Sex video nila ni Cristine Reyes, nakarating na kay Rayver Cruz

NADADAWIT NA rin ang dating magdyowa na sina Cristine Reyes at Rayver Cruz sa diumano, may sex video rin kaya hiningan ng reaction ang actor.

Ayon kay Rayver, nakarating na rin sa kanya ang diumanoy sex video nila ng ex-girlfriend na si Cristine at ito raw ay walang katotohanan.

“Ano ba naman kayo! Kung mayroon, ‘di sana nasa Facebook ko na ‘yun,” say ni Rayver.

Sabi pa ng actor tungkol sa sex video, “Saka virus ‘yun. May link, kasi kapag kinlick mo, baka ma-virus lang ‘yung phone n’yo.”

Ang sinasabi ni Rayver ay ang mga agaw-atensyon titles ng links na kadalasang nakikita sa virus ng Facebook users. Kapag na-click daw ito ay posibleng magka-virus ang mga gadget.

Muling pinagdiinan ng actor na wala silang sex video ni Cristine Reyes. Ayon pa sa actor, napag-usapan na raw nila ni Cristine ang tungkol dito at kanila lang daw tinawanan.

“Nagkatawanan lang kami sa taping kasi pati siya ay nakatanggap din ng text message. Ako, nakatanggap. Buong pamilya ko, nakatanggap. Ang dami, sobrang ang daming nakatanggap, so nakakatawa lang. Ano ‘yan?!”

Kahit na raw tapos na ang kanilang pagmamahalan ni Cristine ay nananatili silang magkaibigan. Ngayon ay magkasama pa sila sa primetime series ng ABS-CBN, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

 

MASAYA ANG pakiramdam ng baguhang young actor na si Ruru Madrid sa dami ng project na natatanggap.

Galing sa isang reality search na Protégé: The Battle for the Big Artista Break na hindi siya ang nanalo pero siya ngayon ang pinaka-busy.Pagkatapos niyang lumabas sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa na nabigyan ulit siya ng primetime series na Sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

May weekly series din siya sa Dormitoryo kung saan ka-lovetriangle siya nila Lauren Young at Enzo Pineda.

Sa movies naman, magandang review ang nakuha niya sa pagganap niya sa indie film na Bamboo Flowers na idinirek ni Maryo J. delos Reyes.

Hindi lang ma-take ni Ruru na mapagbintangang ginagamit si Julie Anne San Jose para sumikat.

Hindi raw siya ganoong klaseng tao. Kung ano ang dumating sa buhay ay kuntento na siya at hindi na kailangang manggamit ng ibang tao para matupad ang pangarap sa buhay.

 

IKINAGULAT NI Sid Lucero ang pagsagot ni Heart Evangelista sa isyung pagkaka-link nila nang magsama sa Forever ng GMA-7.

Sa launching kasi ng Magkano Ang Pag-ibig bagong TV series sa GMA-7 na idinirek ni Maryo J. delos Reyes, walang malisyang sinagot ito ni Heart na dalawang beses silang lumabas ni Sid at hindi na nasundan pa.

Dahil sa pagkabigla ni Sid na napuna kaagad ni Heart dahil magkatabi sila sa upuan habang tinatanong ng press, nasabi na lang ni Heart kay Sid, “Sorry, nagulat ka ba? Hindi kasi ako sinungaling.”

Kasama rin sa bagong drama series nina Heart at Sid si Katrina Halili na bakas ang kasiyahan matapos ang controversial na pangyayari sa buhay.

Masaya siya dahil sa isang anghel na isinilang at gagawin daw niyang maging isang mabuting ina sa kanilang anak ni Lawrence.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

4 thoughts on “Sex video nila ni Cristine Reyes, nakarating na kay Rayver Cruz

    • HAHAHAHA. NAPANSIN KO RIN YON. PARANG NAGULAT BIGLA SI AA. KASO, USAP-USAPAN SA BEKIWORLD, DI NAMAN DAW GANUN KALAKI PARA MAG-REACT NANG GANYAN SI AA. HAHAHAHA. AY, ANO BA ITECH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.