SEY NG MANAGER… BARON GEISLER, NASA REHAB NA!

NAKAUSAP NAMIN ANG manager ni Baron Geisler na si Arnold Vegafria, nilinaw niya ang balita na umano’y hindi totoong nagpa-rehab si Baron. “Walang katotohanan,” sabi niya. Nasa isang rehabilitation center daw ito sa Mandaluyong.

Kumuha ng mga series of test si Baron tulad ng drug test na nag-negative, even AIDS test. Nagpositibo naman siya sa alcohol test. Ginawa ang tests para sa pagpapa-rehab ng binata. Sa katunayan, merong hawak na mga admission paper si Arnold na nagpapatunay na nasa isang rehabilitation si Baron, 30 days ang itatagal nito.

Nilinaw din ni Arnold na walang pambayad si Baron sa pagpapa-rehab. Nu’ng hindi pa nagyayari ang issue sa aktres na si Cherry Pie Picache, nagpapagawa ito ng bahay para sa kanyang ina. Itinigil lang muna niya ito para ipambayad sa pagpapa-rehab.

Sa mga nang-iintriga kay Baron, sana ay itigil na nila ang mga mapanirang kuwento. Hopeful daw ang binata na maaayos ang lahat at gagaling ito para makabalik sa trabaho.

SOBRANG MASAYA SI Patrick Garcia dahil daddy na ang tawag ni Alex Jazz sa kanya, anak nila ni Jennylyn Mercado. Natutuwa raw ang binata na maluwag na ang aktres sa pagpapahiram ng kanilang anak. Madalas daw itong nasa kanya. Ayos na rin ang relasyon ng dalawa.

Tinanong namin si Patrick kung totoong may karelasyon ito ngayon. “Mahirap ang complicated, wala pa. Hindi totoo ‘yun,” ang kanyang naging tugon .

SA ISANG PANAYAM kay Tirso Cruz III, na-mention niya na hindi na siya masyadong excited makatrabaho si Nora Aunor pagbalik nito. Hindi na raw exciting sa kanya ang mga drama na mababaw. Dapat daw ay isang malaking production kagaya ng Moulin Rouge kung magsasama sila ni Ate Guy. Baka hindi na rin daw maka-relate sa kanila ang mga kabataan ngayon.

Kasama si Tirso sa isang programa ng Kapuso network na ang kanyang role ay isang drag queen. Pinagtatawanan daw siya ng kanyang pamilya, pero very supportive ang mga ito lalo na ang wife niya na tinuturuan pa siya kung paano kumilos-babae.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

10 thoughts on “SEY NG MANAGER… BARON GEISLER, NASA REHAB NA!

  1. hola,chika,,..WISH KO DIN ,MAGKALAPIT AT SUYUIN MULI NI PAT SI JEN,,AT SILA NALANG DIBA,,,PARA SA ANAK NILA,,WAG NA SI DENIS TRILLO,PASHOWBIZ LANG NAMAN IYON,,,ANG TRUE E,,MAHAL PA DIN NI PAT SI JEN,,,AT DAPAT NYANG SUYUIN ULIT,,,PARA MAKABUO NG MAGANDANG FAMILY,,DIBA,,KASE SI DENIS,..SIRA NA DIN,,I MEAN,MAY NAAK DIN SA IBA,,SO PARANG AWKWARD NAMAN,,IF SILA NI JEN,,DIBA,,PARANG MAGULO ANYTYM,,

    JEN AT PAT PADIN,,PLS….

  2. WELL,,MAS OK ANG GANYAN SET UP,,NIRERESPETO PADINNI PATRICK SI JEN,,WEN IT COMES IN DESISYON PARA SA ANAK NILA,,DIBA,,INA PADIN SI JEN AT AMA NAMAN SI PAT,,DAPAT GANYAN,,MAY RESPETUHAN,,MAS MAGANDA NGA SILA NA LANG ULIT PARA MAS MASAYA SI AJ,,,DIBA,,I SMELL,NA SILA DIN SAHULI,,,AYAW DIN KASE NI PAT NG SIRANG PAMILYA,.WELL,LETS SEE,

    SANA LANAG MAPALAKI NG MAAYOS NA MAY VALUES ANG ANAK NILA,

    WERE HAPPY KAY JEN AT PAT,,AT OK NA SILA,,,PARA SA ANAK NILA,,MAGING MABUTING INA AT AMA LANG SILA,FOCUS,,,KASE KAPAG MAY IBA NA SI PAT AT MAY IBA SI JEN,,NAKUPO,,MAWAWALA YUNG FOCUS NILA KAY AJ,,MAGUGULO NA,,AS IN!!!KAYA SANA SILA NA,,PLS,,,

  3. NORA AUNOR WILL COMEBACK SOON,,im sure sa dos at 7 muna sya gagawa ng movies o tv series,,,xciting,,,work lang naman po,,ok,,,
    sabi sabi,,may movie si nora wid,DINGDONG DANTES-KRIS AQUINO-KRISTIN HERMOSA soon,,sana matuloy ito,,

  4. tamaaa…gud idea,,,,,makaaktulong kay baron ang ganyan,,sa kanyang well being at life,,,sana mapaayos ito,,sa tulong ng tao,pamilya,ng dasal,ng dyos at sarili nya,,,,kip it up baron,,GOD ALWAYS BE WID U,,magbasa ka ng bibiya jan,,u need to submit yourself kay god,,,yun ang inahin mo,,lahat susunod na,,godblesss,,

  5. Hoy Baron!wag mo nang gawing excuse mo ang pagiging lasing mo sa pagiging bastos at manyakis mo!.madami akong kakilala nalalasing talaga pero hindi nambabastos ng babae!.may sakit ka talaga sa utak!ang sabihin mo baka sex maniac ka yun ang sakit mo!!Manghihipo!BASTOS!!!!.SAyang ang galing mo pa namang aktor!.

    • tama ka dyan, kung naging matino ba naman tong lasingong ito, hindi na sana nangyari sa kanya ang ganito, ginamit pa yon pinapagawang bahay para sabihin na matino siyang tao

      • nagparehab na nga yong tao para mawala yong addiction nya sa alcohol.tao lang tayo kaya wala kayong karapatang humusga o manghusga sa kapwa nyo.baguhin nyo rin sarili nyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.