Sexbomb Jackie Rivas, bugbog-sarado sa BF!

NABALITA NA NOONG nakaraang taon ang pambubugbog umano ni Benjie Mendez, drummer/ vocalist ng bandang Southborder sa kanyang girlfriend na si Jackie Rivas, miyembro ng Sexbomb Dancers.

Nitong Sabado ng umaga, nakatanggap kami ng text mula sa isang concerned citizen. Ayon sa source na ayaw magpabanggit ng pangalan, may naganap na komosyon umano sa condominium na kanilang tinitirhan sa Quezon City, bandang alas-dos ng madaling-araw noong Sabado. Sa nasabing condo nakatira sina Jackie at Benjie.

Ayon sa kuwento ng aming source, “Jackie ran out of the building barefoot screaming for her life saying she’d call the police. Benjie tried to run after her but Jackie ran fast and got in a taxi in no time.”

Nauna rito, sinipa umano ni Benjie ang alagang chihuahua ni Jackie, kung saan tumilapon ang aso, na naging simula ang pag-aaway ng dalawa sa lobby ng condo hanggang sa loob ng kanilang kuwarto. Hanggang sa makita na lang nila na nagtatakbo na palabas ng kuwarto si Jackie.

Bago lang daw ang magkasintahan sa condo, mga dalawang buwan pa lang daw, at mababait naman daw na kapitbahay. Nadistorbo lang daw sila sa nangyaring kaguluhan nito nga lang Sabado ng madaling-araw. Pinuntuhan na rin daw ng dalawang pulis ang unit ng dalawa para mag-inspeksiyon, pero hindi na raw kasama ng mga ito si Jackie.

Ayon pa raw sa kuwento ng guwardiya sa nasabing condo, humahangos daw palabas ng condo si Jackie at nagtatakbo papunta sa side ng Cabalen Restaurant, pero madilim sa lugar kaya tumakbo ito papunta sa kabilang side.

“Naabutan siya ni Benjie, hinablot ‘yung buhok pataas ng unit and sinuntok sa tagiliran. She was able to run out again and about to ride a taxi nang naabutan ulit siya and nakita ng guard na hinila ulit s’ya.”

Sa pangatlong pagkakataon, wala nang sapin sa paang tumakbo palabas ng condo si Jackie hanggang sa makakuha ng taxi. ‘Di na raw ito naabutan ni Benjie na nang lumabas ay walang suot na T-shirt.

Ayon pa sa aming source, nag-aalala raw sila para kay Jackie at sana raw ay maprotektahan ito.

Nais lang din daw ng mga nakatira sa condo na lumipat na sana ng ibang tirahan sina Jackie at Benjie. Tahimik daw ang kanilang condo, at hindi nila kailangan ang ganoong uri ng kaguluhan.

Bilang pangwakas, nasabi na lang ng aming source ang ganitong linya: “It’s scary to have such violent neighbor.”

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Related Post

loading...

21 thoughts on “Sexbomb Jackie Rivas, bugbog-sarado sa BF!

  1. Alam ko matagal na ang pangyayare pero lilinawin ko lang po ulit katilad ng mga sinabi ko sa mga interview nung bago pa ang issue.. Hindi po totoo ang mga paratang na to. Totoo pong nag away (sigawan) kami noon pero wala pong pisikal na sakitan na naganap. Hanggang ngayon po mag kaibigan pa kami ni benjie. God bless po saating lahat.

  2. wawa naman c Jackie.. bait pa naman nia… sana lumapit xa sa gabriela ng matulungan xa.. nakakaasa ang ganyang klase ng lalake.. sana mawala na sila sa mundo… juset…

  3. BAKLA KA PARENG BENJIE BAKLANG BAKLA TAYO KAYA MAGSUNTUKAN GAGONG BAKLA.DUWAG BABAE LANG KAYA MO BAKLA.BUTI PA MGA BAKLA MATITINO IKAW HAYOP KA WALA KANG BALLS HUWAG NA NINYONG BILHIN MGA CDS NG ANIMAL NA GRUPO NIYAN

  4. galit ako sa mga lalakeng nananakit! kahit ano pang dahilan ng awayan nila, di pa rin tama ang manakit ng babae no! iwanan mo na yang lalake na yan, picture pa lang mukhang bayolente na!

    • Mga gaga naman kayong mga babae kasi. Marami sa inyo ay tonta, idiot, stupid. Lalo na sa mga chipipay na dancer na yan. Mga malalaswang babae.
      Ang mga tipong salbahe na ganyan ang habol ng maraming babae. So magdusa kayo.

      • Bakit nakakahiya? HINDI naman mga Sexbomb dancers ang Nanay at Lola ko.
        OK?
        Saka hindi ko nilahat ang mga babae.
        Bakit, nasaktan ka ba? Baka chipipay ka rin na babae!
        Kayong mga puta ang kawawa!!!!!!!!!

      • alam mo male chauvinist i think galit ka sa mga girls either binasted ka or super pangit ka kasi ugali mo pa lang dito sa sobrang ASKAL (asong kalye) na…ang babae ay babae kahit pa ano sya..tingnan mo si magdalena makasanan sya pero pinatawad sya ni hesus..bakit ikaw sobrang galit mo sa mga babae am sure mayroon kang napakasakit na karanasan sa isang girl..ang totoong lalaki if ever na totoo ka nga ay di pumapatol sa babae unless BAKLA ka..

  5. gandang ganda ako dyan kay jackie noon bago pa lang sya sa sexbomb. fresh faced. ngayon mukhang tuyong tuyo na silang lahat …

    ay buhay. di pa sana huli ang lahat.
    hiwalayan mo na yan lalaking yan. baka sa susunod mapatay ka na.

  6. Sa lahat ng nag-c-comment, wag naman tayo mapanghusga. Oo, kahit sang anggulo natin tingnan, masama at maling-mali ang pambubugbog lalo na sa babae. Pero merong mas malalim na dahilan ang mga nangyari na kahit kelan hindi malalaman ng mga tao. Huwag po tayong manghusga. Hindi naman tama na akusahan natin yung drummer ng southborder na adik at sinto-sinto. Wala naman po tayong alam sa nangyari. At kung sino man po ang naglabas ng kwento na ito, sana lang yung totoo ang sabihin natin. Hindi kung anu-anong dagdag bawas na kwento. Hindi ko po kilala ang magkabilang panig kung kaya’t wala rin akong karapatan na maghusga sa kung ano ang nangyari. Sa mga nag-c-comment dito hindi po kayo nakakatulong kung inaakala ninyo. Nakakagulo lang po kayo lalo.

    • KAHIT PO ANO PA ANG DAHILAN KE MAY KASALANAN ANG BABAE HINDI DAPAT SAKTAN NG LALAKI. ANO ANG LABAN NG ISANG MAHINA AT MALIIT NA BABAE SA KAMAO AT LAKAS NG ISANG LALAKI? KUNG MAY KASALANAN SI BABAE, SIMPLE LANG…HIWALAYAN NIYA! YUN LANG YUN! AT KUNG TALAK NG TALAK NAMAN SI BABAE AT DI NA KAYA NI LALAKI ABA EH, DI UMALIS KA MUNA AT MAGPALIPAS. WALANG SINUMANG MAY KARAPATAN SAKTAN ANG BAWAT ISA LALAKI KA MAN OR BABAE. WALA KA RIN NAMAN PALA SA PINANGYARIHAN SO HUWAG KA RIN MAGHUSGA. ANG USAPIN LANG NAMAN DITO AY ANG PANANAKIT NI LALAKI SA BABAE AT KUNG HINDI MAN TUTUO ETO EH DI MAGPALIWANAG SILA.

  7. hmm! sana po ms jackie maging maayus ang paghihiwalay nyo ni idol (bagets), drummer din po ako, may asawa’t mga anak, hiwalay, at wala po sakin mga bata. mas minabuti ko na kasi na lumaki sila sa nanay nila. suportang pinansyal at pagdalaw ang obligasyon ko.
    sa lahat ng pagkakamali ko… ngayun ko lng napagtanto na ang pag layu sa kanila ang pinaka magandang nagawa ko. T_T asa parin ako sa isa pang pagkakataon.

  8. jacki rivas maganda ka!! may talent ka nman!!! Yung sarili mo ang isipin mo!!! wag ung gagong yan!! i hate men o hit women!!! nakakapanggigil!!!yang lalakeng yan mukha pa lng addict na!!!! kung ako sau jackie rivas..i will let him out of my lfe..mag umpisa ako ng panibagong buhay..kahit mahal ko pa yan!! sa bandang huli magsisisi ka lng pag d mo pa hiniwalayan!!!

    • naka2panghinyang lng na ang isang taong may talent…maganda at mapagmahal na gaya ni jackie eh mapunta sa alang kwentang lalake….sayang tlga!!!

      god bless jackie!!!

    • Sinto Sinot? may ganun..
      Malamang sa malamang.. may kasalanan din yang si jackie chan kaya nasapak.

      Tsaka anu yun? tatlong beses pabalik balik? pwede ba yun..

      hmm. hayaan na natin sila, may mas magandang dahilan kung bakit nangyari yun.

      Pero tama, mali ang mambugbog.. MABUHAY ANG MGA ADIK Woooo!

      • nagba2sa kaba o ala lng laman ang utsa…ipa2alala ko uli
        1)sinipa umno ni Benjie ang algang chihuahua ni Jackie, kung san tumilpon ang aso,na naging simula ng pag-aaway ng 2.
        2)nagta2kbo ppunta sa side ng Cbalen Restau.,pero mdilim sa lugar kaya tumakbo ito ppunta sa kbilang side.
        “Naabutan sya ni Benjie,hinblot ‘yung buhok ptaas ng unit n sinuntok sa tgiliran.
        3)She was able to run out again n bout 2 ride a taxi nang naabutan ulit sya n nkita ng guard na hinila ulit s’ya.”

        yan pra sa nalalabo mong mata….lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.