Sexy actor, pinagpiyestahan ng mga bading ang pagrampa nang hubo’t hubad sa isang spa!

PURO PAGMUMURA ANG namutawi sa labi ng isa naming friend sa labis na panghihinayang, dahil hindi niya nasaksihan ang libreng palabas sa isang spa. Kumbakit kung kelan siya nag-absent, saka naman siya labis na nanghinayang.

“Grabe, ikinuwento ng kaibigan kong bakla, ‘Day. Nagpapamasahe na siya nang tumunog ang kanyang celfone. Me nag-text sa kanya. ‘Yung kaibigan na nasa locker room pa. Pinababangon siya sa spa bed para pumunta sa locker room, dahil nandu’n si ______ (sexy actor) at hubo’t hubad!

“Nakakalokah! ‘Yung kaibigan ko, dali-daling nag-time first du’n sa masahista at nagpunta ng locker room. Ang nakakalokah, ang dami nang baklang pa-mhin sa locker room. Kanya-kanyang drama para masilayan lang ang hubong katawan ng lolo mo.

“Naghubad sa locker room, diretso sa shower room, ang mga mata ng mga bakla, umi-slight ng sight sa nota. Inferlu (in fairness pala ibig sabihin nito), ‘Day, patay pa ang notes, pero may angking haba na raw, kalokah.

“‘Yung friend kong bakla naman na bumangon sa kalagitnaan ng pagmamasahe sa kanya, nag-shower uli para matabihan lang ang hombre. Hahahaha! Hindi ko kinaya ‘yon. Buti na lang, nag-hot shower ang bakla, kung hindi, pulmonya ang abot niya.

“Eh, kasi naman ‘yung hombre, walang pakialam sa mga nakakakita ng notes niya. Feeling siguro niya eh, mga tunay na barako ‘yung mga nakapaligid at mga nakahubad din. Hahahaha!

“Ang nakakalokah pa nito, paglublob sa jacuzzi ng hombre, habang ninanamnam nito ang hot water, dahil nga nakapikit pa siya na kunwari natutulog, ang mga bakla naman sa paligid ng jacuzzi, aligaga. Panay ang daan sa harap na wala namang business. Makasilip lang, hahaha!

“Tapos, maya-maya, umahon na sa jacuzzi ang hombre. Papasok na siya sa sauna room. Hahahaha! Pagkita ng hombre na parang wala na siyang mapuwestuhan, hindi na itinuloy ang sauna. Ang mga potahng bakla, in-anticipate na magso-sauna ang hombre, pero hindi na-anticipate na nag-unahan na silang makapuwesto sa loob ng sauna, hahahaha!

“Hindi ko talaga kinakaya ang senaryo nu’ng ikinukuwento sa akin. Naiinggit ako, Mama, pero naaaliw na rin sa kaelyahan ng kaibigan kong nakasaksi!”

Hay, nako, we will give you 2 days at hindi 7 days para hulaan ito. ‘Pag nahulaan n’yo ito, bibigyan ko kayo ng perfect score na 100.

Ang una at huling letra sa pangalan at apelyido ng sexy actor na ito ay meron kayong malalaman. ‘Yun na.

(By Ogie Diaz)

 

 

by

Related Post

loading...

7 thoughts on “Sexy actor, pinagpiyestahan ng mga bading ang pagrampa nang hubo’t hubad sa isang spa!

  1. mukhang si rafael nga…100 days to heaven….sana nandon din ako para ma sight din notes nya…matagal ko na ring pinapantasyahan si rafael

Leave a Reply

Your email address will not be published.