Sexy actor, magaling mambola makaiskor lang sa sexy producer!

OLA CHIKKA! MAGANDANG magandang Lunes Pilipinas! Luzon, Visayas at Mindanao! Pero mukhang hindi kasing ganda ko ang pasok ng linggo sa aking twin sister na si Aiko Melendez, dahil sa pag-fly ng kanyang SUV nu’ng mga nakaraang araw. Ang chikka ng twin sister ko ay may bahid daw ng pulitika itong pagkawala ng kanyang sasakyan matapos ang kanyang talumpati sa pagbabago tungkol sa carnapping issues at sinusubukan ang kanyang kakayahan! Bonggacious!

Dahil ba sa natatakot ang mga kalaban sa kanila ni Mike Defensor ay kailangan magpalipad pa sila ng sasakyan?! Ano ‘yan eroplano?!

Taray! Sige nga twin sister, mag-park ka ulit ng kotse sa labas ng bahay mo at tingnan natin kung may lalabas na pakpak. Ha-ha!

AT SPEAKING OF pagpapalipad ay hindi naman ako natuwa sa paglipad nitong Kris Aquino sa Makati Medical Center matapos madulas habang naliligo! Aksidente na kung aksidente pero para sa ‘kin, ha, katangahan na ng isang tao ang pagkakadulas kahit na sabihing sobrang pagod.

Kunsabagay, ibang level na ang kapaguran nitong ni Kris kaya napalipad siya ospital. Oh, say n’yo?! Sige Kris mag-tweet ka na lang habang nagpapagaling. Get well soon!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong ubod ng yabang na sexy actor na grabe ang ugali kapag sinaniban ng kapangyarihan ng alak?

Ayon kasi sa aking parazzi girl, kamakailan lamang ay nakita niya itong si sexy actor sa isang event na lasing na lasing at kung umasta ay daig pa ang hangin ng bagyo sa lakas?! Naku ha!

Ganito ‘di ba? Sa labas ng isang bar, nagtsi-chikahan ang mga kapwa nating reporter ng walang pasintabing dumaan itong si sexy actor sa gitna na akala mo ay bagyong ‘Santi’ sa lakas ng hangin at nahawi ang mga press.

At hindi pa ‘yun ang chika, eh, ‘di agad sumunod itong si sexy producer na kanyang ka-chorva, you know! Ito namang si sexy actor ay agad sumigaw na wala raw siyang pakialam sa mga tao at nagsisisigaw pa na wala raw gagalaw kay sexy producer dahil mahal daw niya ito, mahal na mahal.

Excuse me po! Mahal?! Mahal mo mukha mo! Dahil sa sobrang sexy, yaman at bait nitong si sexy producer, panalo ka talaga! Bato na lang ang hindi maaakit sa kanya, at siyempre mas gugustuhin ko pang maging bato kesa maakit sa kapwa ko babae. Yuck!

Gusto mo lang maka-score, eh, may pa-love love ka pang nalalaman!

Sino itong bastos na sexy actor na hanep sa pambobola, makapuntos lang? Pumunta kayo sa isang lugar sa Espanya para malaman nyo at itanong n’yo rito sa sexy producer na may pasan-pasang krus. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Sexy actor, magaling mambola makaiskor lang sa sexy producer!

  1. alam mo BAKLANG PANGIT ikaw sana madulas at sasabihan ka rin ng madalang people Na TANGA ambisyosa kang bakla ka anu tingin mo kay kris tanga humarap ka muna sa salamin eh mukhang khit elementary d mo natapos sa pagkaka construct ng article mo…

    NAKAKABUWISIT KA

Leave a Reply

Your email address will not be published.