Sexy actress, tinarget nina Willie Revillame at Manny Pacquiao

WHAT DO Manny Pacquiao and Willie Revillame have in common bukod sa tsikang pareho silang playboy?

Ang sagot, pareho pala nilang niligawan si sexy star A pero ang lamang ni Papi eh, naka-mutual understanding niya ang girlet pero si Pacman, basted daw.

Heto ang comparative analysis ni sexy star A sa dalawang sikat at mayamang nanligaw sa kanya:

“Ibang klase si Papi dahil talagang uulanin ka niya sa mga regalo. Sa alahas, sa signature bags at marami pa. Ang problema lang sa kanya eh, masyado siyang aggressive. Marami ring ipinagbabawal.

“Imagine, sa showbiz ako nagwo-work kaya siguradong maraming pogi, pero para kay Papi eh, bawal akong tumabi sa mga pogi sa showbiz. Bawal din daw akong mag-guest sa mga TV shows na may kasama akong pogi.

“Siyempre, nakakatakot ‘yung ganu’n, kaya ang sabi ko sa kanya, isosoli ko na lang ‘yung mga ibinigay niya dahil masyado siyang possessive as if parang siya ang may owner sa akin. Excuse me,” kuwento ni sexy star A.

E, si Pacman?

“Galante rin si Pacman pero ang pagkakaiba nila eh,mahiyain siya. Nu’ng nagbigay siya ng mga regalo sa akin, lagi niyang pinapadaan sa alalay niya pero sad to say, hindi ko talaga siya type, kaya sorry siya,” say pa ni sexy star A na sinundan niya ng nakakalokang tawa.

At ang iba pang twists ng story na ito? May boyfriend si sexy star A nang pinormahan siya nina Papi and Pacman at mabuti na lang, hindi siya sinaniban ng masamang espiritu nang nanligaw ang dalawa. At kay Papi naman, buti na lang hanggang MU lang sila.

Teka. Kung tutuusin eh, pare-pareho naman silang tatlo na may ibang karelasyon nu’ng nagligawan sila, e… getz???

GRABE ANG SIKAT at mayamang TV host na ito.

Aba, kung alam lang ng Gabriela Partylist kung paano niya paglaruan ang mga girls eh, siguradong araw-araw, may nagra-rally sa labas ng kanyang everyday show.

Paano ba naman, nag-organize daw ng party ang TV host na ito sa kanyang rest house somewhere in the south kasama ang mga dancers and co-hosts. Op kors naman, present din nu’ng gabing ‘yon ang mga male dabarkads niya dahil meron pala siyang nasty plan.

Nu’ng medyo tipsy na ang mga tao eh, pinalinya ng TV host ang labinlimang dancers kasama ang ilan niyang mga female co-hosts at ang kanyang pinagawa? Pinaghubad lang naman niya ang mga girlets ng all the way at ‘saka niya ito binigyan ng tigpa-five thousand pesoses.

Ibang klase ang trip ng TV host na ito, ‘no!

Clue? Basahin n’yo ulit ang first item natin… getz?

VERY AGGRESSIVE ANG Kapatid TV5 na mag-establish ng kanilang own set of teen talents and with their new teen program every Sunday na BFGF, mukhang magtatagumpay sila dahil fusion of Star Magic and GMA Artist Center talents ang kanilang pinagsama.

Siyempre, with Alex Gonzaga and Kean Cipriano eh, hoping ang mga taga-BFGF na magtatagumpay sila sa kanilang plan.

Isa sa mga cast ng BFGF ang Star Magic talent na si Dianne Medina. Regular din siyang lumalabas sa Loco Moko University at inamin niyang medyo nakakatakot ang mother ni Krista Solivan na dating regular at “siga” sa naturang gag show.

Ngayon, nasa Party Pilipinas na raw si Krista at du’n naman daw nambu-bully ang kanyang mother. True  ba ito Dianna?

For reaction, please e-mail [email protected]

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

Previous articleJennylyn Mercado at Dennis Trillo, bagong Denial Queen at King!
Next articleAngel Locsin, itinangging hinamon ng suntukan ang dating manager!

No posts to display