Sey ng direktor: alalay ng sexy star, mas marunong pang umarte!

NAKAKATAWA ‘YUNG ISANG direktor. Ginamit niya sa ilang eksena ang alalay ng isang sexy star sa pelikulang ginagawa nito. At tawa nang tawa si Direk. Ang husay raw gumanap ng malusog na alalay.
Kaya ang dayalog nito, “Sana, ikaw na lang ang nagtuluy-tuloy sa pag-aartista, ‘no? Mas mahusay kang umarte kesa sa amo mo. Hahaha!”
Alam naming joke lang ‘yon ni Direk. Pero alam n’yo naman ang joke, half-meant ‘yan. Ang dami na rin naming naririnig na hindi raw talaga marunong umarte ang sexy star at talagang pipigain pa ‘to nang husto para lang makaarte nang tama.
Pero maganda naman ang mukha ng sexy star na ‘to, in fairness. Sa ganda ng mukha, kinukuha na rin sa mga commercials. Pagtitiyagaan lang talaga ni Direk para makuha nito ang tamang facial expression at tamang akting.
Kaya sana, ‘wag natin siyang pagsarhan ng door, ‘di ba?

(By Ogie Diaz)

loading...

5 thoughts on “Sey ng direktor: alalay ng sexy star, mas marunong pang umarte!

  1. Feeling sikat at ilusyunada pa nga.   pwede va bago niya ilevel ang sarili nya kay Marianita eh mag workshop muna siya. Pang fhm  ka lang my dear! Marami ka pang tinik na dadaanan.di yun akala mo nanalo ka lang eh kala level mo na ang mga sikat. Hahaha! In  your dreams teh!

  2. OO nha napakabano nyang umarte asawa ko nga tawa ng tawa kpag si sam pinto na ang eeksena kasi nanlalaki dw ang mata@ang ilong bumubukaka kpag s=nagsasalita na prang hirap na hirap magdeliver news hahahahahahaahah// ano bba nman c cccclaire(handler) nya matanda na sya sa showbiz dapat ipasok nya muna si sam, sa mga institution ng papano umarte ng maayos! why not try her to word of mouth nga yan eh na beauty pero Bano umarte!!eh di ba doon nga sa Panday naging topic na yan noon na misan sa interview ky bong”kung ano masasavi sa acting ni sam/ smile lng isinagot ni BOng”wth tantalizing eyes” hahahahNATAWA nga ak kanina sa Juicy t.v.5 nag BLind item c shalala with reinActment pa na ms na AMAze pa director sa PA. ni sam sa acting kesa ky sam na lalamya lamya@bubukakbukaka ang ilong @nadidilat ang bilugang mata:(( hahahaahah,hay naku sam papano mo mapapalitan si Naag-iisang marian rivera eh kung ganyang beauty ka nga pero ang BANO BANO mong Umarte grabe talaga! hahahahahahhahaha// FUNny

  3. Si Sam Pinto will star on Hitman with Cesar Montano..hahaha, may special participation pa ung yaya niya..dapat sya nalang ung yaya para mas bongga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.