Sexy actors sell “services” online

MAS NAGING OPEN na ang mga sexy actors in selling their services.

Inumpisahan ni Cedric Javier na openly nag-advertise sa isang gay-themed website of masseurs, nagsunod-sunod ang mga indie actors also in the trade, the skin trade we mean. Although not as open was what the Provoq man did, may taga-lako na rin ng tatlo pang indie actors with their cell numbers and even price. Kasama na rito ang sinisikil na actor, isang cover boy at isang co-Provoq man ni Cedric. These three could deny of course unless kayo mismo’ng tatawag sa number na binigay ng mga nag-post and then you will know for sure.

Now, there’s a fifth boy na tulad ni Cedric, wala na ring takot magpa-advertise ng kaniyang service sa same website, si Kristofer King. The indie actor nominated for such roles as Babae Sa Breakwater and has a big role sa Cannes festival movie na Serbis has his picture and number posted in the same website where Cedric first posted his. We don’t know the price and the service, sorry. We never dare to call naman kahit for the sake of arts man lang.

If you’re interested though, visit www.spaquarium.blogspot.com.

BIGLA YATANG LUMUWAG ang GMA sa pagpapahiram ng artista sa TV5.

Just when we heard that ABS has now considered the shake channel to be competition, here come the stars from GMA doing TV5 shows na rin. Siyempre una na sa listahan sina Lucy Torres-Gomez and Joey de Leon na may Shall We Dance and Wow Mali respectively even before nag-reformat ang dating ABC 5. Now here comes Vic Sotto na confirmed nang maghu-host sa Who Wants To Be A Millionaire na magsisimula this May.

But this next to possibly do a show sa TV5 kakaiba. Tomorrow at 6pm sa Lipgloss, malalaman na kung sino ang mga mamamatay sa cast and most importantly, kung sino ang nagpasabog ng bomba. This means one obvious thing, magkakatanggalan na ulit in preparation for the fourth season. Ang isa sa kinakausap para maging part of the fourth season, a young Kapuso actress at mukhang may possibility raw na tanggapin ito. The girl, a very promising young actress is not from GMA Artist Center, so baka mapayagan.

Kaso, bini-build up na rin siya ng GMA.

SPEAKING OF LUCY Torres-Gomez, nai-starstruck pa rin pala ang asawa ni Richard Gomez.

Kasi-celebrate lang ng second year ng The Sweet Life nina Lucy, Wilma Doesnt and Grace Lee last March. Shown every weeknights at 5pm sa Q Channel 11, going strong on its way to third year pa rin ang multi-awarded celebrity lifestyle show and in the coming weeks ahead nga, a new segment will be added na naman, the Gift Room, kung saan ipakikita si Lucy doing the gift-wrapping herself of the gifts the show will present to its guests for the said episode.

Now, talking with Lucy who is the epitome of grace and composure, we’d thought hindi na rin siya natitinag with all the big celebrities that appeared in The Sweet Life. Hindi rin pala. Nagkuwento si Lucy sa amin na nang mag-guest si Pilita Corrales sa show nila, mula noon, naging fan na siya nito at basta may show si Ms. Pilita, pinapanood niya talaga. Basta may magsabi kay Lucy na may show si Pilita, watch kung watch ang misis ni Goma.

Same goes to Richard Merck din daw na galing na galing si Lucy sa pagkanta kaya isa na rin siyang fan.

Merese
by Dinno Erece

Related Post

loading...

One thought on “Sexy actors sell “services” online

Leave a Reply

Your email address will not be published.