyon sa buhay.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

45 thoughts on “Sey ni DJ Mo Twister: Happy Yipee Yehey parang Pipitsuging X-mas Party!

  1. sus makapagsalita ng walang KWENTA ANG DOS..Hoy for your INFO ang sinasabi mong walang KWENTA may TFC sa ibang bansa eh yang tv5 mo meron na ba..magsalita ka akala mo..yang papataas pa lang na channel nyo babagsak din yan kasi magaling silang maggamit ng tao….

  2. Naku la wenta dos . . Juicy at paparazzi aq. . . Tama lang yan mo wala naman tlgagang kwenta yang hyy na yan bulok at patapon na tingnan nyo di na magtatagal yan

  3. Nakita ko ang HYY ngayon at maganda, everyday iba iba ang segment nila. Gusto ko yong My Girl na segment nila. Galing na mga hosts sila Randy at John at yong pagkanta nila ni John Randy at Venus Raj ganda rin. Good job ABS go go go, nakakatawa na yong show nyo.

  4. May Blind Item na sinulat ngayon si Pete Ampoloquio sa hatawtabloid.com under the SHOWBIZ column na ang pamagat ay SIZE DOESN'T MATTER (KAPAG IN LOVE). Ang first BI klarong klaro na si Twisted Mo at Rhian Ramos yon. Hambog kasi, totoy lang pala.

  5. si mo pikon na tao, gusto nya sya lang ang pwedeng mamintas, kung may prinsipyo sya hindi sya papayag makasama si cristy fermin sa isang show…si ogie naman, bakit sya ba hindi bias? sya din naman may malisya kung mamintas sya ng shows or talents ng gma7, hindi nya pwedeng pintasan or okrayin ang anuman related sa abscbn kasi baka matulad sya kay cristy fermin…so pareho lang sila mo and ogie

  6. mas pipitsugin naman ang paparazzi at juicy compared sa HYY. Nakikita nila ang muta ng iba pero ung muta nila ay hindi. Kaya pala natsugi rin ang po5, lol

  7. nagpaka22o naman c congrats at c lovely pinalabas pa nga ang buhay nila sa star confession at least naging honest cla ndi iyong iba dyan parang c margaret kung nanonood kyo ng sabel na ang bida ay c jessy mendiola ganyan ang karamihan galing magsalita sa iba pero mas masahol pa cla hahahaaha tapos pala dasal pa…

  8. without thinking that much, its indeed JUICY ang hindi pinapasukan ng commericials..pano super naman tlaga sila manira.take for example marian rivera, im not a fan , but undeniably, she is one of the top endorser in her genre and its super antagonistic nga naman if ilalagay ng mga advertisers ang mga commercials dun if in reality e bonggang below the belt na ung tirada sa kanya. so bakit nga naman ilalagay dun ung mga advertisements…wawa naman kasi ang JUICY no credibility at all..look who are there..

    • lesson learned siguro doon e pumili ng sisirain… isiping mabuti na they are still in the business and a show without ads e sa kangkungan talaga pupulutin..

      • Tamang tama, eka nga don't burn the bridge kasi baka magagamit pa yon in the future. Kailangan talaga pag isipan ang gagawin sa buhay bago gagawa ng kalokohan!!!

  9. 22o naman ang cnasabi ni mo waley ang hyy kya nga mabab ang ratings kumpara sa eb ay almost 13% samantala ang hyy ay 3%lang wawa naman talaga c wily lang ang nakatalo sa sa eb nong 2001 hanggang 2005 pero tinanggal nila kya ngayon puro bagsak hahahaha puro paninra lang naman ang nagyari kya natanggal kya hanggang ngayon maraming sumusuporta sa willing willie kya lalong nagkakang-galaiti iyong mga taga dos tanggapin na kc ndi kung saan-saan paraan ang ginagawa na puro kaibigan ni willy ang pinapalit sa noontime niya…wlang karma c wil kc maganda ang gnagawa niya sa mga pinoy na kahit papaano na22lungan niya..

  10. Mr. Amerikanong hilaw, wala kang karapatang manglait ng isang legendary institution. Palibhasa kasing ugali ka ni Lola Cristy. Balik ka na lang sa pinagmulan mo.

  11. Sayang naman si Rhian Ramos kung kay Mo Twisted lang siya papatol, wala bang ibang guy na nanliligaw sa kanya para patulan niya lang ang bansot sa ito?

    • Roger tama. Nakakasira sa pangalan ni Rhian si Twisted Mo. Sa ganda nya, hindi man lang ginagamit ang utak or may utak ba talaga itong si Rhian. Hindi naman lahat pareho pero may mga magaganda talagang mga babae na pumapatol sa lalaking hindi bagay patulan.

  12. maka react kayo eto totoo naman sinasabi ni dj mo…malumay pa nga sinasabi nya parang cheap corporate christmas party eh sa pananaw namin parang isang noontime beerhaus show sa barangay namin…mas maganda pa nga sa amin kc mas sariwa mga babae di tulad sa yipee ba yun..mukhang mga laspag na

    • Why chira, have u met the HYY dancers personally? Yung sinasabi mo na mas sariwa ung sa inyo (bakit ikaw ba ang owner), baka mas hampok o bilasa ang mga dancers nyo dahil galing din ang mga yan sa wowowee, LMAO! Ay, oo nga pala, nakalimutan ko na sariwa at bata pa si ana feliciano. You're as bad as willie, cristy fermin and Mo Twisted. Oh well, birds of the same feather flock together.

    • Orkidia may blind item yata noon na mga dancers raw binoboking daw sa mga tao, parang ang mga description or clue ay yong Wowowee dancers noon. Fresh pa ba tingnan si Lovely, Congratulations at iba?

      • Orkidia!!!Yung DJ Mo mo, ni hindi man lang namin kilala yan dito sa Cebu. Ni hindi nga namin alam na may Juicy na show pala yan kasama ang laos nyo at walang kredibilidad at patapon na c Cristy F kasama ni Walling Wally!!!Ay sori ang hambog na c willy tinutukoy ko! TV 5! Naku, tactics nila talaga ito para mapag usapan naman cla kasi nga hindi cla pinag uusapan dahil di naman makikita yung channel dito kahit andito ako mismo sa sentro ng metro cebu. Paki-page nga network nila na ayusin naman nila kahit papaano makikilala namin ang mukhang bisogong ito!!!

  13. Tama ka Ogie, klarong ang Juicy ni Crispy Pata at Twisted Mo itong TV show na hindi pinasok ng commercial. Tama lang naman, sino bang gustong advertiser na ma associate ang product nila sa low class at nega na show na Juicy na ito.

  14. At si Mo twisted tongue, nagtataka lang ako kung anong nakita sa kanya ng mga babae ganun pandakake siya. Inglisero lang pero bansot. Ang ibang girls, ang dream guy nila ay "tall, dark and handsome", pero si Mo ay "short, dark and never mind". lol!

  15. si lola cristy fermin lahat tinitira niya basta kalaban estasyon. Eh kundi sa mga tabloids, wala naman silang maipapalabas sa show nilang juice mio. Halatang bitter na bitter dahil sa pagkakasipa niya sa Dos. LOL!

      • if i'm not mistaken, she got kicked out of The Buzz coz she divulged Aubrey Miles' secret son at nilabas pa niya ung picture nung bata.

      • Orkidia, akala ko ba natanggal si Crispy Pata sa The Buzz dahil doon sa banggaan nila ni Nadia Montenegro, kasi may sinasabi kasi si Cristy sa The Buzz about Nadia na very inappropriate at baka natatakot ang The Buzz with a big lawsuit kasi at that time, Crispy Pata was still in The Buzz. At that time na nangyayari ito, Crispy was abroad yata and when she came back, yon tanggal na sya. I might be mistaken pero para yatang yong ang dahilan kasi grabe ang awayan nila noon ni Nadia, I think parang nag accuse daw itong si Crispy na something na very sensitive about Nadia and I'm sure it would turn into another lawsuit for Crispy and I'm sure Crispy would have to prove sa sources niya na ang tsismis ay totoo. Kaya nga itong si Crispy ay parang naging DEMANDA QUEEN, kasi di ba may mga demanda nang dumaan sa kanya including yong nanalo si Annabel sa demanda nya kay Crispy. Crispy was supposed to pay Annable 1 million pesos ba yon? Ewan kong nabayaran.

      • Orkidia, mayroon akong bagong nakitang blogspot ni ogie na ang pamagat ay ogiediaz dot blogspot dot com yata. very funny, addict na ko.

      • …tama, naalala ko nayan…nininerbyos ako nyan nung pinanonood ko ang issue about Aubrey & Nadia…Tnx orkidia & Maria….

  16. tamaaaa,,kelan ba naman naging credible at naging maaayos si mo,,kala mo naman sinong matino at maayos na tao si mo,,pashowbiz lang sya,,,hayan,,kinakalantarin nya si RHIAN RAMOS,,tuloy ang batang ito,,nasisira na image nya sa tao,,,dahil sa pagpatol dito kay mo,,hay nako,,di nag iisip si rhian!!,.gagamitin lang sya ni mo!,,gaya nung kay JANET MCBRIDE,…

    opinyon ni mo iayn respetuhin ion,,mas ok nga sana mag comment sya ng ganyan yung may credibility sya sa tao at di nega ang image nya sa tao,,pakikinggan sya,,e,,baabtikusin lang sya nyan,,wahahahahahah,,lalo na nasa ibang istasyon sya,,sana ,,nanahimik nalang sya,,PASHOWBIZZZZZZZZZZZZZZZsi mo,na malaking ilong at bibig,,WAHAHHHHHHHHH

  17. may point ka ogie, sana di na lang nagcomment ng ganun c mo twister kc nasa kabilang show sya, di magandang pakinggan at cgurado namang may kinikilingan sya.
    i watch e-live at juicy at nakikita ko ang difference at respect ng bawat host sa mga artistang ibinabalita nila.need din talaga ng konting preno para na rin sa manonood,dahil sa pamamagitan nun,pinakikilala mo ang sarili mo sa kanila!

  18. …ummm…may tama ka rin ogie,dapat sana hindi nila pinanonood ang show ng dos.o kaya e ,ano kayang magagaya nila sa HYY,hahaha joke lang :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.