SEXBOMB GIRLS, MAGIGING KAPAMILYA NA?

KUMPIRMADONG KAPAMILYA na ang Focus E CEO/President na si Joy Cancio, dahil ito na ang head choreographer/stage director ng bagong noontime variety show sa ABS-CBN, kung saan host sina Randy Santiago, John Estrada, atbp. At mapapanood ang pilot show sa Feb. 12.

Bukod kay Joy ay mapapanood din daw dito ang iba nitong talents katulad ng Danz Focus at Pink Society. Marami ang nagsasabing ito na rin daw marahil ang hudyat ng paglipat ng pinakasikat na all-female dance group sa bansa, ang Sexbomb Girls.

Maaalalang kung ilang buwan na ring walang maituturing na sariling show ang Sexbomb simula nang matsugi ang Daisy Siete at Danz Showdown, hindi na nga ito nasundan, kahit may bulong-bulungan na may next show ang mga ito. Ang kawalan siguro ng trabaho ang nag-udyok kay Joy na mag-ober da bakod.

Abangan na lang natin ang bagong noontime variety show ng ABS-CBN, at kung sa mga susunod na araw ba ay mapapanood na rin natin dito ang Sexbomb at magbababu nang talaga sa Kapuso Network. ‘Yun na!

HINDI RAW MAIWASANG MATAWA at mahiya ni Rhian Ramos sa kissing scene nila ni Richard Gutierrez sa My Valentine Girls na ipapalabas sa Miyerkules, hatid ng Regal Entertainment at GMA Films.

“Kinunan ‘yon ng mga ilang anggulo, so medyo nakakatawa. Nu’ng ginagawa namin, natawa din kami. Parang nahiya ako ulit. Kasi parang after all these years, parang natanggal na ‘yung hiya ko kay Chard, ‘di ba? Kasi nu’ng medyo bagets pa  ako,  ‘pag  tini-tingnan niya pa lang ako parang nahihiya na ako sa kanya,” sabi pa ni Rhian.

Bakit ka naman nahiya ulit?

“Very intimate naman kasi talagang humalik ng ibang tao, ‘di ba? Lalung-lalo na hindi ko naman alam kung ano ang relationship status niya ngayon, parang gano’n. Pero this time mas kumportable na ako kesa nu’ng una naming kissing scene,” pagtatapos ni Rhian.

NAG-CELEBRATE ANG JA-NUARY birthday celebrants ng GMA Artist Center na sina Rich Asuncion, Sheena Halili, at Diva Montelaba via a Fans Day sa Robinson’s Dasmariñas last January 30.

Naghandog ng kani-kaniyang production numbers ang apat na bituin. Bukod doon ay nagkaroon din ng games at pagkakataong magpalitrato at magpa-autograph ang kani-kaniyang tagahangang pumunta at nakisaya sa kani-lang kaarawan.

SINA RICHARD GUTIERREZ, Dingdong Dantes at Aljur Abrenica raw ang maituturing na crush ng child wonder na si Jillian Ward.

Ayon sa bagets, sobrang bait at guwapo raw ng mga nabanggit na Kapuso Actors, kaya naman ang mga ito ang kanyang hinahangaan. Pero kung papipiliin daw si Jilllian ng babagay kay Richard, si Rhian ang gusto nito sa kanyang crush.

Bukod sa My Valentine Girls, kasama rin si Jillian sa Captain Barbell na pinagbibidahan pa rin ni Richard, sidekick ng aktor ang role ng child.

John’s Point
by John Fontanilla

Related Post

loading...

3 thoughts on “SEXBOMB GIRLS, MAGIGING KAPAMILYA NA?

  1. e ano naman ngayon if lumipat ang sexbomb,,kilala ba sila?/wahahahahmmmpandagdag,,wahahaha,,,let the work diba,,
    ano bang true sa mga nababasa kong magiging kapamilya na si NADINE SAMONTE,JC DEVERA,SUNSHINE DIZON,COGIE DOMINGO,RICHARD GOMEZ soon??

    at magiging kapatid o kapuso naman daw si RICA PERALEJO,,DONITA ROSE after ng UKG nila??

    KRISTIN HERMOSA will part of tv5 soon??ano ba,,,diba,

    we love RHIAN RAMOS,,prety at may apil siay,,pero nakakaisra ang pagdikit ng name ni mo sa kanya,,sila na ba,,,si rhian ang di rin nag iisip na girl,ke bata pa,,,baka maging JANET MCBRIDE ito,,diba,,agang nasira dahil sa guy,,,tsk,

  2. Pingback: Tweets that mention SEXBOMB GIRLS, MAGIGING KAPAMILYA NA? | Pinoy Parazzi -- Topsy.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.