Sey ng komedyana: Hawakan na ang keps n’ya, ‘wag lang ang kanyang boobs!

BLIND ITEM: “’Wag! ‘Wag mong hahawakan ang boobs ko! ‘Day, hawakan mo na ang keps ko, ‘wag lang ang boobs ko.  Juice ko, wala na nga, hahawakan mo pa!”

Hahaha! ‘Yan ang sey sa amin ng isang kaibigan naming komedyana na lagi niyang tinatakpan ng palad niya ang boobs niya, dahil hinihipuan namin siya.

Juice ko, harutan kami nang harutan ‘pag nagkikita ng komedyanang ito. Sabi namin sa kanya, “Ba’t ayaw mo pa kasing magpa-breast enhancement kasi, eh!”

“’Wag na, mare,” sey niya sa amin, “Takot ako sa mga ganyan-ganyan. Juice ko, ang puwet ko nga, super padding na, dahil wala akong puwet, ‘di ba?”

Ano ‘yon? Sa bunganga lumalabas ang ebs niya?

ANO RAW ANG masasabi namin sa naging alitan nina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino? Una, masyado nang delayed ang aming reaksiyon, dahil bati na ang dalawa.

Pero kung pipilitin pa ring hingin ang aming opinyon, naniniwala kami na kaya mataas ang rating ng POV segment ng The Buzz ay dahil sa kanilang pag-ookrayan at pagiging totoo sa reaksiyon nina Kuya Boy Abunda, Ruffa at Kris, kaya kasama diyan ang suplahan, barahan, kaya “watchable” ang The Buzz.

Nagkataon lang na sobrang nalulungkot si Ruffa sa kanyang paglipat, kaya nakaragdag pa sa bigat ng kalooban niya ang dayalog ni Kris na, “’Di ba, mas masaya dito?”

“Nalaman tuloy ng mga tao na hindi completely happy si Ruffa sa paglipat niya sa Channel 5,” sey ng isa naming nakausap na reporter.

Me gano’ng factor?

“Ogie, basta, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, ha? Alam mo namang ikaw lang ang nasasabihan ko ng sama ng loob nu’ng That’s Entertainment days. Kaya ‘pag nagsimula na ang campaign mo, ako ang bodyguard mo, ha?”

Sinabi niya ‘yon sa amin mga two weeks ago. Siya pa nga ang nagpa-follow up kung iikot kami, dahil sasamahan daw niya kami kahit taga-District 2 siya’t kami’y tumatakbong konsehal naman ng 3rd District.

Kaya nu’ng magtungo kami sa Funeraria Paz ay oo nga, totoo nga. Ang kaibigan namin ay nakahimlay na sa kanyang huling higaan. Wala nang magba-bodyguard sa amin ‘pag height na ng kampanya.

Wala nang mag-a-‘I love you’ sa amin palagi sa Facebook at sa telepono, dahil wala na ang aming anak-anakang si Marco Polo Garcia. At least, narinig pa niya noon ang ganting sagot namin sa kanyang “I love you, Ogie!”

“I love you too, Marco!”

‘Wag n’yo kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn with Daddy Eric Borromeo, Rommel Placente at Ms. F.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMale singer, nagpa-register na sa pederasyon?!
Next articleKris Aquino, nakipagplastikan sa press people?!

No posts to display