Sexy Star/Producer na Kabit ng Mayor, Daig pa ang No. 1 Kung Umasta sa Munisipyo!

MALAKING PALAISIPAN SA marami kung totoo bang gagawa ng pelikula, magko-concert at magkakaroon ng primetime serye sa isang malaking TV network ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor, lalo na ngayon at napapabalita  na mismong ang pinakamalapit na kaibigan nitong si Kuya German Moreno ang nagsasabing may problema sa pagsasalita si Ate Gay na resulta ng kanyang naging operasyon.

Maaalalang sa mismong radio program ni Kuya Germs sa DZBB kinumpirma nito na malaki ang posibilidad ni Ate Guy na makauwi ngayong 2nd or 3rd week ng Nobyembre, kung saan may mga proyekto itong gagawin sa bansa.

Pero ang tanong: Papa’no nga namang makagagawa ng pelikula or sariling soap si Ate Guy kung limitado lang ang oras na puwede siyang magsalita dahil pagtagal-tagal ay unti-unti nang nawawala ang boses nito? Kahit nga sa mga nakalipas na concert nito ay ‘di na kinayang makakanta pa ni Ate Guy.

Kaya naman ngayon pa lang, marami-rami na talaga ang nag-aabang kung tuloy nga ang uwi ngayong buwan ni Ate Guy at kung anu-anong proyekto ang gagawin nito, at para malaman na rin kung totoo bang sira na ang boses nito.

BLIND ITEM: SINO naman itong sexy star na naging producer na sinasabing kabit ngayon ng isang mayor sa isang probinsiya? Bongga raw ang nasabing sexy star/ producer dahil daig pa raw nito kung umasta ang tunay na asawa ng mayor.

Tsika nga ng aming source, lagi raw itong napagkikita sa munisipyo ng nasabing bayan at laging nasa loob ng opisina ng mayor. Feeling nga raw nito ay siya ang First Lady ng nasabing bayan, kahit ang katotohanan ay kabit lang siya. Kung makapag-utos daw kasi ito sa mga staff ng naturang mayor ay ganu’n-ganu’n na lang.

Deadma na nga lang daw ang mga staff ni Mayor, dahil may go signal naman ito sa mukhang in love na in love na mayor. Kung sa bagay, sino nga ba namang alagad ni Adan ang hindi mahuhumaling kay sexy star/ producer? Bukod nga raw kasi sa  maganda at sexy, magaling daw maglambing at kumarinyo. ‘Yun na!

NAKABABAGBAG-DAMDAMIN AT NAG-IWAN ng aral ang naging kuwento ng buhay ni Shalala sa Paparazzi last Sunday mula sa pagyao noon ng kanyang ina na dalawang linggo nila bago naipalibing dahil sa kawalan ng pera, at ang pagsubok muling dumating sa kanilang pamilya sa pagkakaroon ng sakit ng kanyang pamangkin na siyang sinusuportahan nito.

Maraming manonood ang lumuha at naantig ang puso sa isiniwalat ni Shalala sa pinagdadaanan ng kanyang buhay. Kaya naman sa bawat patak ng luha mula sa kanyang mga mata, siya namang nagsilbing aral sa mga nakapanood.

Tunay ngang blind item queen si Shalala sa mata ng marami, pero ginagawa niya lang ito para kumita, kumita ‘di lang para sa kanyang sarili, kundi para sa kanya at lalung-lalo na sa kanyang pamangkin na may sakit.

Kaya naman saludo kami kay Shalala sa sobrang pagmamahal sa kanyang pamilya. Sabi nga nito, “Kantiin mo na’ng lahat, ‘wag lang ang pamilya ko, lalung-lalo na ang pamangkin kong may sakit,” dahil handa siyang makipag-patayan para sa mga ito.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

10 thoughts on “Sexy Star/Producer na Kabit ng Mayor, Daig pa ang No. 1 Kung Umasta sa Munisipyo!

  1. ANO BANG PINAG GAGAWA NI ATE GUY SA BUHAY NIYA, NANDIYAN,….. MAGING LASENGGA, ADDICK, EX CONVICT, NAGPAKASAL SA TOMBOY, KUNG SINO SINO KINASAMA, KINALIMUTAN ANG PINAS, PATI MGA ANAK NIYA, PINAGLARUAN ANG MUKHA, ..
    HAYAN,.KARMA ATE GUY NAPALA MO.
    HALA, MAGSISI KA NA AT PATATAWARIN KA NG POONG MAYKAPAL.

    • Uy, nanghusga ang malinis! LOL!
      Sa ginawa mo, nadagdagan kasalanan mo!
      Mas makasalalan ka pa sa kanya.
      Di ka nga niya kinakanti diyan…

      Grabeee, bongga ka teh, napakalinis ng budhi.. LOL!

    • Ang napabalita lang naman na naging kabit lately si Ynez Veneracion ni Mayor Mangundadatu ba yun? Yung ang asawa ay napatay sa Maguindanao ambush ng mga Ampatuan…not sure ah.

  2. yan kasi ang napapala ng mga taong hindi makuntento sa kanilang mukha, lahat tayo tatanda at tatanda paglipas ng panahon, itong nangyari ke nora ay isang aral para sa mga taong mahihilig magparetoke ng kanilang mga mukha, hindi lahat ng mga operasyon nagiging successful, kagaya rin yan sa pagpapalagay ng mga silicon sa kanilang mga dibdib, o kaya paglalagay ng mga collagen sa mga mukha. ilan na ba ang nagkaka- breast cancer dahil sa mga nilalagay nila sa mga dibdib nila.

    ang nangyari ke nora isang operasyong palpak. hindi nga lang siya makapagdemanda kasi sponsor lamang ito. nakita nyo na rin ba ang asawa ni manny calayan? si pie calayan, lubak lubak ang mga mukha at meron malaking hiwa sa cheek bone niya sayang ang magandang mukha nya nun dahil makinis….

    • Totoo lahat sinasabi mo. Si Gretchen Barretto nagandahan ako sa mukha nya before, ewan kong anong pinagawa nya sa mukha nya ngayon, parang matured at matrona na tingnan, but don’t get me wrong, maganda pa rin si Gretchen, pero mas maganda yong mukha nya noon, opinion ko lang ito. :)

    • Yah, you have a point. But don’t forget, it’s her life…
      ‘Di ka niya pinakikialaman, so please back off and move on! E, basher ka lang naman! Nakakita ka lang ng butas to bash her… I bet kung idol mo yan..’di ganyan sasabihin mo….

      Ganoon din kina Gretchen at Ms. Pie…
      Huwag ka na manermon…

Leave a Reply

Your email address will not be published.