Sexy young actress, madalas sa bahay ng ex-bf na hunk actor kahit may bago nang BF!

NAPATULALA KAMI habang may isang kaibigang nagkukuwento na hanggang ngayon pala ay pumupunta pa ring madalas sa bahay ng isang hunk actor ang isang sexy young actress.

Hindi naman sinabi sa amin ng aming source kung nagse-sex pa rin ang dalawa. Although alam ng lahat na ex-couple na ang category nila.

Pero ang girl daw ay nagpapasundo na lang at nagpapahatid sa house ng hunk actor. After a few hours of stay, ipinapahatid na ito sa driver.

Para bigyan namin ng malisya ito ay puwedeng hindi, puwede rin namang oo. Puwede rin naming isiping mas bongga ang friendship nila ngayon kesa nu’ng sila’y magkarelasyon pa.

Puwede ring ang friendship nila’y gone a long, long way at ayaw nilang ito’y maintriga pa, lalo na’t may boyfriend na ang young sexy actress.

I’m sure, ‘yung iba, mag-iisip pa rin na nagkakadyugdyugan pa ang dalawa. Pero kami, naniniwalang ganon lang sila ka-close as ex-sweethearts, kaya lagi silang may bonding time and they show real concern for each other.

Me gano’n.

(By Ogie Diaz)

Previous articleSuper Tele-Novela
Next articleBatang Hamog

No posts to display