Sexbomb Yui Gutierrez, nasunog ang mukha!

NAAKSIDENTE KAHAPON SA rehearsal ng isang variety show ang Sexbomb dancer na si Yui Gutierrez. Sa nakuha naming impormasyon, nainom diumano ni Yui ang unleaded gas na supposedly ay kerosene gas para sa pagbubuga ng apoy sa kanilang performance. Nagulat na lang daw ito dahil iba ang lasa, pagkatapos ay umapoy ang bibig nito, nasunog ang mukha at buhok.

Mabilis na isinugod sa ospital si Yui ng  mga staff ng show at ng manager niyang si Joy Cancio. Sa inilabas na resulta ng doktor, second degree burn ang tinamo ng seksing dancer.

Nang hingan namin ng panayam si Ms. Cancio, sinabi nitong aksidente raw ang nangyari, at wala raw silang sinisisi sa insidente.

Charice, pinagbabawalan ni Oprah na magka-boyfriend

Dumating kahapon ng umaga si Charice Pempengco sa bansa para ituloy ang naudlot na proyekto sa Kapuso network. Matatandaang dapat ay magkakaroon ito ng Christmas special, ngunit hindi natuloy dahil hindi siya nakauwi ng Pilipinas dahil sa pagkakasakit.

Habang hinihintay namin ang paglapag ng eroplanong sinasakyan ni Charice, busy sa pag-aasikaso sa mga members of the press ang kanyang manager dito sa Pilipinas na si Ms. Grace. Paglabas ng arrival, pinagkaguluhan si Charice ng mga fans at masayang bumati sa mga naghihintay sa kanyang press people.

Naikuwento niyang masayang-masaya siya at very excited na gawin ang Valentine show. Naitanong namin kung sino at ano ang plano nito sa Valentine’s. Family lang daw n’ya dahil wala pa kasi siyang boyfriend, sabi ni Charice. Nabanggit din niya na pinayagan na siya ng kanyang ina na magka-boyfriend. Marami na rin daw umaaligid sa kanya, mapa-Filipino man o foreign celebrity, ngunit siya ang hindi pa ready. Na-mention din niya na ayaw siyang payagan ng kanyang ninang Oprah Winfrey, dahil gusto nito na manatili siyang baby girl.

Klinaro din ni Charice ang mga issue patungkol sa mga Filipino press na nagtampo, dahil inisnab niya noong nakaraang umuwi siya ng Pilipinas.

“May kasama po kasi akong manager ko, ‘yung foreigner. Mahigpit kasi talaga sila nu’ng dumating kami last time, sa short cut ng airport ako idinaan. ‘Yung management ko kasi sa States, sobrang mahigpit talaga, pinoprotektahan lang nila ako. I have no idea, everytime umuuwi ako rito, interview, ganu’n talaga ako. ‘Yung manager ko sa States, sinasabi ko na gusto kong naa-approach ako ng mga fans. Feeling niya delikado. Iba ang culture dito at sa States, ini-explain ko naman sa kanila.”

Tinanong din namin kung affected siya sa mga kumukuwestiyon sa kanyang look. “Kanya-kanyang opinion, as long as wala namang dapat ika-bother. ‘Di maiwasan sa ibang tao, ‘di nawawala ‘yung mga ganu’ng comment, sanay na ako.”

Patungkol naman sa negative comment din sa pagiging Pilipina n’ya, hindi raw siya nagpapakatotoo. “Bawat tao, may kanya-kanyang opinion, ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Nasa ibang bansa po ako, pinapakita ko na Pilipina ako.” Excited din daw siyang muling gawin ang Glee, hindi siya masyadong nag-elaborate tungkol dito sa dahilang confidential daw muna ang lahat, pero siguradong lalabas muli si Charice.

Jackie Rice, sumisid sa kinatatakutang malalim na tubig

Matapos mag-lead role sa Tisay at sa Ilumina, na-challenge ang Starstruck Female Sole Survivor sa panibagong break na ibinigay sa kanya. Nagsimula nang mag-swimming at diving lessons si Jackie Rice. At napag-alaman namin na takot pala siyang lumangoy.

“Matututo pa ba akong lumangoy? Kasi twenty na ako, from zero, eversince, wala talagang nagturo sa akin na lumangoy.” Sabi sa amin ni Jackie.

“Hindi talaga ako nagsu-swimming. ‘Yung mga scenes sa ilalim , itinuro na sa amin kung paano tumagal sa ilalim ng tubig… how we act sa ilalim… ang hirap talaga! Sobrang Hirap na I don’t know na ganito pala kahirap ang gagawin. Kasi, akala mo, alam mo nang mag-swimming, okay na… eh, ang dami pa pala.” Kuwento pa ng seksing aktres sa amin.

Sinabi pa ni Jackie na first time din niyang magkakaroon ng tatlong leading men sa ginagawa nitong serye.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

2 thoughts on “Sexbomb Yui Gutierrez, nasunog ang mukha!

  1. Pingback: Tweets that mention Sexbomb Yui Gutierrez, nasunog ang mukha! | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.