SexBomb Jackie Rivas, naospital dahil sa pambubugbo ng bf na miyembro ng Southborder?! – Joey Sarmiento

UPDATE LANG SA ginawang pambubugbog diumano ni Benjie Mendez, ang Southborder band drummer, kay Sex Bomb Jackie Rivas.

Sa East Avenue Hospital nagpagamot si Jackie dahil sa kanyang mga galos at sugat na tinamo niya dahil daw sa pananakit sa kanya ni Benjie.

Galit ang Southborder Band manager na si Sharon Inductivo sa nangyari. Hindi raw niya alam na ganu’n ang nangyari at hindi rin niya alam na ganu’n ang ugali ng kanilang bagong drummer.

Nalaman na rin daw ng Focus matriarch na si Joy Cancio ang nangyaring bugbugan at napagalitan na raw nang husto si Jackie dahil du’n.

Ang pagkakaalam namin, may pinaplanong legal action ang grupo ng Sex Bomb laban sa Southborder Band drummer. Lagot!

ISANG KAPUSO EXECUTIVE ang nagsabi sa amin na hindi true na masama ang loob ni Paolo Bediones sa GMA-7 dahil nu’ng araw na in-announce niya sa press ang kanyang pagpirma ng kontrata sa TV5, e, nagpaalam daw siya nang maayos sa Christian Network.

Ina-acknowledge naman daw ni Paolo na sa GMA-7 siya nagsimula at masaya na ang naturang network sa pahayag na ‘yon ng TV host.

Kasama si Paolo sa pag-expand ng TV5 coverage sa ‘Pinas sa susunod na taon at mag-i-invest daw sila sa High-Definition production equipment.

Binanggit naman sa amin ng isa pang malaking executive ng TV5 na mas maraming gagawin si Paolo as an executive kaysa sa pagiging artist although magkakaroon din ng TV projects ang magaling na TV host, eventually.

Natatandaan pa namin, nu’ng pumasok noon ang grupo ni Tony Boy Cojuangco sa ABC5 ay halos ganu’n din ang kanilang sinabi. Nu’ng ipinakilala ang partnership nila ng Malaysian group ay ganu’n din. Ngayon, pareho pa rin ang kanilang sinasabi.

Sa pagpasok ni Paolo sa TV5, wish nga namin, sana ay bumongga na nga nang todo-to-the-max ang mga TV5 Shakers para maging healthy na ang competition ng network war sa pagpasok nila.

FOR NINE YEARS, isa pang baby ang hinihingi ni Richard Gomez kay Lucy Torres pero wa pa rin. Nagpa-check na rin si Lucy sa kanilang OB Gyne pero wala naman daw siyang diperensiya.

Pero kapag tinatanong ang kanilang dalagitang si Juliana, straight forward niyang sinasabi na ayaw niya ng kapatid… hmmmm, why kaya?

Tuluy-tuloy naman ang paliwanag sa kanya nina Goma at Lucy na masarap ang magkaroon ng baby pero as of now, e, hindi pa talaga nila tuluyang naku-kumbinse si Juliana.

Anyway, 9 years old na si Juliana at nalaman din namin na meron na itong mga crush and knowing Goma, siguradong hinding-hindi niya papayagan ang kanyang anak na magkaroon ng boyfriend at a very early age… pwamis!!!

FOR THOSE WHO are wondering where You’ve Got Male’s Jan Nieto is, after his stint sa SOP, nagpahinga lang saglit ang hunk singer and he is all prepared and ready to get back on stage early next year.

Babalik sa SOP si Jan by January at para maipakita sa mga taga-GMA-7 na keri pa rin niya ang mag-perform and humataw sa stage, patutunayan niya ito sa show nila tonight with his co-member, Gian Magdangal and Harry Santos in a concert bagged as “’Eto na Naman.”

Sigurado, dudumugin ito ng mga naka-miss sa boy group na ‘yon kaya kitakits.

For reaction, please e mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.