Sipat-eklat #162: Sexy comedienne, sumegwey ng ‘private booking’ sa out of town show!

SIPAT: IDINI-DISPLAY na ni ARA MINA ang BOYFRIEND niya na si RAYMOND YAP.
EKLAT: HINDI IMAGINARY ‘yan. Pramis!

SIPAT: Sino si RAYMOND? Apo siya ni DON EMILIO YAP na OWNER ng MANILA BULLETIN at MANILA HOTEL.
EKLAT: Wow, GALING sa ANGKAN ng MAYAYAMAN! JACKPOT si ATE!

SIPAT: So, PATAY na ang MANNY PACQUIAO at RICH POLITICIAN ISSUE na IKINAKABIT kay ARA, ha?
EKLAT: MAKATUTULOG na nang MAHIMBING si JINKEE…

SIPAT: May PHOBIA na raw sa BUBONG si CRISTINE REYES.
EKLAT: Kaya ‘yung BAHAY niya… PATATANGGALAN niya na ng BUBONG?

SIPAT: Ay, na-CANCEL agad ang FIRST SHOOTING DAY ng MANO PO 6. HINDI raw kasi UMAAYON sa FENG SHUI. MALAS daw.
EKLAT: Hmmm… NANINIGURO na si MOTHER LILY MONTEVERDE?

SIPAT: Huwaaatttt? WALA pang P3-M ang KINITA ng NANDITO AKO… NAGMAMAHAL SA ‘YO nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: Kaya siguro ang REGAL MADERAKA, KUMONSULTA na sa FENG SHUI.

SIPAT: TULOY ang KASAL nina KORINA SANCHEZ at MAR ROXAS. Kaya lang, WALA na ang BONGGANG RECEPTION sa ARANETA COLISEUM.
EKLAT: BUONG ‘PINAS ba ang IMBITADO nila?

SIPAT: Sey kasi ni SEN. ROXAS, HINDI raw TAMA na MAGSAYA sila sa kabila ng KALAMIDAD na DINANAS ng ating BANSA.
EKLAT: Uy, PA-POGI POINTS sa mga BOTANTE!

SIPAT: PINALITAN ni HEART EVANGELISTA si KRISTINE HERMOSA sa JUAN movie ni MANG DOLPHY na entry sa FILMFEST ngayong taon.
EKLAT: NAGMAMADALI na silang MATAPOS ang PELIKULA, baka dahil kay KRISTINE, e, MABITIN pa!

SIPAT: Uy, DAMING RAKET naman ni HEART! Sa MANO PO 6, PASOK din siya, ‘di ba?
EKLAT: E, ano kung SECOND CHOICE lang siya?

SIPAT: Kahit na MADALAS na MAKITA na MAGKASAMA sina SAM MILBY at ANNE CURTIS, e HINDI pa raw sila NAGKAKABALIKAN. May BAGONG PELIKULA kasi silang PAGSASAMAHAN.
EKLAT: Yehey, may GIMMICK na naman!

SIPAT: BAKIT daw may HAGULGULAN na sa DARNA? Switching sa DRAMA na raw ba ang PROGRAMA?
EKLAT: NANINIGURO lang. Baka MAUNGUSAN sa RATING ng MAY BUKAS PA sa MEGA MANILA.

SIPAT: Blind Item: RUMAKET sa isang OUT-OF-TOWN SHOW ang SEXY COMEDIENNE. Pero NALOKA ang ORGANIZER dahil nu’ng SET na ng ating BIDA, e, NAWAWALA ito. Kaya pala, SUMEGWEY ang HITAD sa isang PRIVATE BOOKING.
EKLAT: Clue: Uy, EXTRA CHALLENGE ang GINAWA ng SEKSING KOMEDYANA. ‘Di ba?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

6 thoughts on “Sipat-eklat #162: Sexy comedienne, sumegwey ng ‘private booking’ sa out of town show!

  1. actually its not really meant for kim chiu in the first place ksi it was first offered to angel locsin and next na lang sila kim chiu,bea,marian,carla and heart,,so ayun.

  2. may kapalit naman pala agad ang pagkawala ni Heart sa patient x kung saan ang pumalit sa kanya ang second choice din na si cristine reyes!

    pero syang si kim chiu para daw sa kanya sana ang role sa MP6!

    last na ba yan ni ara? baka after a few months may iba na naman rich guy itong si ara! ang dami yatang artista na pokpokin mahilig sa rich chinese businessmen!

    haller! day 1 pa lang may drama na sa darna! kompletos rekados nga ang darna action, drama, love story at comedy no!

  3. HIndi pa puedeng mag relax si Jinkee Pacquiao. Kasi nariyan sa tabi tabi si Krista Ranillo.Pagkatapos ke Michael de Mesa, zt Direk Zapata…si Manny Pacquio naman ang hinahabol niya.

    Jackpot si Ara ke Yap. Pagbutihin mo, kung bahay galing ke Pacquio…ano naman kaya makukuha ni Ara ke Yap. Galingan mo bago ka pa iwanan ni Yap, dapat nakapundar ka na din.

Leave a Reply

Your email address will not be published.