Sexbomb Dancers, tuluyan nang nagkawatak-watak?!

ILANG BUWAN NA ang nakalilipas since natapos ang Danz Showdown na isang dance reality search, kung saan ang mananalo ay magiging member ng Sexbomb Dancers. Pero after ng nasabing palabas, hindi na nasundan ito ng panibago pang shows na bida ang Sexbomb.

Marami ang nagtatanong sa amin kung ano na raw ba ang nangyayari sa Sexbomb? Magkakaroon pa raw ba ng bagong shows ang mga ito, or tuluyan na silang pinabayaan ng GMA-7? Totoo rin bang hindi na hawak ni Joy Cancio ang Sexbomb na balitang magsa-sign na ng management contract sa GMA Artist Center?

Sinubukan naming tawagan ang CEO/President ng Focus E na si Joy Cancio para linawin ang mga nasabing balita, pero hindi namin ito makontak. Pero ‘yung tungkol sa bagong shows ng Sexbomb, ang alam namin ay wala pa namang napag-uusapan between Focus E at GMA-7 kung ano ang follow-up show ng nangungunang female dance group sa bansa.

Pero ang nakaloloka, ang balitang aalis na sa poder ni Joy ang ibang miyembro ng Sexbomb sa pangunguna ni Rochelle Pangilinan, Aira Bermudez at Sunshine Garcia at iba pang alaga ni Joy like Julian Trono at lilipat na ng GMA Artist Center.

Maalalang nauna nang nag-alsa balutan ang ibang Sexbomb Girls, ilang buwan na ang nakalilipas sa pangunguna naman nina Jopay Paguia, Aifa Medina, atbp. Kung saan under na ng Viva Management si Aifa habang busy naman sa negosyo si Jopay.

Ito na ba ang hudyat ng pagkakawatak-watak ng Sexbomb? Pihadong maraming manghihinayang ‘pag nangyari ito, lalo na’t sila ang nagpaumpisa ng kasikatan ng mga all girls dancers/singers sa bansa. Well ‘yan ang tatanungin natin ‘pag natsambahan nating makausap si Ms. Joy Cancio.

BLIND ITEM: SINO itong dalawang young stars na ‘di pa man gaanong sumisikat ay sobra-sobrang laki na ang ulo at nagpi-feeling sobrang sikat na. Kahi’t nga ang mga kasamahan ng young stars na ito sa kanilang top-rating na palabas ay nagtataka na rin sa ikinikilos ng dalawa.

Hindi nga raw nakikisama ang mga ito sa kanilang co-stars at mistulang may sariling mundo at inilalayo ang kanilang sarili sa taping ng kanilang shows. Kahi’t nga ang ibang mga movie press ay ganu’n din ang nararamdaman sa dalawang nagpi-feeling sikat na young stars.

Noong nagsisimula raw ang mga ito ay super bati sa mga press na nakikita. Pero ngayong nagkaroon ng kakapiranggot na pangalan, mistulang deadma raw ang mga ito kapag nakikita ng mga movie press.

Pagtataray nga ng isang manunulat na dating close sa dalawa na ngayon ay galit na rin sa kanila na ‘wag daw makaasta-asta na akala mo’y sikat ang dalawang young stars, dahil flop as in ‘di kinagat ng masa ang kanilang shows sa primetime, kaya natsugi kaagad. Kaya walang kagatul-gatol na sinabi nitong, “’Di sila sikat, ‘noh!” ‘Yun na!

MABUTI-BUTI NA RAW ang dalawang young star ng TV5 na sina JR De Guzman at Alyanna Asistio na ‘di sinasadyang madisgrasya sa taping ng My Driver Sweet Lover na ginanap sa Antipolo, kung saan ang eksenang kukunan ay car scene na si Alyanna ang nagda-drive habang sakay ang ka-loveteam nitong si JR.

Akala raw kasi ng staff, marunong mag-drive si Alyanna katulad na rin ng sinabi nito, pero hindi pala. Kaya naman nabangga ang kanilang sinasakyan habang kinukunan ang nasabing eksena na naging dahilan ng pagkakaroon ng sugat ni Alyanna sa noo at labi, samantalang himalang wala ni isang galos at pananakit ng katawan si JR.

Dahil sa disgrasyang nangyari, sabay na isinugod sa ospital ang dalawa na kaagad-agad namang ginamot at ilang oras lang ay nakalabas na ng hospital. Pinauwi na si Alyanna para makapagpahinga, samantalang bumalik ng taping si JR.

Sa ngayon daw ay okey na si Alyanna at handang-handa na namang magtrabaho, gayun din si JR na balik na rin sa trabaho.

At last, may solo movie na rin ang tubong-Tarlac at tunay na Kapampangan na si Arron Villaflor, ito ay ang Kapampangan comedy film na Astro Mayabang. Mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana (Ang Alamat Ng Happy Horse), kasali ang Astro Mayabang sa Cinema One Originals 2010, na may awarding ceremony ngayong Nobyembre.

Makakasama rito ni Arron ang dating StarStruck II Avenger-turned-Star Magic talent na si Megan Young. Gagampanan ni Megan ang papel na Dawn na love interest ni Astro, PBB ex-housemate Hermes Bautista, John Lapuz, Marco Morales, atbp.

Ang kuwento ng Astro Mayabang ay tungkol sa isang binata na ginawang personal mission ang i-promote ang Filipino pride sa pagbili at paggamit ng Filipino pride-themed clothes and accessories.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Sexbomb Dancers, tuluyan nang nagkawatak-watak?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.