Sexual Position, Pinag-awayan: Pati Anak, Damay

UMIIYAK NA dumaing sa mga awtoridad at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang misis sa Negros Occidental matapos hindi na nito makuha ang tatlong taong-gulang na anak mula sa kustodiya ng biyenan.

Base sa reklamo ng isang 25-anyos na misis mula sa Silay City, nag-away sila ng kanyang mister na si Kenneth Cepida, 32, kung saan itinakas umano ng asawa ang kanilang anak at dinala sa bahay ng kanyang mga magulang.

Ikinuwento naman nito na madalas silang nag-aaway ng kaniyang mister na isang tricycle driver at sinasaktan pa siya nito.

Ayon pa sa misis, ang dahilan ng kanilang ma-dalas na pag-aaway ay ang paggigiit sa kanya ng mister para magkaroon sila ng iba’t ibang posisyon at paraan ng pakikipagtalik tuwing nagniniig.

Samantala, inamin naman ng ginang na kaniya umano itong inaayawan dahil nasasaktan siya at hindi siya kumportable sa nais ipagawa sa kanya ng kanyang asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.