Blind Item: Sexy actress, tumatable sa Guam

BLIND ITEM:  NASA GUAM ngayon ang isang sexy actress. Siguro, for a month ang stay niya du’n.  Sa isang girlie club siya nagwo-work doon.  Entertainer siya.  Kaso, ang talent fee niya, alam n’yo ba kung magkano?

$100 a night.  Maliit ‘yon kung tutuusin dahil i-convert mo sa peso ‘yon, P4,700 or P4,800 lang ‘yon.  Artista kasi ang category niya, eh.  Pero paano ba ‘yon nadadagdagan?

Simple lang, tumeteybol siya. Nangongomisyon siya sa mga ladies’ drink na ino-order niya at kung mabibigyan pa siya ng tip, mas okay.  Suwerte nang umabot sa $100 ang kabuuang tip na nakukuha niya, pero kung minsan, bokya pa rin.

So, kulang pa, ‘di ba?  Ang balita namin nu’ng nagtungo kami doon kelan lang, eh, “pa-take home” na doon ang lola mo.  Nalungkot kami, wa ek.  ‘Kala kasi namin, nakaahon na siya sa dati niyang pinanggalingan.

Pero para hindi kami malungkot at mainis, iniisip na lang namin, kaya siya kayod nang kayod kasi malaki ang pamilyang umaasa sa kanya.  Kung hindi na siya makakaalis sa ganoong senaryo ng hanapbuhay, eh, mag-ingat na lang siya.

‘Wag na lang siyang “magpapagamit” kung wala rin lang namang “Richard Gomez.”

“Goma” po ‘yon.

by Ogie Diaz

loading...

4 thoughts on “Blind Item: Sexy actress, tumatable sa Guam

  1. si ynez at isabel granada parehong nasa guam. syempre kapit sa patalim lalo na kung naghihirap ang family.as long as they’re practising safe sex.

  2. si ynez veneracion yan, naite-take home nga sabi ng mga pinoy doon, nakunan pa nga ng celfone picture habang nagbibihis…wawa naman

    • Oo nga walang clue. Si Ynez nakaipon na yan at mansion ang bahay at may swimming pool din. Natulungan yan ng ex bf nya na mayamang negosyante na si Mon Confiado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.