SexBomb Che Che Tolentino, ga-graduate ng Mass Com with honors!

THIS COMING March 24, ga-graduate ang SexBomb dancer na si Che Che na cum laude sa Holy Trinity para sa kursong Mass Com. Si Joy Cancio na kanyang manager ang agad na nagsabi sa atin na very proud sa kanyang alaga dahil kahit nagsasayaw ito ay nagawa pa rin nitong makapag-aral nang sapat, kung saan ay isa ang dalaga sa mga nangungunang mag-aaral ng Holy Trinity.

“Nakaka-inspired, ‘di ba? Imagine, kung gaano kahirap ang kalagayan ng batang ‘yan. Working student siya pero tingnan mo, kahit ganu’n, tingnan mo, ga-graduate siya with honor!” Sabi pa ni Joy sa Pinoy Parazzi.

Sa kabilang banda, kung si Che Che ay arangkada sa pag-aaral at sina Rochelle Pangilinan, Aifah at Jopay ay bumabandera bilang artista, si Sunshine Garcia naman ng SexBomb ay segment reporter na ngayon ng Dos.

“Actually, sinusubukan ko ang field na ito, Tito Morly. At nagpapasalamat ako sa Dos, dahil binigyan nila ako ng ganitong break,” Kay Sunshine ang pahayag na iyon matapos makipagsabayan sa amin ng pag-i-interview sa mga nanalo sa nakaraang PMPC Star Awards for Movies.

Ayon kay Sunshine, bukod sa pag-arte, pangarap daw talaga niyang maging news anchor dahil ito ang linyang pinag-aaralan niya ngayon sa kolehiyo.

“Nakaka-excite ang ganitong work, parang masaya ako sa news reporting,” sabi pa ng dalaga na nagsabi sa kanyang pagtatapos na nami-miss na niya ang SexBomb group.

“Madalas din kaming nagkikita, pero hindi tulad before na magkakasama kami talaga.”

Sa kabilang banda, inamin ni Joy Cancio na nagbabalik siyang ibenta ang bahay niya sa Kamuning. Ito ‘yung tahanan ng mga SexBomb nang kung ilang taon dahil dito nagpa-practice ang mga mananayaw.

“May mga kumakausap na sa akin, pero as of now, wala pa akong final na desisyon.”

Feeling kasi ng mabait na manager, kailangan niyang ibenta ang nasabing ari-arian para ipuno sa ibang bagay na kinakailangan.

“Ang buhay ng tao ay parang gulong lang, Morly… minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim. At nagpapasalamat ako sa Itaas dahil nagdadaan man ako ngayon sa pagsubok ay hindi niya ako pinapabayaan,” pagwawakas ni Joy sa Pinoy Parazzi.

 

SA FIRST day pa lang ng pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang, P7 million agad ang kinita ng nasabing pelikula kaya ganu’n na lang ang kasiyahan nina Derek Ramsay at Erich Gonzales.

Sa totoo lang, sunud-sunod ang mga pelikulang ginawa ni Derek na tumabo sa takilya: una ay ang movie na pinagsamahan nila nila ni Anne Curtis (No other Woman); ang sumunod ay ang movie with Vice Ganda (Private Benjamin), at ngayon ay Corazon. Kaya walang dahilan para pa-kawalan siya ng Star Cinema at Channel 2.

Hindi kay Derek nagmula, pero ayon sa balitang aming nakalap ay nakalulula raw ang talent fee na in-offer ng Dos sa aktor, bukod pa sa magagandang proyektong nakalaan para rito na nakatakdang gawin ng binata sa sandaling pumirma ito ng bagong kontrata sa nasabing TV network.

Pero hindi pera ang usapin kay Derek, dahil hanggang ngayon ay dala pa rin nito ang sama ng loob sa Dos matapos na hindi ito bigyang-proteksiyon sa mga intrigang ang Dos pa mismo ang nagsimula.

Sa kabuuan, naguguluhan pa rin si Derek kung lilipat siya sa Singko dahil sa TV5 feeling ng binata ay higit ang respeto ang ibibigay sa kanya.

“Actually, naguguluhan talaga si Derek. Mabait kasi sa kanya si Manny Pangilinan at nagkausap na sila. Then ang Dos naman, nagbigay na ng bagong kontrata kaya mahirap talaga,” sabi pa ng aming kausap.

Anu’t anuman ang maging desisyon ni Derek, isa lang ang tinitiyak ng binata. Wala siyang pagsisisihan sa kanyang magi-ging desisyon.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

18 thoughts on “SexBomb Che Che Tolentino, ga-graduate ng Mass Com with honors!

  1. Hi Morly, thanks for the write up. My name is Dino Cantal, Cheche and Erich’s professor at Trinity University of Asia. We’re hoping that the name of our beloved Trinity will be written correctly in your future articles. God bless.

  2. Correction, it’s TRINITY UNIVERSITY OF ASIA. And we didn’t graduate on the 24th, we graduated 4 days after (March 28). 

    In addition, please do mind of the information because we are very much particular when it comes to details. Kaklase namin si Cheche so bilang kamag-aral at kapwa-Trinitiano, you should give credit/acknowledgment to whom it is due. Thank you.

  3. TRINITY UNIVERSITY OF ASIA PO! HINDI PO HOLY TRINITY.

    To the writer of this article: Please make sure the informations you release are double checked, di yung basta lang nirelease, bsta lang may maireport pero hindi naman niresearch maige.. Nkakahiya nman kasi sa school na pinag – graduatan talaga ng tao dahil hindi ito narecognize ng maayos. 

  4. @ tirador gaya gaya. Alam mo maggupit ka na lang at magmanicure. Tsaka magtipid ka at wag kang tanga.Wag puro punta sa computer shop. Tsaka tigilan mo na ang panlalalake, kaya ka nagkakasakit eh. Kahit taong grasa pinapatulan mo. Ganyan talaga pag walang aral. Tsk tsk. Walang ibang iniidolo kundi artista. Kawawang bakla.Umiikot ang buhay sa boba nyang idolong artista. Get a life!!!

  5. dingdong tirakita, palibhasa wala kang pinag aralan. ang dumi ng lumalabas sa bunganga mo, magmumog ka na lang ng lason bwahahaha

  6. @margarita pag nakagraduate may utak na? andaming graduate jan na bobita lalo na sa la salle dasma. sigurado ako bobita ka din.

  7. Greetings would like a story of a local kagwad living in the squatters with 5 million in new cars etc., on Trancso Gov., Land doing a illegal plastic business and pays no business tax, efforts to bstop this block by Caloocan Mayor hoping for votes next election Bir has agreed to charge many violations but still Mayor allows on Gov. Land same did a drain project kept some material and used old and drain now never works back up sewer steady smell and health issues and no one will force them the Kagwad to repair. Sean Banks

  8. cgurado kang walang laman ang utak ni marian, pano cya nakagraduate, eh sa lasalle pa un makacomment lang nanlait pa..

  9. buti pa to with honors gagraduate, mukhang may laman ng konti ang kukote. eh si marianita? nakupo, magaling lang sa kangkangan at blowjob.

Leave a Reply

Your email address will not be published.