Sey ni Annabelle Rama kay Nadia Montenegro ‘Inumpisahan mo, tatapusin ko!’

NAPAPAGOD NA ba kayo sa kababalita ko tungkol sa away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro?

Hay, naku ‘day! Napapagod na rin ako! Pero hindi ka ba naman maloloka kung napapanood mo sa TV na nagsisigaw si Annabelle sa labas ng Prosecutor’s Office at hinahamon na lumabas si Nadia.

Pero hindi nga lumabas si Nadia, at hinintay na lang na umalis na si Annabelle.

Ngayon, nagsampa na ng kasong Attempted Murder, Grave Coercion at Grave Oral Defamation si Nadia laban kay Annabelle at isinampa niya ito sa San Juan Prosecutor’s Office.

Ayaw nang sagutin pa muna ni Annabelle ang pagdemanda ni Nadia dahil kahit sino naman daw puwedeng magdemanda. Pero ang tanong daw, matatagalan daw ba ito ni Nadia.

“Ako ba hindi sasagot diyan? Akala ba natutulog lang ako basta sa mga dinemanda niya. Humanda siya, dahil inumpisahan niya, ako tatapusin ko,” sagot naman ni Bisaya.

Kaya mahaba-haba pa ang tatakbuhin nitong away nila. Sabi nga nilang dalawa, malabo nang maayos pa ito kaya hintayin na lang natin kung saan hahantong ito.

Lagi naman daw pinagsasabihan ni Annabelle ang mga anak niya na hayaan na lang siya sa laban niya.

Sinasabihan daw niya ang mga anak niya kung masalubong nila si Nadia, batiin nila ito dahil labas naman sila sa away nilang dalawa.

Pero nakikita namang suportado si Annabelle ng mga anak niya, kaya ewan ko na lang kung ano na ang mangyayari rito.

Ang latest pa ngang nabalitaan ko, nakara-ting kay Annabelle, pumirma na raw si Ynna Asistio sa Icon ni Atty. Bebong Muñoz kahit may existing contract pa ito kay Annabelle. Kaya mukhang may naaamoy na naman akong panibagong kaso diyan. Hay, naku! Ang gulu-gulo na nila. Ang nag-i-enjoy lang dito, ang mga reporters at mga showbiz talk show na aligaga sa kaku-cover sa kanila sa hearing.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang exclusive interview  namin kay Annabelle at Nadia kaugnay sa panibagong gulo na namang ito.

 

ENJOY NA enjoy na si Camille Villar sa kanyang hosting job sa Wil Time Bigtime at mukhang tuluy-tuloy na raw siya roon.

Wala naman talagang balak mag-showbiz si Camille pero okay lang daw kung hosting at diyan lang daw sa Wil Time.

Suportado naman ito ni Willie Revillame at natututo na nga si Camille sa hosting kung ikumpara nu’ng nakaraan.

Natutuwa naman ang mga magulang ni Camille na sina Sen. Manny at Cynthia Villar kaya kapag may panahon, dinadalaw nila ito sa studio.

Minsan nga napapansin ko na parang pagod na pagod si Camille, dahil kapag umaga nag-u-opisina pa pala ito, tapos mga alas-tres ng hapon naghahanda na ito para sa pagpasok niya sa Wil Time Bigtime.

Medyo nakasanayan na raw niya ang ganu’ng schedule at na-gi-enjoy naman daw siya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Sey ni Annabelle Rama kay Nadia Montenegro ‘Inumpisahan mo, tatapusin ko!’

  1. bkit ba ganyan nga mga talent manager mga mukhang pera, datung, kwarto, dinero tulad ni lolita kulitis, alipunga lorenzo at cristi lucifermin….. at etong si anabela discorama…… mamimigay gusto tumulong pagdating ng araw isusumbat mga itinulong gusto kasi ng kapalit kaya tumutulong tapos pag inaway o nakalumutan sila ng tinulungan nila ay naku dami dami sinasabi sa taong tinulungan nila ngaun kayong mga mukhang pera na movie/t.v. writer o manager kung gusto nyo tumulong dapat isa-isip nyo na walang kapalit, sumikat man ung tinulungan nyo kumita na rin naman kau, wag na kayong mag antay ng kapalit sa tinulungan nyo at wag kayo magsabi ng masasama sa mga taong tinulungan nyo….. at bakit ba etong si lolita carbonara o solis eclipse from the heart dati ng nasa channel 2 pa si willie at kaaway ni joey de leon ay galit na galit kay willie kasi nasa channel 2 pa pero pag lipat ni willie sa channel 5 ay puring puri na di ko alam kung galit ba sila kaywillie o sa channel 2 ay naku parang star awards noong nasa channel 2 pa eat bulaga lagai nanalo best variety show sa star award ay ung THATS ENTERTAINMENT ng channel 7 tapos noong nasa channel 7 na eat bulaga lagi na nanalo ng best variety show….. di ko alam kung sa channel 2 ba galit mga taong eto eh jan naman sila kumikita sa company na yan…… MGA MUKHANG PERA, KWARTA lahat ng writer na PINOY….LALOT SA INDUSTRYA NG PELIKULA kayat wala ng tumatangkilik ng pelikulang pinoy kasi nga kung di mga mukhang PERA puro bakla at bading ang mga director at writer tapos ihahawa pa nila mga artista na kahit lalaki pilit ginagawang bading tulad ni piolo, sam tama na ung mga bading na pangit tulad ni boy, ogie diaz kung baga sa HOLYWOOD MOVIE lagi may kasama mga ASO sa pelikula pero pag sa PINOY MOVIE lagi kasama sa pelikula ay isang BAKLA kaya ung aso compare sa bakla…….. yan ang PINOYMOVIE AT MOVIE WRITER……..ASO lahat kau sa mga may pera…..kakapal ng mga mukha nyo.. 

  2. Nadia Montenegro isn’t credible at all. I personally don’t favor Anabelle Rama, pero I personally know someone(My friend’s Mom) na pinagkakautangan din ng pera ni Nadia. And as we heard marami talga siyang utang sa kung kani-kanino.. so how can she afford a lawyer kung pambayad nga lang sa utang niya eh wala siya mailabas?! Sana bago siya lumabas na inosente effect on TV eh bayaran niya yung pamilya ng friend ko kasi hindi biro ang laki ng perang yun!

  3. mukhang sinungaling nga itong nadia na to. kaso si anabil nmn panay dakdak kaya napapahamak. kaya 50/50 cguro kalalabasan ni eddie… este, ng kaso nila 2.

  4. ay totoo ka diyan KRISSY!! ang panget ni Camille akala ko kung sinong mamasang na laos,,,mas maganda pa si congratulations!!,,,bakit ba napasok sa WTBT yung si camille the chaka doll

  5. Di ko gusto is Annabel– pero sa kaso nila ni Lilet Cho Nin…Kay Annabel ako!! Go! Go! Go! Makulong ka sana Nadia!!!

  6. In my opinion Annabelle have reason to get upset w/ Nadia ,i heard marami na rin yan si nadia tinakbuhan utang.kaya lang dapat si annabelle should learn to calm down,kasi alam ni Nadia how to get into Annabelle nerves.Im just wondering who is financing Nadia’s legal expenses humm something fishy there e kabilat kanan daw utang nyan.cool lang kayo di ba kayong dalawa napapagod sa rigodon ninyo mahirap ang may kaaway lalo nat yong kaaway mo desperado sa pera

  7. hindi naman asset ng show ni willie yang camille na yan! MY GOSH! napanood ko ung will time big time, si camille lang ang panget! kahit ung mga parang boldstar nang mga dancer nila, mas hamak na mas maganda dyan sa chakang camille na yan! alisin na sana yang camille na yan! nakakasakit sa mata! ang “nagpapakaganda” lang naman daw sa kanya eh ung damit nya kaya utang na loob! alisin nyo na yang chakang camille!

  8. Talo sa kasong child abuse yang si Annabelle, pinapunta pala niya si YNNA sa cebu tapos pinagdadamit ng sexy ni Annabelle para ipakilala sa mga mayayamang pulitiko tsk..tsk..tsk….. Walang kapatawaran yan Annabelle ke LORD. Magbago ka na. Ngayon naman pinag artista mo na rin yung dalawang anak ni Ruffa under viva magagaya rin yan sa ina nilang si Ruffa na hindi nakapagtapos ng college. Puro na lang pera ang iniisip nyo aanhin mo naman yan pag namatay ka na.

  9. mas nainiwala ako kay annabelle…….mukha naman talagang sinungaling yang si nadia….pinagtratrabaho ang mga anak niya para mabuhay siya…..ampapanget naman ng mga anak….

  10. naku naman annabelle, magtigil ka na nga. Life is too short baka magsisi ka eh huli na. Napaghahalata tuloy kayong mag-anak na publicity hungry, at ito naman mga anak na feeling sikat (raw) wala man lang ginagawa, kung baga they tolerate their warfreak mom. Hoy Eddie, kumilos ka naman, kakahiya kayong mag-anak. Gusto yata nyo eh laging laman kayo ng mga tabloids.

Leave a Reply

Your email address will not be published.