Sexcal, sa korte magba-valentine

INAASAHANG SA korte magba-Valentine ang isang ‘sexcal’ o ang piskal na sangkot sa isang sex video sa nakatakdang pagdinig ngayong araw sa Quezon City Regional Trial Court Branch 94 sa kasong inihain ng kanyang misis laban sa piskal na humihingi ng Permanent Protection Order. Ang tinaguriang ‘sexcal’ ay si Quezon City Asst. City Prosecutor Philip dela Rosa.

Maliban sa Permanent Protection Order, naka-pending din sa Department of Justice ang iba pang kaso na isinampa ng misis ni Dela Rosa na si Aimee dela Rosa na kinabibila-ngan ng Gross and Immoral Conduct (kasong administratibo), Grave Threats, Grave Coercion at Slander, at Violence Against Women and Children (kasong kriminal) sangkot ang sinasabing kalaguyo ng piskal na si kinilalang si Atty. Jihan Jacob. Naka-pending din ang Disbarment case laban sa piskal at sa abogada sa Integrated Bar of the Philippines.

Nag-ugat ang mga kasong isinampa ni Gng. Dela Rosa laban sa kanyang mister nang madiskubre ang isang sex video na ginawa mismo ng piskal, kung saan makikitang nakikipagtalik ito kay Atty. Jacob. Pinagpiyestahan sa internet ang nasabing sex video, at kumalat ang balita sa mga pahayagan at telebisyon simula noong Disyembre 10, 2012.

Kaugnay ng Permanent Protection Order, hiling ng kampo ni Gng. Dela Rosa na huwag makalapit ang piskal sa kanya at sa kanyang mga anak. Humihingi rin ng suportang pinansyal si Gng. Dela Rosa mula sa mister na umano’y kahit noong nagsasama pa sila ay hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mag-iina.

Hinihiling din sa korte ng kampo ni Gng. Dela Rosa ng hold departure order laban kay Fiscal Dela Rosa, kung saan ayon sa misis na noong nagsasama pa sila, sinasabi ng mister nito na gusto nitong pumunta sa Canada. Napag-alaman na kasalukuyang nasa Canada ang sinasabing kalaguyo ng mister na si Atty. Jacob noon pang Setyembre 1, 2012 at nag-aaral ng Violence Against Women and Children Law.

Sa kabila nito, nalulungkot umano si Gng. Dela Rosa sa mga pangyayari, kung saan apektado na ang kanilang mga anak. Ayon kay Gng. Dela Rosa,” sa lahat ng ginawa ni Philip sa akin at sa mga anak ko, sana man lang naiisip niya at ng babae niya ang pamilya na kanilang sinaktan…. Paulit-ulit na ang panloloko, panggagamit at pananamtala niya sa akin dahil alam niyang sobra ko siyang minahal noon.”

“Sana sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon, maisip niyang magpa-kumbaba dahil sobrang taas ang pride niya,” dagdag pa ni Gng. Dela Rosa.

Samantala, kinukuwestiyon naman ng grupo ng kababaihan ang ‘moral fitness’ ni Fiscal Dela Rosa “to hear complaints and evaluate it. What if the complaint is about sexual infidelity? What will be his position?”

Ayon sa mga mga religious at civic group, kuwestiyunable rin umano ang patuloy na pagtatrabaho ni Fiscal Dela Rosa sa kanila ng mga kasong nakasampa laban dito. Tila umano, hinahayaan lang ng City Prosecutor ng Lungsod Quezon ang bagay na ito. Ganito raw ba ang kalakaran sa mga piskalya sa buong bansa? Ano pa raw bang ebidensiya ang kinakailangan gayung kitang-kita sa sex video ang kawalan ng imoral sa pagitan ng piskal na may-asawa at ng nakikiapid na dalagang abogada? Paano nga naman magtitiwala pa sa sistema ng hustisya ang mga ordinaryong tao kung ang mismong dapat na magpatupad at magtanggol nito ang siyang makikitang lumalabag at hindi napapatawan ng kaukulang parusa?

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.