Sexy actress, ibinili ng bagong bahay ng sikat na personalidad?! – Cristy Fermin

NU’NG ISANG HAPON, merong pinagpistahang blind item ang dalawang komentarista sa radyo. Parang gusto na nilang magbigay ng malalapit na clue para hindi masyadong mahirapan sa panghuhula ang kanilang mga tagapakinig. Pero mas pinili nilang huwag na lang, dahil baka raw pati sila ay kasuhan din ng pamilya ng babae sa kuwento.

Ang takbo ng blind item ay ang pagbibigay na ng partisipasyon ng sikat na personalidad na lalaki sa pagdedesisyon sa napapabalitang espesyal na babae sa kanyang buhay ngayon.

“Aba, mukhang totohanan na ito! Pati raw ang klase at kulay ng ikakabit na kurtina nu’ng lalaki sa bagong bili niyang bahay, ‘yung babae na ang nagdedesisyon.

“’Yung girl na raw ang kumakausap du’n sa gagawa ng kurtina, siya na ang pinamimili ng kulay nu’ng lalaki, siya na rin ang pinamahala sa magiging design.

“Aba, hindi na biruan ito! Kung totoong ganu’n na nga ang nangyayari, mukhang totohanan na ang relasyon nila. Mukhang namimiligro na talagang hiwalayan nu’ng guy ang wife niya!” Makahulugang kuwento pa ng komentaristang lalaki.

May nabanggit naman ang babaeng komentarista na malakas daw ang ikot ng balita na nagdadalantao na ngayon ang girl. Ang sikat na lalaking personalidad siyempre ang itinuturong ama ng sanggol sa sinapupunan ng babae. Kung totoo ‘yun ay hindi malayong magkaroon ng giyera mundial sa pagitan ng babae at ng misis ng sikat na personalidad.

Pero may paunawa ang dalawang komentarista, “Blind item lang po ito, wala kaming pinangalanan, kayo na ang bahalang manghula kung sinu-sino ang mga bida sa kuwento naming ito.”

HANGGANG NGAYO’Y MASAMANG-MASAMA pa rin ang loob ng premyadong aktres na si Gina Alajar sa isang programang walang kapasi-pasintabing nakialam sa mga nilalaman ng kanyang Facebook. Ayon sa aktres, hindi raw niya dinisenyo ‘yun para pagpistahan ng publiko. Personal account niya ‘yun, pero isinapubliko ng isang talk show.

Nu’ng sitahin niya ang production staff, kung anu-anong katwiran daw ang sinabi ng executive producer ng show. Nangako rin daw ito na mag-iisyu ng public apology sa kanilang ginawa, pero hanggang ngayo’y wala pa rin naman.

Punumpuno ng sarkasmo ang pagkakasabi ng aktres-direktor na pinadalhan daw siya ng basket of fruits ng EP, “Alam mo ‘yun? Basket of fruits? ‘Yun lang ba ang katapat ng ginawa nila sa akin?” Mahinahon pero mapang-insulto ang hitsura ng aktres habang sinasabi ‘yun.

Para kay Gina Alajar, hindi na kuwestiyon ngayon kung bakit siya nagpakawala ng mga shoutout tungkol kay Krista Ranillo. Idiniin niya na walang kahit sinong makapipigil sa kanya na ilabas ang kanyang saloobin sa Facebook. Ang kuwestiyon ay kung bakit pinakialaman ng isang talk show ang nilalaman nu’n para gawing malaking isyu sa kanilang programa.

Kung babasahin natin ang kanyang mga pahayag na hindi niya isinaboses ay parang sinasabi ng aktres na sa kagustuhang makapagbuo ng kuwento ng nasabing talk show, wala nang pakialam ang mga ito kung nakasasagasa sila at nanggagamit ng ibang tao.

Komento ng isang tagamasid, “At ipinagsisigawan nila ‘yun sa teaser nila, ha? Madiin na madiin, pero kopya lang naman pala ang balita nila. Palagi naman silang ganu’n, parang palaging may scoop sila. Pero kapag pinanood mo naman, regalo lang pala ‘yun na maganda ang wrapper pero wala namang laman!”

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

15 thoughts on “Sexy actress, ibinili ng bagong bahay ng sikat na personalidad?! – Cristy Fermin

  1. At least si Cristy Fermin, matagal na sa industriya, movie magazine pa lang, ngayon puro mga kaartehan na lang ang mga the buzz at yung showbiz central na yan.

    Si Cristy Fermin eh isa yan sa mga spice ng showbiz.
    Alin, yung mga host ngayon ng showbiz talkshow na puro pagpaparada lang ng mga damit ang ginagawa?

  2. Tiago, who’s talking, you can’t even make comments in english, you were telling me that you’re based in US, where in L.A as in L.A Union? I can’t blame jamesyap, why he’s picking on you, because of so many reasons, you’re rude, mean, disgusting and loves ass so much. You should get hold of your psychiatrist and make an appointment as soon as possible due to obvious reasons that you are sexually pre occupied and pervert. Being in US doesn’t give you the assurance that you’re good in english. I know a lot of filipinos in the US, they’ve been living there for ages, but they still speak bad and you’re of them definitely. Now, who’s illiterate between the two of us?

  3. shrek=ampalaya, ang bitter mo talaga. natsugi ka lang sa d buzz eh kung ano2 na ang isinusulat mo against them. Tanga rin yang c Gina, Facebook is public, kung nga post ka ng shout mo wag kang magngangangawa na may nag quote sa shout mo! Yan kasi, basahin mo muna ang disclaimer ng FB bago gagawa ng acct. she very well knew the consequences after she posted her shout, nababahag na ba buntot mo ngayon Gina?

  4. lolit fermin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! mangmang!!!!!!!!!!!!!!! siguro sa english subject mo bagsak ka!!!!!!!!!!!!!!!!!! tanga!!!!!!!!!!!!!!

  5. lolit fermin,at eto pa mali sa grammar mo. hindi lang nya accept offer. ulol mag aral kang mabuti ha!!!!!!!!mali mali ang english mo!!!!!!!!!! tanga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! bwa hahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!tanga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  6. hey lolit fermin. tapos ka ba ng elementary? basahin mo ang sinulat mo kung hindi ka ba naman tatanga tanga sa grammar mo!!! and for your information nandito ako sa tate nakabase. mag aral ka uli lolit fermin. fuck you!!!!!!!!!!
    she still has a life hindi she still has life. tanga tanga tanga.

  7. Tiago, ikaw talaga dahil sa galit ka kay Cristy, ok Lang sa iyo ginagawa Krista, talagang napaghahalata ka Tiago puwet. Kahit hindi bumalik sa buzz, she still has life, Hindi pa Lang niya accept offer Wilma Galvante ng 7 kasi masaya pa siya buhay niya. Ikaw yata inggit

  8. o na mi miss mo ang the buzz di ba? hindi ka lang kasi makabalik na doon dahil sinuka ka na nila. at ke krista e inggit ka lang. kasi yong mukha mo walang papatol. o yong mga rah rah boy and girl mo magcomment na!!! mga sipsip

  9. kapal tlga ng apog ni krista.. kaya hnd nga siguro mkauwi d2 hnd dahil sa DEAD T. sa kanila kundi dhil buntis sya…. kapal ng muka!!!! apog!!! hnd ako ingitera… naiinis lng sko sa kapl ng muka ng pamilya nya!!! ok lng magmahl eh pero ung landakn naman ng kakapaln ng muka aba namn….. bonga ito!!!! kapal ng muka mo krista at ng ranillo family my karma ang laht babawiin din sa inyo yan!!!!!!!!!!!!!!!!

  10. Parang laging huli si Fermin sa balita. Manny-krista, Kris Aquino, The Buzz. Iyan ang sagot sa blind items mo na matagal nang blind item nang iba. Huling huli ka na.

  11. fermin di mo ba namiss ang d’buzz simula nang pinatalsik ka? puno ka kasi ng kasinungalingan sa mga blind items mo demonya ka!

Leave a Reply

Your email address will not be published.