Sexy star, may malubhang sakit! – Joey Sarmiento

EARLY IN THE morning nang mag-text sa amin si sexy star GG and we were alarmed sa sinabi niya sa amin na meron siyang matinding sakit at kailangan niyang magpa-opera outside the country.

Nagre-request si GG kung puwede raw i-cancel namin ‘yung iba niyang mga raket na nai-book namin for her dahil nga sa kanyang matinding sakit na malamang ay magkaroon daw ng surgery soon.

Siyempre, nag-worry naman kami kay GG dahil nang huli naming siyang makita, e, very healthy naman siya at almost everyday pa siyang nagdyi-gym sa Makati.

Bukas pa raw malalaman ang resulta ng kanyang pagpapatingin sa doctor and we hope and pray na sana nga, e, hindi malala ang kanyang sakit para hindi na siya maoperahan and at the same time, e, hindi na rin maabala ang kanyang mga trabaho.

Siguro, matinding rest lang ang kailangan mo, sister!!!

[ad#post-ad-box]

NILINAW NI JOY Cancio ng Focus Entertainment na hindi totoong may sama ng loob si Rochelle Pangilinan kay Sex Bomb Jopay Paguia kaya siya hindi sumuporta sa press conference ng My Shuper Sweet Lover ng Daisy Siyete.

Yap! Hindi nga rin kasama si Rok sa afternoon series ng Focus pero nilinaw naman ni Mother Joy na walang tampuhan na nangyayari sa kanyang mga alaga.

Busy lang masyado si Rok sa kanyang taping sa Show Me Da Manny at sa iba pa niyang mga raket kaya hindi siya masyadong visible sa mga Focus activities.

Gustung-gusto ngang pumunta ni Rok sa Mugen Bar nang ni-launch ang My Shuper Sweet Lover pero dahil late na siya ay hindi na rin ito pinatuloy ni Mother Joy.

Kaya para sa mga nang-iintriga, naku, ‘wag na nating istorbohin si Rok at Jopay dahil wala naman silang quarrel, ‘no!

PARA SA MGA hindi nakakaalam, simple lang ang Viva Hot Babe star na si Gwen Garci pero meron siyang condo somewhere in Mandaluyong worth P11M pesos.

Walang halong joke ‘yan dahil kami mismo, e, pinapunta ni Gwen sa kanyang luxurious unit with matching tsikahan sa kanyang mamahaling dining table.

Oooopps. Para sa mga malisyosong isip, e, ‘wag n’yo nang pag-isipan ng masama si Gwen dahil hindi po galing sa papa ang kanyang pinambayad sa condo kundi sa kanyang dugo at pawis.

Galing sa kanyang naipon sa showbiz ang pinambili niya ng kanyang condo na dinagdagan naman ng kanyang papa, as in, ng kanyang biological papa and mama para naman magkaroon siya ng sariling house hindi gaya ng ibang mga sexy stars na kung saan-saan lang napupunta ang mga perang kinikita.

MAMAYANG GABI NA ang premiere night ng pelikulang Baklas nina Rosanna Roces and Roi Vinzon at maraming dapat abangan sa event na ‘yon.

Marami ang nagsasabi na lalo raw nagiging pasaway si Osang kaya wala nang project sa GMA7 at sa channel 2 dahil sa kanyang unprofessionalism kaya wait and see tayo kung sisiputin ito ni Osang o hindi.

At kung sumipot man si Osang, siguradong puputaktihin siya ng mga press people para kunan ng reaksiyon sa mga binitawang salita ni Lani Mercado sa Startalk tungkol sa walang kamatayang isyu ng kanilang apo.

Op kors, wait and see rin tayo kung sino namang bagets ang ka-date ni Osang tonight, okidoki?

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

2 thoughts on “Sexy star, may malubhang sakit! – Joey Sarmiento

Leave a Reply

Your email address will not be published.