SexBomb Dancers: Pambansang dance group sa katanghalian

Isang ordinaryong all-female dance group na binuo ng beteranang dance artist-turned-talent manager and TV producer na si Joy Cancio noong 1999 ang Sexbomb. At that time, Dance Focus pa ang pangalan nila na unang nakatawag-pansin nang i-promote at isinayaw nila sa Eat… Bulaga! ang big hit na Sexbomb song ng foreign artist na si Tom Jones.

“Nagkaroon ng ‘Meron O Wala’ game portion ang EB na after a month ay naging ‘Laban O Bawi,’ ang grupo pa rin ang nagpu-promote ng nasabing dance hit song na ginagamit na parang theme song ng naging popular na pakontes ng EB.  Hanggang sa si Joey de Leon, tinawag na silang Sexbomb,” kuwento ni Joy Cancio.

Apat pa lang ang miyembro ng grupo noon, sina Rochelle Pangilinan, Jenine, Che Che and Debbie.  At dahil sa kanilang regular dance stints sa EB, biglang sikat sila at naging in-demand sa shows hanggang sa malalayong probinsiya.

Sa umpisa, may tumutuligsa sa Sexbomb kabilang na ang ilang pulitiko. Inulan ng batikos hindi lang ang very revealing sexy costumes na isinusuot ng grupo kundi maging ang mapangahas at maharot na dance steps nila. Muntik pa nga silang ipatawag sa Senado noong mga panahong iyon.

Nasakyan na rin ng masang Pinoy na hindi naman malaswa ang estilo at sexy packaging ng Sexbomb na ang konsepto ay galing sa ideya mismo ng metor nilang si Joy.

“That time, usung-uso sina Jennifer Lopez and Britney Spears dance,” say ni Joy.

In-adopt ito ni Joy, dinebelop para maiba nang konti sa pamamagitan ng pag-combine ng dance step na pinauso niya noong panahong aktibo siya bilang Vicor dancer para pumatok at masayaw rin ng mga bata. And she succeeded naman sa goal niyang iyon.

Kasunod ng popularity ng Sexbomb ay ang pagkakaroon ng misunderstanding sa pagitan ng grupo at ng manager at nanay-nanayan nilang si Joy Cancio.  Isa sa naging isyu ay ang hinala dahil sa sulsol ng iba na malaki kung mag-cut ng komisyon si Joy.

Hanggang sa nagpaalam ang tatlong miyembro sa dahilang babalik na lang sa pag-aaral, hihinto na sa pagsayaw para mag-iba ng linya, at iba pang mga personal na rason. Pero nagulat na lang si Joy na after two weeks ay nakita na lang niyang sumasayaw sa kabilang istasyon ang mga ito.

Si Rochelle lang daw ang naiwan. Pinili ng dalaga na manatili sa poder ng mentor nilang si Joy na siyang nagluwal at nagsikap na makakuha sila ng break sa telebisyon at mapabilang sa pamilya ng EB. Iyon ang panahong nagsagawa ang show ng search para sa mga bagong miyembro ng grupo, ang Sexbomb Showdown contest. Doon na-discover sina May, Weng, Grace, at anim na iba pa. Ikasampu na nadagdag si Jopay Paguio na from a dance group ng Magandang Tanghali Bayan o MTB ng Dos ay lumipat sa pangangalaga ni Joy. From a group of ten, 24 na sila ngayon.

From dancers, naging recording artists ang SexBomb noong 2002. Nag-hit ang first album nila na may carrier danceable song na Bakit Pa? Sinundan ito ng Spaghetti at dalawang Christmas album. All in all, nakapitong hit album ang Sexbomb.  At nagkaroon din sila ng sariling TV series, ang Daisy Siete.

Nagkaroon ng misunderstanding ang SexBomb sa Eat… Bulaga! na humantong sa sandaling pagkawala nila sa show.

Naayos din ang gusot sa pagitang ng Sexbomb at ng pamunuan ng TAPE Inc., at bumalik ang grupo sa show.

SexBomb will be forever thankful sa Eat… Bulaga! Of course, isang malaking bagay rin na makasama ng SexBomb ang instutusyon na sa telebisyon, sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

16 thoughts on “SexBomb Dancers: Pambansang dance group sa katanghalian

  1. and you’re talking about FLOPS, how about these: oh my girl, love on line, yaya and angelina, tarot, narito ako…, and yong movie ni manny pacquiao directed by carlo caparas… they were DISASTERS! bwahahahahahahaha!

    piolo’s manila was an independent film, a low-budgeted and it was not well-promoted. but with kimmy dora as one of the producers… he’s back! pinagmamalaki nyo ang tv, ok, pero bakit mas maraming commercials ang kapamilya stars halos 80%. mas may tiwala ba ang advertisers sa gma or sa abs-cbn? bwahahahahahaha!

    • ebs , ginagapang ang mga subscriber ng GMA pinoy tv sa europe, hinaharangan nila, binabakuran ang GMA sa europe para di magaya sa us at middle east na kapantay na nila ang sales…..

      • ginagapang? you think walang mga utak ang subscribers sa europe and to think na mas mahal ang TFC subscription and yet they chose to remain with TFC. kapantay na raw ang us at middle east sa sales… bwahahahaha, that’s the lousiest joke i’ve heard. kung pantay na sana kayo eh di hindi mahirap sainyo ang mag show to really penetrate the said areas, pero wala rin. mga shows nang kapuso sa us paisa isa at karamihan pa FLOP, what are you talking about?

      • correct!

        nilalampaso na sila ng GMA dito sa Abu Dhabi kaya panay promo… tfc is on sale now! wanna subscribe? hahaha

    • and what about the 2-0, repossessed house and lot, eight o’clock anomaly discovered by kris aquino, late cory aquino’s cortege issue, the unforgettable ULTRA stampede…and MANY MORE?

      what’s your take on these sir/madam?

      • what about them?
        you haven’t moved on from that? some of the issues have been either decided or dismissed by the court.
        you must be going psychotic, the moments have passed!

  2. research na ba yan ginawa mo, kahit ikaw mismo di sigurado. kung may irregularities eh di sana naipasa na yan sa iba pang volunteers, pero hindi parami pa rin nang parami ang tumutulong at nagbibigay nang tulong thus it’s purely paninira, of course from the other station. kasi naman talo na kasi sa fund drive, mas may tiwala ang mga tao mag donate sa abs-cbn kaysa sa gma, yon lang ang point don!

    anyways, eat bulaga and sexbomb dancers? ang tagal na nilang passe, ok?!

  3. huwag daw kayo manila sa Mega Manila ratings nyahahaha..
    Mega Manila ratings lang naman ang ginagamit na basehan ng EBS noong sila pa ang no.1.. binabalandra nila yan sa tv na sila ang no.1 dati inuulit ko dati nung sila pa ang no.1 sa Mega Manila.. natalo sila sa ratings kaya inakusahan ang GMA na nandayaw daw gamit ang mga bayaran at walang kredibilidad na mga witnesses kuno, na yung iba dating empleyado nila sa regional station nila sa Bacolod nyahahaha!

    yan ang tunay na paninira paulit-ulit na binabalita sa TV na nandaya daw ang AGB at GMA.. di kasi matanaggap na after ilang taon na pagiging no.1 sa Mega Manila natalo at naungusan sila ng isang maliit ng network gaya ng GMA! well, dati nang ganyan ang EBS mapanira.. sinisiraan ang mga kalaban nila sa negosyo para masolo ang iba’t ibang businesses sa Pilipinas!

    ang wowowee puro hype lang, sikat lang si willie sa mga iskandalo na kinasasangkutan niya.. helLo 0-2 WILYONARYO SCAM, ULTRA STAMPEDE, NENA V SANTOS -REPOSSESSED HOUSE N LOT NA PRIZE, CHLOE RONQUILLO NAGREKLAMO SA MTRCB, WILLIE’S OUTBURST ON TV SA FUNERAL CORTEGE NI CORY AQUINO!

    cge na nga, puro flop ang gma sa movies at walang flop sa ebs diba piolo? diba juday? sa inyo na ang movies magkano ba ang kikitain diyan? mas malaki ba sa tv? nyahahah! sa tv maraming ad support kung saan kumikita ng mas malaki ang tv stations at sa movies kakarampot lang dahil ilang beses sa isang taon lang gumagawa ng movies.. sa tv araw-araw at gabi-gabi napapanood mo ang mga fave shows mo at puno pa ng ad placements bawat commercial break kaya malaki ang kita e sa movie ganyan din ba? LOL!

  4. Kailangan i-promote ang EB dahil nilalampaso sila ng WOWOWEE. Sa 30 years nila, now lang nila ito ginawa. Kaya U will know there motif di ba?

    Malaking kasiraan si Joey DeLeon sa EB. Siya ang sumira sa credibility ng EB for 30 years.

    Dapat nun pa sila gumawa ng paraan ng magsimula ang WOWOWEE nung 2005 pagdating ng 2006 eh #1 na ito until now. Naka-establish na sila so pano nila ito maayos. I think, itong pag promote nila sa Pinoy Parazzi at sa iba pang online site. Ay isa sa mga way of promoting EB. Ok yan. Dapat continous lang ang pag-promote.

    Pero in my opinion, babalik lang ang sigla ng EB sa ratings pag nawala si Joey DeLeon at yung iba pa nilang kasama sa show. 2nd, gayahan na nila ung format ng Willie of Fortune. Tutal uso naman ang gayahan ngayon. Like ung Talentadong Pinoy na madami ng gumagaya. 3rd, mag-reformat sila totally.

    For sure may magr-react sakin pero ito ang totoo. Wag kayo maniniwala sa Mega-Manila ratings ng GMA-7. Isang patunay nyan, lahat ng mga movie ng talents nila ay puro FLOP. Kahit anong press release ng GMA-7 using media o press eh kitang-kita naman pag gagawa ng movies ang mga talents nila na flop palagi. Isa pa kaunti lang ang donation nila para sa ONDOY dahil mas naniniwala ang mga bigatin kumpanya at mga tao pati sa ibang bansa sa ABS-CBN Foundation binibigay. Dito makikita kung sino talaga pinaniniwalaan ng tao. Ang kasikatan ng GMA-7 at dahil sa tulong ng media o press lamang. Dahil di nila matanggap talo sila, ang ginawa nila eh inintriga ang Sagip-Kapamilya. Nagkalat ng mga negative text messages. Tama ba yun. Ugali na talaga yan ng KAPUSO ever since as part ng marketing nila. Para sakin tama yun ganung marketing strategies.

    • kung ako syo mag research k muna
      about dun satxt na cnsabi mo….
      galing ang txt mismo sa looban ng abs cbn…gling sa mga students mula sa isang xclusibong paaralan ang mga student na nagpklat ng txt…dhl cguro may nkita clng irregularidad sa pagbi2gay ng 2long ng sagip kpamilya…more search bago mang bato…baka bumalik kc syo

      at cguro pwede mo nmng ipagtanggol ang paborito mong stasyon na walang tintpkang iba dba?

      god bless!!! pkibuksan ang mata…hindi lng ang paborito mong station ang may krapatang mag numero una.

Leave a Reply

Your email address will not be published.