Sexy actress, mukhang dinaanan ng bagyong Ondoy ang bahay! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! SINO ba naman ang mag-aakala sa isang sexy actress na kung gaano siya ka-flawless, kabaligtaran naman ito sa totoong buhay, huh?!

Yes mga kafatid, napakaburara ng sexy actress na ito. Noon kasi, dinadaan-daanan lang namin ang bahay nito, ngunit ang nakakaloka, hindi akalain ni sexy actress na kahapon ay makapupunta ako sa bahay niya sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Pinuntahan ko kasi ang aking friend na doon din nakatira sa nasabing subdivision.

Habang nasa sasakyan pa lang ako, malayo pa ay nakita ko na si sexy actress na nakadamit pambahay lang. Nang sinabihan ko ang aking parazzi girl na puntahan si sexy actress, para ma-interview ko siya, aba! Sinabi agad ng P.A. ni sexy actress na tulog siya at hindi puwede. Madaling-araw na raw itong umuwi at may lakad pa bandang alas-3 ng hapon. Hindi nga raw puwedeng maistorbo.

Nakakaloka, ha?! Samantalang nakita namin si sexy actress habang nasa malayo pa kami. Ganu’nman, pinapasok naman ang aking parazzi girl sa loob ng bahay ni sexy actress. Hesusmaryosep! Chika ng aking parazzi girl, hindi naman daw binaha sa bagyong Ondoy ang bahay ni sexy actress, pero mukhang tatlong bagyo ang dumaan. Napakadumi nga raw sa loob, at wala na itong mga gamit. Mukhang basurahan na ang loob ng bahay niya. Nakakaloka, ha?!

Pilit na kinuhanan ng aking parazzi girl ng picture ang bahay ni sexy actress, ngunit sinita ito ng P.A. niya, at hindi raw puwede. Ayun, hindi na nga nakuhanan ng aking parazzi girl.

Naku, ha? Dati, halos umaapaw ang datung ni sexy actress at ang mga sasakyan nito’t bahay. Ngunit nasaan na ito ngayon? Tila sa isang iglap lang, nawala nang lahat.

Hindi na kasi nagbago ang ugali ni sexy actress. Akala nila, nasa ulap siya kahit nasa impiyerno na! Ha-ha-ha! Naku, ha?! Hindi na kailangan ng clue dahil knows n’yo na siya. ‘Yun na!

MARAMING ARTISTA ANG gustong pumasok sa pulitika, kaya kahit malayo pa ay ayun, todo-pasikat na sila. Ha-ha-ha! Kahit ‘yung iba, hindi naman sikat. Ha-ha-ha! Hindi ko na sila iisa-isahin dahil knows n’yo na sila. Ha-ha-ha!

Ang nakakaloka lang, inihayag ng TV host-actor na si Edu Manzano na tatakbo ito sa pulitika, kaya ayun, ang lolo n’yo, tigil na kanyang ilang shows sa Kapamilya network. Pati rin daw ang dyowa nitong broadcaster na si Pinky Webb, todas na rin daw sa Dos, huh! ‘Yan ang nakarating sa akin.

Hindi raw kasi patas ang laban ng mga ito habang ang kanilang mga dyowa ay makikita o mapapanood sa telebisyon, o kahit sa mga radyo o sa kanilang kolum sa dyaryo. Hmmm…

Kaya umalma raw ang broadcaster ding si Korina Sanchez sa chikkang  ito. Napabalita nga kasing tsutsugihin din ang beteranang broadcaster, dahil sa hindi nga raw patas ang labang ng mga kandidato habang ang mga asawa o dyowa nila ay nasa ganoong trabaho. Chikka ng aking kausap.

Puwede naman daw bumalik ang mga ito sa trabaho after election, dahil ngayong kasagsagan ng kampanya, marami ang ipinagbabawal ng Comelec.

Ilan ngang mga artistang balak pumasok sa pulitika ay halos apektado rin. Dahil oras na makapag-file ang mga ito na sila ay tatakbo, marami na ang ipinagbabawal at dapat sumundo ang mga ito, or else, tsugi. Ha-ha-ha? Naku, ha? ‘Yun  na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

11 thoughts on “Sexy actress, mukhang dinaanan ng bagyong Ondoy ang bahay! – Tita Swarding

  1. Ang pinag uusapan po ay ang nasa news department at wala dun si kris. Sa entertainment sya.. At lately di na din nagbabanggit si kris about noynny. Un un!

    • May interview si Rosanna Roces sa SNN dahil sa pagkapanalo niya nang best actress. Ipinakita ang kanyang bahay. Pink ang kulay at malinis ang loob. Naibenta na raw niya ito at lilipat na sa ibang lugar na may lupang 2000 sq meters. For those of you here in the US, the land is a little over 20,000 square ft. So, I don’t think she is the person mentioned in Swarding’s blind item.

  2. gagong bakla e2, hndi pa pangalanan ung blind item nya eh wala namang maikakaso sa kanya kng sakali mang sabihin ihayag nya ung name ng actress.
    wala ka talagang b___g!
    si kris hndi kandidato kya hndi sya mwawalan ng raket. walang batas na ngbabawal tungkol dun, kaya kahit mgdadada si kris tungkol sa kapatid nya eh wala tayong magagawa dhil hndi ka naman mkkpagsampa ng reklamo sa comelec.
    oportunista si edu, gusto ko sya host ng isang game show but not as a vp.

  3. Tama ang ginagawa ng abs cbn. They are just being just and fair… Bawal din tumanggap ng endorsements ang nasa news department ng abs,unlike s gmeew mga news anchor my commercials,db bias ung ganun? My ineendorso ka means my kinikilingan,my pinoprotektahan?? Pansin ko lang.

  4. Blind item:
    columnist daig pa ang dinaanan ng sampung bagyo ang pagmumukha sa sobrang pangit. Di na kailangan ng clue knows nyo. Ask swarding bading,db?

  5. IF EDOU WILL WIN..HE WILL BE THE GORGEOUS VICE PRES OF THE PHILS EVUUURRR…..YUM YUM.. WHY HE SEEMS MORE GUD LOKING WHILE HE GETZ OLDER?? AT ANG BAKAT NYA DOWN THERE PANSIN KO DITO SA PIC. GIFTED MAN…OHHH

Leave a Reply

Your email address will not be published.