SEXBOMB GIRLS, TSUGI NA SA EAT BULAGA!

NAKAKALUNGKOT NAMAN ANG nakarating na balita sa amin, mismong Valentine’s Day daw nalaman ng grupong SexBomb Girls na tsugi na sila sa Eat Bulaga. Kaya pala nu’ng Friday ay hindi na namin napanood ang all-female group.

Ayon pa sa aming source, bakas na bakas daw ang kalungkutan at hindi naiwasan ng ibang members ang maluha sa nangyari, dahil nga naman dito sila nagsimula at sumikat. Bukod pa sa pamilya na raw ang turing nila sa bumubuo ng Eat Bulaga.

Marahil na ang rason daw ng pagkakasibak ng SexBomb ay ang paglipat ng kanilang manager na si Joy Cancio sa katapat ng Eat Bulaga, ang Happy Yipee Yehey.

Ang pagkakaalam namin ay nagpaalam naman si Joy sa pamunuan ng EB bago nito tanggapin ang show sa ABS-CBN at pinayagan naman daw ito. Ipinaliwanag naman nito na kailangan niya rin ng trabaho para kumita. Namaalam na nga naman  sa  ere ang Daisy Siete, maging ang ipinalit dito na Danz Showdown.

Well, anupaman ang dahilan, malalaman naman natin kung ano talaga ang rason kung bakit tuluyan nang tinanggal sa Eat Bulaga ang SexBomb Girls.

MASAYA ANG YOUNG actor at napapanood sa Tweenhearts, Walang Tulugan, at sa inaabangang Captain Barbell na si Jake Vargas sa mainit na pagtanggap ng mga Pinoy music lovers sa kanyang first self-titled album, ang Ngiti, under Dyna Music. Nakapaloob dito ang hit song na ‘Ngiti’ at ang theme song ng Koreanovela na The Baker King. Bukod pa sa pumalo na sa Top 11 sa Odyssey Record Bar ang album ng Olongapo boy. Patunay daw na mabenta ang album ng bagets.

Kami mismo ay saksi kung papaano pagkaguluhan si Jake sa mga mall show nito. Umaabot nga sa 100 to 200 ang sales ng kanyang CD sa tuwing may mall tour ito. Kaya naman puwede na siyang tawagin na ‘Prince Of The Mall’ sa rami ng taong pumupunta sa kanyang mga mall shows.

MARIING PINABULAANAN NG GMA Artist Center talent na si Jackie Rice ang naglalabasang balita na hindi na matutuloy ang kanyang muling pagbibida sa telebisyon via Sisid dahil sa hindi raw ito matutong sumisid. Kaya naman daw ang ending, no choice na huwag na itong ituloy.

Ayon kay Jackie, katatapos lang daw niya ng training sa swimming, kaya naman papaanong hindi na ito matutuloy? Tinatawanan na nga lang nito ang ganoong klaseng issue lalo na’t wala naman daw katotohanan.

Huwag daw mag-alala ang kanyang mga tagahanga dahil tuloy na tuloy ang kanyang pagsisid. Abangan na lang daw ang kakaibang Jackie Rice sa Sisid.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “SEXBOMB GIRLS, TSUGI NA SA EAT BULAGA!

  1. Nakakalungkot lang na dahil lang sa network war ay maraming nawawalan ng trabaho. Cgurado akong meron na naman isang tao na magmamagaling at aalukin sila ng trabaho. Syempre, siya na naman ang bida. :-)

Leave a Reply

Your email address will not be published.