Sexy comedienne, nagpa-star sa isang piyestahan!

HALOS MALOKA-LOKA KAMI sa kuwento ng isang kaibigan tungkol sa insidenteng pagpapa-istar ng lipas nang sexy comedienne na noong isang lingo lang nangyari.

Ang siste, piyesta ito sa isang malayong lugar ng Cavite. May ginanap na all-star show para sa ating mga kababayan sa nasabing bayan. Ayon pa sa aming kaibigan, mga alas-otso ng gabi ay halos kumpleto na ang catsing ng kanilang mga invited guests sa piyesta. Marami na ring tao sa plaza na naghinhintay sa mga artistang mula sa Maynila upang kanilang mapanood at makadaupang palad. Alas-diyes ng gabi, nagsisimula na ang show, isa-isa nang tinawag sa entablado ang mga guest performers at todo-hataw naman ito sa kanilang mga inihandang production numbers.

Tinawagan nang isa sa mga namumuno ng production ang sexy comedienne kung nasaan na ito pero hindi raw ito sumasagot at parang tulog pa. Tinawagan lahat ng organizer ang mga kasama sa bahay at PA ng komedyante upang gisingin ito dahil halos apat na oras ang lalakbayin papunta sa nasabing lugar mula sa Maynila.

Mga pasado alas-dose na ng hatinggabi ng tumawag ang komedyante sa organizer at nagsabing on the way na raw siya. Mga aalas-dos ng madaling-araw natapos na ang lahat ng mga performances pero ni anino ni sexy comedienne ay wala pa sa venue. Umalis na lamang ang organizer pati ang lahat ng mga artistang nag-perform, hindi pa nakarating si komedyana.

Sabi nang hitad na kausap namin, “Huwag n’yo nang kunin ‘yang si komedyanang ‘yan sa mga event kung ayaw n’yong sumakit ang ulo niyo. Fully-paid pa naman siya the day before.”

Dumating naman daw si komedyana mga alas-tres ng madaling-araw pero hindi na inalam pa ng aming kausap kung ano ang nangyari sa kanyang performance dahil inihabilin na lamang daw nila ito sa mga local organizers.

Clue, away-bati sa kanyang boyfriend ito noon at sila ang may hawak ng korona sa pagkakaroon ng isang malaswang cellphone video.

(By Arniel Serato)

loading...

12 thoughts on “Sexy comedienne, nagpa-star sa isang piyestahan!

  1. hoy mang inasar khit cno kyng sagutin yang BI n 2 …..wlng papatol s pustahan mo plibhasa sugarol k kc…magbago k nga ng umasenso k………

  2. Pingback: Sexy comedienne, nagpa-star sa isang piyestahan! | Pinoy News

  3. Pingback: Sexy comedienne, nagpa-star sa isang piyestahan! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.