Sexy male starlets use showbiz to up market value

BAGO ANG LAHAT, get well soon muna sa love na love naming si Ms. D, dahil hindi naka-attend ng taping si Ms. Dina sa May Bukas Pa kahapon.

Alam n’yo ba kung ano’ng nangyari?

Ganito ‘yon (naku, talagang ikinuwento, o!), pagdating namin sa set sa Bacolor, Pampanga eh, biglang ibinalita na lang sa amin ng staff na naospital si Ms. D.

Paalis na si Ms. D sa house going to Pampanga, pero parang ang sama ng pakiramdam ng aktres, kaya nag-decide siya na dumiretso na lang sa ospital.

Ayun, namanhid pala ang ilang bahagi ng kanyang katawan at kailangan siyang mag-rest muna at magpagaling.

Feeling namin, overworked na si Ms. Dina, dahil alam n’yo naman ‘yan, sobrang workaholic. Ang work niya eh, bitbit niya hanggang sa set kapag hindi pa niya eksena.

Kuwento pa sa amin dati ni Ms. D, kapag inaabot siya nang madaling-araw, pagdating niya sa bahay ng 6am, ligo na siya at diretso siya at 7am sa office niya.

Ganyan kalala ang workload ni Ms. D. Ang tanong: Kaya bang gamutin ‘yon ng Anlene?

Naku, ang layo raw ng tanong namin, o!

PINAK-AP NG MAY Bukas Pa si Maja Salvador. Bakit hindi siya nakapag-taping? “Meron” ba siya? No! Wala siyang “period” that time, dahil kahit meron ‘yan, alagang-alaga siya ng Sisters Sanitary Napkins (maisingit lang, hehehe!)

But seriously, lahat ng eksena niya kasi ay kasama si Ms. Dina, kaya pinauwi na lamang si Maja and hopefully, tomorrow ay makapag-shoot na ang mag-ina.

Ang speaking of ini-endorsong Sisters ni Maja, nakakatuwa pala ang makers nitong Mega Soft Hygienic Products, Inc., dahil kahit may global crisis ay hindi nila itinataas ang presyo ng Sisters.

Katunayan, gusto pa nilang i-inspire ang mga underprivileged na kabataan as they launch their new ad campaign, ang “Move Up” kung saan 30 pairs or 60 female students from public high schools in Greater Manila Area ang napili as Sisters achievers for academic year 2008-2009, kung saan makatatanggap sila ng cash at medals.

At sa bilang na ‘yon, pipiliin naman ang three pairs o anim na kabataang babae na tatanghaling Sisters Achievers. ‘Di ba, bongga?!

NAKAKALOKAH ANG IBANG sexy male starlets na nagsasalita ng kung anu-ano para lang magpa-kontrobersiyal. Hindi na shocking sa showbiz kung meron nang gay experience ang isang aktor o nagpapa-book ang isang male celebrity.

Ang shocking lang naman ay kapag walang takot na inamin. At ang mas shocking, ‘yung inamin mo na nga, nandadamay ka pa ng ibang taong hindi naman willing umamin.

Sana, tigilan na ng mga sexy male starlets na ‘yan ang ganyang press release. Kung gusto nilang magtapang-tapangan, ‘yung sarili na lang nila ang kanilang kaladkarin sa showbiz.

Kaya ano ngayon ang iniisip ng mga tao? Ginagawa nilang “stepping stone” ang pagpasok sa showbiz para kahit man lang mahaginan sila ng kamera, maramdaman nilang artista sila.

At para tumaas ang kanilang market value sa pagpapahada sa bading, gano’n ba? Gano’n ba ‘yon? Ano?! Magsalita kayo!!

Na-high-blood? Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Sexy male starlets use showbiz to up market value

  1. uber like tlga kita Ms O hehehe
    sna makita kita sa personal kasi gusto kitang
    kurutin sa pisngi nyahahaha wala lang
    natutuwa lang ako sa iyo e sufer funny ka sa MBP
    hahahahaha

  2. ,kaya nga DUN SA maY bUKAS PA ang galing nia ni Arlene kakatawa talaga . infainess ha loyal ka talaga sa Kapamilya kahit natanggal kana sa UKG ehh active ka parin sa kapamilya……….ooyy I hope balik ka ulit sa UKG…… mas maganda kung andun ka……

Leave a Reply

Your email address will not be published.