Sey ni Cristine Reyes kina Dennis at Jennylyn: “SANA, MASAYA SILA!”

BONGGA TALAGA ANG Pinoy Parazzi, huh! Lumaki na itong isyu nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado dahil sa inilabas na mga litratong magkasama sila sa Hong Kong.

Meron pa nga tayong ibang kuha na inilabas dito ngayon, pero ayaw nang mag-react ng dalawa dahil inamin na nga nilang sa Hong Kong sila nagbakasyon nu’ng nakaraang Holy Week.

Ang sabi nila, mga anim daw sila na pumuntang Hong Kong, pero pinanindigan ng paparazzi natin na silang dalawa lang.

Nadagdagan pa ito nang lumabas ang kuwentong magkasama silang naka-billet sa hotel, pero ayaw na itong sagutin ni Dennis.

Sa ngayon ay exclusively dating daw sila at dini-develop ang magandang relasyon.

Sabi naman ni Jennylyn, mahigit tatlong taon na siyang hindi na-in love kaya deserving naman daw siyang magmahal kung sakali. Si Dennis pa pala ang makapagpapatibok uli ng puso niya.

Kahit wala pa silang final na statement tungkol sa kanilang relasyon, obvious namang nagkakadebelopan na, dahil ang sweet ng mensahe nila sa isa’t isa.

Sey ni Jennylyn kay Dennis: “Thank you for being there and sana huwag kang magbago.”

Sagot naman ni Dennis kay Jennylyn; “Thank you din sa inspirasyong ibinibigay mo sa akin. Malaking bagay ‘yun para makumpleto ko ‘yung araw ko, tsaka magampanan ko ‘yung mga kailangan kong gawin sa araw-araw.”

O, ‘di ba ang sweet?

Tinanong na rin pala ng Startalk si Cristine Reyes tungkol sa dalawa. Safe lang ang sagot nito na masaya raw siya para sa dalawa.

Matagal na rin naman daw silang wala na ni Dennis kaya okay lang daw na makahanap ng iba ang dating boyfriend.

Wala raw siyang dapat ika-react tungkol diyan at sana masaya raw sila.

NATULOY NA ANG pagpirma ni Rachelle Ann Go sa GMA-7 nu’ng nakaraang linggo at kasali na nga ito sa Party Pilipinas.

Kuwento nga ni Veronique del Rosario-Corpuz, bago sila pumunta ng GMA-7, talagang pinapakiusapan pa raw sila ng ABS-CBN 2 na huwag tumuloy si Rachelle. Kaya kahit ang Viva Artists Agency ang nagdi-decide para kay Rachelle, hinayaan na raw nila ang huli na magdesisyon kung gusto na ba talaga nitong lumipat ng GMA-7.

Sabi naman ni Rachelle, ipinagdasal daw niya ito nang husto at nang mag-decide daw siya na pipirma na sa GMA-7, parang nagkaroon daw siya ng peace of mind. Kaya tingin nito hindi naman daw ito pababayaan ng Diyos sa desisyon na ginawa niya.

Ang isa siyempre sa tuwang-tuwa sa paglipat ni Rachelle ay si Mark Bautista dahil magkakasama na raw sila sa Party Pilipinas.

Sa April 18, ilu-launch na si Rachelle bilang bagong regular ng Party Pilipinas na gagawin sa Dagupan. Mag-iikot kasi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang musical-variety show na ito at sa Dagupan, kasali na si Rachelle.

Sabi pa ni Veronique, aminado si Mark na wala pa siyang gaanong ka-close na kaibigan sa Party Pilipinas, kaya mabuti’t lumipat na si Rachelle na isa sa close friends niya sa pinanggalingang show nila sa kabila.

captions: PILIT MANG SINASABI ni Jennylyn Mercado na kasama nila ang mga kaibigan sa kanilang pagbabakasyon ni Dennis Trillo sa Hong Kong last Holy Week, pinanindigan naman ng ating Parazzi photog na silang dalawa lang ni Dennis ang nakitang magkasama sa dalawang magkasunod na araw.

Una na ngang lumabas ang mga litrato nina Dennis at Jennylyn na magka-holding hands habang naglalakad sa kahabaan ng Canton Road, na nangyari noong Holy Tuesday. Kinabukasan naman – Miyerkules Santo, March 31 – silang dalawa pa rin ang magkasamang namamasyal at holding hands pa rin (tulad ng makikita sa mga litratong ito) sa may Causeway Bay, paboritong shopping district sa Hong Kong.

Aminin na kasi ang lahat-lahat… ‘wag nang mag-deny pa, ‘di ba? (DJF)

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleAngel Locsin, ‘di sinipot ang pictorial para sa isang coffee table book?!
Next articleSipat-eklat: P100-M ang moral damages na hinihingi ni Katrina Halili kay Hayden Kho!

No posts to display