Sey ni Annabelle Rama kay Nadia Montenegro: May You Rest in Peace!

DUMALO KAMI SA first anniversary presentation ng Wil Time Bigtime noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum at personal naming nasaksihan ang napakabonggang presentasyon ng show. Talaga namang pinaghandaan ng Wil Productions ang kanilang unang anibersaryo kaya naman super patok ito sa mga manonood kahit umabot pa ito ng alas-diyes ng gabi.

In between commercials ay tumatakbo kami sa backstage upang mag-interview ng mga guests at mga well-wishers ng show at natiyempuhan naman namin si Tita Annabelle Rama na paalis na ng venue. Kinunan muna namin siya ng mensahe para kay Willie at tanging pag-hanga at papuri lamang ang nasabi niya tungkol sa kaibigan.

Nang matanong naman namin kung sakali ba may mensahe rin siya para kay Nadia Montenegro na nagsampa na naman daw nang panibagong kaso sa kanya, ang tanging nasabi ni Tita Annabelle ay, “May you rest in peace.”

‘Yun na!

 

SA ANNIVERSARY PA rin ng Wil Time Bigtime, nakausap namin ang main host nitong si Willie Revillame at masaya niyang ikinuwento ang kanyang walang katapusang pasasalamat sa mga taong bayan na walang sawang sumusuporta sa kanya.

Hindi raw niya akalaing pagkatapos ng katakut-takot na unos at hagupit ng intriga, malalagpasan niya ito lahat. Laking pasalamat din niya sa pamunuan ng TV5 na hindi bumibitaw sa kanya at patuloy na nagtitiwala sa kanyang kakayahan bilang host.

Kaya naman ipinangangako niyang hindi siya mapapagod sa pagbibigay tulong, pag-asa at inspirasyon sa kanyang kapwa lalo na ngayong ta-

takbo na sa pangalawang taon ang kanyang programa.

Nagbigay suporta kay Willie sa Samart Araneta Coliseum ang bigwigs ng istasyon sa pamumuno ni Sir Manny V. Pangilinan.

Kaya sa bumubuo ng Wil Time Bigtime at sa TV5, congrats sa napaka-matagumpay na unang anibersaryo ng show.

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Naloka kami sa tsika ng kaibigan naming komedyante isang araw noong isang linggo dahil tawa siya nang tawa sa kanyang ikinuwento tungkol sa isang komedyana-singer-politician na diumano ay nagpa-cater sa kanyang birthday pero hindi ito nagbayad.

Ayon pa sa kanyang kuwento, noong kaarawan daw ni komedyana-singer-politician, todo order daw ito ng lala (read: pagkain) sa isang catering service para sa kanyang mga bisitang dumating.

Wala naman daw sanang problema ‘yun kasi birthday nga naman niya at natural na bongga nga dapat siguro ang kanyang selebrasyon dahil may katungkulan na nga siya sa kanilang bayan.

Ang ikinaloka lang daw ng aming source, ipinadala raw ang bill nito sa governor’s office ng kanilang lalawigan. Eh, hindi naman daw alam ng gobernador sa kanilang lalawigan na siya ang pagbabayarin diumano ng mga pina-cater na pagkain ng singer-komedyana-politician.

Ang ending, pinatanggal na raw ng gobernador sa kanyang partido ang nasabing pulitiko dahil parang masyadong kakaiba na raw ang asta nito.

Hala, palagi na lang silang natsi-tsismis sa pagkain. Gets n’yo na?
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

11 thoughts on “Sey ni Annabelle Rama kay Nadia Montenegro: May You Rest in Peace!

  1. Hindn naman lahat ng anak ni Anabel may itsura, yung dalawa niyang anak na lalaki sobrang haba ng baba kaya hindi maihanap ni anabel ng trabaho. kahit takpan ng balbas sobrong haba parin ng baba. lol, kaya si raymond hindi kayang magpapayat dahil mahaba din ang baba. si richard at ruffa lang ang may itsura sa mga anak niya.

  2. sayang, marami pa naman ang kumampi kay annabelle sa isyu nila ni nadia pero dahil sa kakabunganga ni annabelle lalo lang niya ipinapakita ang walang modo niya, tumahimik nlang sana si annabelle.

  3. Ang pamilya Gutierrez parang hindi malinis pakinggan ang pangalan nila kasi palaging nasasangkot sa eskandal. At si Ruffa parang karamihan lumalabas na balita about her ay iyong inuugnay siya sa lalaki at hindi sa mga charity or hindi magagandang example sa mga kabataan. At si Raymund din ang daming nag comment na parang closet queen daw. Kung closet queen nga ito, how about ang kambal, closet queen din ba ito? Just wondering.

  4. Ikaw ang mag RIP anabil! kapal ng mokha mu. nagyayabang ka na naman dyan! feeling mo talaga ANGAT ka sa ibang stage mothers ano? tangna kang pukpukin ka. sikat na bold star ka lang dati na naghahabol kay eddie.

  5. @2facedjoker, agree ako sa yo. Yong comment ni Annabel ay ang pinaka lowest of the low, masama ang maghangad sa kamatayan ng ibang tao. Ano kaya ang damdamin ni Annabel kung ang isa sa mga anak nya ay mamatay? Magsaya kaya sya? Wala kasing pinag-aralan, kaya yon, away dito away doon pati ang anak na si Ruffa, parang limelight hungry. May nag post doon sa pep.com na isang link about Ruffa’s involvement noon ni John Lloyd, i google search nyo ang title LIZ UY 10 THINGS YOU SHOULD KNOW ABOUT BY BIANCA GONZALEZ. Ininterview pala ni Bianca si Liz at doon sa interview parang lumabas na while Liz and John were still an item, parang pumasok ito si Ruffing pero baka I just misinterpreted the context of the interview. Pero parang ganuun ang dating kasi Liz asked apology from Ruffa, and Ruffa refused to give it to Liz and Liz said a year after that incident, Ruffa finally came to terms and apologized to Liz, for what reason? it did not clearly say but it’s about John Lloyd.

  6. ANG PAYO KO SA MGA TAONG NASAKTAN NG PAMILYA GUTYERES.IPAGDASAL NA LANG NINYO SILA .AT POINTS PA YUN SA INYO SA MATA NG MAY KAPAL

  7. ANG   PAMILYA GUTYERES PAG MAY KALABAN ANG ISA SA KANILA PINAGTUTULUNGAN NILA AT NIYUYURAKAN ANG PAGKATAO.KASAMA PA ANG MGA BAYARANG REPORTERS NA TAKOT NA TAKOT SA MGA PANGIL NILA.HAYAAN NA LANG NINYO SILA.MAY MGA TAO TALAGANG DI MASAYA SA BUHAY HABANG DI NAKAKASAKIT NG IBA KAHIT SANKATUTAK NA ANG BLESSINGS NILA.

  8. Please lang arniel, kakaumay na ang issue na ito about anabel rama. Nakatapat nya ang isa pa rin war freak kaya hindi matatapos ang issue na yan.

  9. Annabelle, what you said is the meanest and lowest thing. Para mo ng sinabing “mamatay ka na sana Nadia “. Remember, karma is just around the corner. Be careful what you wish for at baka bumaliktad iyan sa iyo. Ikaw tuloy ang mapagsabihan ng rest in peace. Ang sama mong tao.

  10. Pingback: Sey ni Annabelle Rama kay Nadia Montenegro: May You Rest in Peace! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.