Sexy star, lulong sa on-line bingo?!

NOONG LUNES, APRIL 18, may isa kaming appointment na pinuntahan somewhere in QC at dahil napaaga kami, pumasok muna kami sa isang on-line bingo upang magpalamig dahil sa sobrang init. Umupo kami sa 1-peso machine at naghulog ng isang daan para lamang hindi paalisin ng mga staff.

Napansin namin ang isang may kaputiang babae sa aming kanan na abalang-abala sa paglalaro. Tinitigan naming mabuti, baka namamalik-mata lang kami, pero hindi talaga kami nagkamali. Siya nga ‘yung sexy star na naanakan ng isang sikat na sikat na ngayong actor sa isang malaking istasyon.

Nang napansin niyang nakatitig kami sa kanya, agad siyang nagsuot ng artista shade. Nakakaloka siya, hindi man lang niya kami naaalala na kamakailan lamang ay na-interview namin siya para sa guesting niya sa isang drama show.

Hala, ito na kaya ang pinagkakaabalahan ng sexy star na ito dahil matumal pa sa ulan ang kanyang karaketan? Ayaw ng taga-breakwater ng ganyan!!!!

(By Arniel Serato)

loading...

4 thoughts on “Sexy star, lulong sa on-line bingo?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.