Sexy Parekoy lesbo, crushing on Fear Factor’s Janna

Reggee’s Digest
by Reggee Bonoan

HINDI NAMIN NASUSUBAYBAYAN ang panghapong seryeng Parekoy nina Zanjoe Marudo, Jayson Gainza at John Prats kaya hindi kami pamilyar sa mga babaeng kasama nila maliban kina Ms Tetchie Agbayani at Ms Irma Adlawan.

Nabanggit kasi sa amin mismo ng taga-Parekoy na isa sa girls ng Parekoy ay tibash named Sam (?) at tuwang-tuwa raw nu’ng ipinasok na si Janna na dating taga-Fear Factor dahil matagal na palang type ng nasabing tibash.

Ang kuwento sa amin, “knows mo ba si Sam, hindi halatang tibash ‘no? Kasi sexy din, hayun type na type si Janna. Hindi alam ni Janna na tibash siya kaya nakiki-bonding pa kasi bagong pasok ang lola mo sa Parekoy.”

At kung natutuwa si Sam sa pagpasok ni Janna, irita naman daw ang Star Magic talent na si Jacq Yu na hindi naman daw malaman kung bakit.

“Pansin lang na nu’ng first taping day ni Janna, sumimangot si Jacq, siguro matatabunan siya ni Janna kasi mas bata at sexy,” dagdag tsika sa amin.

Susme, puro mga wala pang name nag-aaway-away na, e, ‘di lalo na siguro kung mga sikat na sila?

HINDI TAKOT ANG mag-asawang Jodie Sta. Maria at Pampy Lacson sa mga nangyayaring kidnapping o ambush considering na kilala sila bilang kaanak ni Senator Pamfilo Lacson.
Ang katwiran ni Jodie, “wala naman kasi kaming kinalaman sa nangyayari, ordinaryong maMAmayan lang kami. At saka bihira rin naman kaming lumabas na rin kung hindi lang importante.”

Broad day light daw kung lumabas sila kapag may bibilhin lang at kung pupunta sila sa tindahan nila (distributor sila ng chicken) at kung may taping si Jodie ng Tayong Dalawa na gagampanan ang role na Angela, bilang kapatid ni Mylene Dizon na tsugi na sa istorya (dahil malapit nang manganak sa pangalawang anak nila ni Paolo Paraiso).
“I believe naman na hindi kami pababayaan ng nasa Itaas,” sambit ni Jodie nang maka-tsikahan namin kamakailan.

At inamin din ng aktres na wala silang bodyguard kapag lumalabas dahil mas mahirap daw kumilos kapag may mga kasama pa sila.

KUMONSULTA NA SA abogado si Sexbomb manager Joy Cancio at mommy niya dahil may naninira raw sa kanya at sa Sexbomb girls, na wala raw ginawa kundi siraan ang programang Daisy Siete gayu’ng wala naman daw ginagawa ang mga alaga niya.

Ayon kay Joy, “pinakukuha na ni Mommy ‘yung address nu’ng mga taong naninira at kung saang publication sila kunektado kasi padadalhan sila ng sulat ng abogado namin.
“Hindi kasi kami tinitigilang tirahin sa kolum nila o sa radyo nila. Okey lang kung ako lang, e, isinama na ang Sexbombs girls na wala namang ginagawa kundi mag-trabaho lang para kumita, dahil may mga binubuhay naman silang pamilya tapos kung anu-anong ite-text o isusulat?

“Ayaw ko na sanang patulan, e, sumusobra na. May mga dapat din kaming protektahan lalo na sa advertisers dahil nga sa Daisy Siete. E, buti na lang at maganda ang ratings namin simula nu’ng umpisa.”

Samantala, pinayuhan namin sina Joy at mommy niya na huwag nang patulan ang mga taong naninira sa kanila, dahil mas lalong matutuwa kapag pinansin sila. Kaso kailangan daw idaan sa legal na paraan.

BONGGA TALAGA SI Kris Aquino dahil may kapalit kaagad ang Deal or No Deal na magtatapos na sa last week ng March at ipapalit kaagad ang bagong game show na Pinoy Bingo Night.

Si Kris ulit ang host sa nasabing game show na franchise sa National Bingo Night sa Amerika, at malalaking premyo ang mapapanalunan gabi-gabi ng studio contestant at home partner na sila mismo ang maglalaro gabi-gabi nationwide.

Ang kuwento sa amin ng taga-Dos, “kasama kasi sa pinirmahang kontrata ni Kris ay tatlong shows kaya after ng Deal or No Deal, kailangang may kapalit, so itong Pinoy Bingo Night. Tulad nun’g matapos ang Boy and Kris, dapat may kapalit din, so inilagay sa SNN (Showbiz News Ngayon).

Say nga namin, kaya maraming nagsasabing sipsip si Kris sa management dahil nga hindi siya nababakante kumpara sa ibang talents ng Dos.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.