Sey ni Direk Joyce Bernal
Xian Lim, walang bakas ng kabaklaan

PARA KAY Direk Joyce Bernal, walang bakas ng kabaklaan si Xian Lim. Malalim lang daw ang pagkatao ng binata kaya may ganu’ng issue na naglalabasan laban sa actor. As a person, tahimik at hindi gaanong masalita ito. Maging ang kanyang mga awitin ay punung-puno ng meaning. Kahit hindi mag-dyowa sina Xian at Kim Chiu, nandu’n ang special treatment nila sa isa’t isa. Hindi raw malayong ma-in love ang dalaga sa hunk actor, obserbasyon ni Direk.

Sinabi rin ni Direk Joyce na ayaw na niyang idirek ang Kimmy Dora Part 3 dahil isa siya sa producer nito tapos, director pa rin siya ng sarili nilang pelikula. Busy ngayon ang box-office director sa pagdidirek ng 10,000 Hours ni Robin Padilla. Nilinaw ng magaling na director na walang kinalaman ang true-to-life story ni Sen. Ping Lacson sa pelikula nila na dapat sanang ididirek ni Romy Suzara.

 

Protégé runner-up Elle Ramirez, may ibang style daw ng pagko-kontrabida

 

NINETEEN YEARS old, Elle Ramirez ay aarangkada na bilang kontrabida ni Thea Tolentino sa drama-fantasy series na Pyra, Ang Babaeng Apoy ng GMA-7. Matitindi ang magiging eksena ng dalawa. Pag-aagawan nila ang Protégé grand champion na si Jeric Gonzales. Determinado ang dalaga maging isang mahusay na artista.

Tulad nina Thea at Jeric, produkto rin si Elle ng Protégé (runner-up), may nakitang kakaibang galling sa pag-arte si Direk Roderick Lindayag kaya’t agad itong binigyan ng break sa seryeng ito. Siya si Cindy Del Fierro, anak ni Ryan Eigenmann. Ang una niyang soap ay Home Sweet Home, pangalawa itong Pyra ng Kapuso Network.

“Nang malaman kong kontrabida ang role ko sa Pyra, na-challenge ako. Nag-research ako ng mga film ng hinahangaan kong kontrabida, how they act. Hinahangaan ko si Gladys Reyes na kasama ko rito sa soap. May mga eksena kami rito, challenging talaga ‘yung role. Gusto ko may sarili akong style sa pagiging kontrabida,”pahayag ng young star.

Sa pagiging kontrabida ni Elle, hindi kaya malilinya na siya sa ganitong klaseng role? “Wala namang sinasabi sa akin ang GMA na puro kontrabida role ang gagawin ko. Well, tinitignan lang siguro nila kung ano ‘yung kaya naming gawin. Like before, puro kikay-kikay role na pa-sweet, tapos ito. Masaya ako dahil puwede pala akong maging versatile actress. ‘Yung kahit anong role puwede kong gawin. Siyempre, masaya ako, kontrabida ng bida. Big break ito sa career ko, hindi gawang biro ang maging kontrabida. Thankful ako sa GMA na agad nila akong pinagkatiwalaan,” paliwanag niya.

Given a chance, anong character ang gustong i-portray ni Elle? “More on drama kasi ako, ‘yung role na mai-express ko ‘yung sarili ko. Gusto ko ‘yung role ng isang special child. Hindi ko na-experience maging ganu’n kaya ‘yun ang gusto kong character,” pahayag niya.

Crush pala ni Elle si Dennis Trillo, bilib na bilib siya sa acting ability ng actor lalo na sa seryeng My Husband’s Lover. Ang galing daw nitong umarte, pinapanood niya ito sa YouTube. Pangarap niya makatrabaho ito balang araw.

Papaano kung bigla kang ligawan ni Dennis, may pagasa ba? “Huwag muna, mahirap na, career muna,” natatawang sabi ng dalaga.

Inamin ni Elle na naka-dalawang boyfriend na siya bago ito nag-showbiz. Hindi nagtagal ang kanilang relationship, nauwi rin sa hiwalayan. “Months lang at saka, hindi naman seryoso. Hindi ko priority ang pakikipag-boyfriend. Hindi ko sinasabing makasasagabal sa career ko ang pagkakaroon ng boyfriend. Pero sa ngayon, priority ko ang career, ibinibigay ni Lord itong chance na matupad ang aking mga pangarap. May mga project ako ngayon kaya wala akong time sa ganu’n,” wika niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

18 thoughts on “Sey ni Direk Joyce Bernal
Xian Lim, walang bakas ng kabaklaan

  1. Oo nga naman wala syang bahid ng kabaklaan kasi naman po BABAE sya .. BABAE po si XIANA LIM … boses pa lang bakla na .. kayo nga wag nyong lokohin ang mga sarili nyo ang bakla bakla… ganun din ang sabi kay PIOLA dati mga 5 years ago na tunay na lalake daw sya eh ano nangyari ngayon nanggamit pa sya ng babae na ang name ay itago na lang natin sa pangalang KC Concepcion para maitago kabaklaan nya pero ang Piola di na kinaya na madikit pa balat nya kay KC kasi diri sya sa babae…. esep esep pag may esep….

  2. HMMMM…HINDI KAYA KUMAKABIG LANG ITONG SI DIREK JOYCE? PARANG KELAN LANG EH SABI NYA NAKIKITA NYANG WALANG SPARK ANG LOVE TEAM NI XIAN AT KIM. WALA RAW SIYANG MAKITANG SWEETNESS AT MUKHANG MAG-BFF LANG DAW SILA. KAYA NGA RAW NAGRE-SHOOT SILA NG ILANG SCENES PARA MAS MAY KILIG ANG DATING. ANONG MASASABI NYO, MGA PINOYPARAZZERS?

  3. Hintayin nyong mag-comment ang mga kapusa at sigurado akong kabaligtaran ang sasabihin nila. Soooooo predictable….Di ba chocoleit gil?

  4. omg who said that he’s bakla, ang hunky kaya ni Xian good person sensitive to others and mapagmahal sa magulang, iyan ang tunay na lalake. ang kagwapuhan ni xian ay hollywood level hunks. walang kaparis sa pinas at lalong nagiging gwapo dahil sa kabutihan niya sa kapwa at fans niya

  5. now you know direk joyce..umamin na kasi si kim sa exclusively dating nila sa kristv..
    haha huling huli ka tlaga sa balita :p

    • nyahahahhaha kaya nga sila exclusive dating,,para may taga ayos ng Hair ni Kim,,,at taga make-up na rin,,,,,nyahahahha…magaling na Hair stylist yang si Xianita,,,nyahahah,,,,

      • Ganun ba? Inggit kalang te. Poor kasi love life mo . Wag kanalang manira.. tingnan no nalang sarili no as salamin ikaw yata any mukhang tionggo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.